Umalis nga ito matapos ang agahan, kaya naman ay wala na naman siyang makausap. Naligo siya at lumabas. Siya ang tipo ng tao na di nakarely sa gadgets kaya naman ay nag ikot siya sa likod bahay. Nakita niya ang mga bayabas na hitik sa bunga, maging ang santol at ang mangga. Pagkakita niya palang sa mga bunga niyon ay tila naglaway ang bagang niya, lalo na ng maalala ang bagoong alamang na sobra sa agahan nila. Naghanap siya ng panungkit ng makita ang isang mahabang kawayan ay ginamit niya iyon upang kumuha ng bunga ng mangga. Maging ang santol na hinog tsaka na ang bayabas baka sumakit na ang kanyang tiyan kung pagsasabay sabayin niya ng kuha. "Ay kabayo, bakit ba ayaw mong malaglag?" himutok niya ng halos manakit na ang leeg niya sa kakatingala ay di niya halos matamaan ang bunga ng ma