-ARMAND- "Hi," nakangiting bati ko kay Ms. Lyn Palermo. Pansin ko ang pagkunot ng noo nito nang makita ako. "H—Hello, sir. May kailangan po ba kayo?" takang-tanong nito sa akin na medyo nauutal. "Hmm, yes. Ang alam ko break time niyo ngayon, hindi ba? Pwede ba kitang maimbitahan saglit sa katapat na Cafe nitong hospital?" "Sino po ba ako upang tanggihan ang isang Lucchese sa isang paanyaya," nakangiting sagot nito sa akin. Pero hindi nakaligtas sa aking paningin ang pag-atubili nito. "Thank you," nakangising saad ko rito. "Tara, Mr. Lucchese." "Salamat sa pagpapaunlak mo sa paanyaya ko, Ms. Palermo." "My pleasure, sir. Pero, nagtataka lang ako kung bakit nais niyong makipag-usap sa'kin?" Naglakad na kami patungo sa naturang Café. "T'saka na tayo mag-usap kapag nasa loob na tayo na