-STEVE- "O, natulala ka na?" Pukaw ni Lorna sa aking malalim na iniisip. "May iniisip lang ako." Sumilay ang matingkad na ngiti sa mga mata ni Lorna. Masuyong hinawakan ko ang isang kamay nito na ngayo'y nasa aking kabilang pisngi. Pagdakay masuyong hinagkan iyon. "Hmm... sige na, mag-trabaho ka na. Baka saan na naman tayo mapunta nito." "Hindi mo ba talaga ako pagbibigyan, babe?" Sumamo ko rito. "Baliw ka talaga kahit kailan." "Yes, I am. I'm crazy for you, Lorna. I want to fúck you so hard but I need to keep my distance. Gusto ko pa ring iparamdam sa'yo ang salitang respeto. I like you, babe." Nagulat na lamang ako nang si Lorna na mismo ang humatak sa aking batok at pinagtagpo nito ang aming mga labi. At ang init na kanina lang ay nag-uumalpas ay biglang sumabog. Dàmn it. Sus