Chapter Two

1718 Words
Chapter 2 “Puwede mo ba akong samahan sa doktor? Check-up ko kasi ngayon,” mahinang sabi ni Alfha kay Dean habang nag-aagahan. Sinadya niyang sumabay rito upang makausap ito nang maayos. Biglang binuksan ni Dean ang katapat na drawer at mula roon ay kinuha nito ang maliit na pouch at naglabas ng pera. “Here’s the money. Twenty thousand pesos. Yayain mo si Rain at magpasama ka sa kanya sa pagpapa-check up. I’m busy, and I have an appointment,” saad nito na hindi man lang tumitingin sa kanya. Lihim na naman siyang nasaktan. Hanggang ngayon ay sensitive pa rin siya. Madaling masaktan. Walang imik na kinuha niya ang pera. At dahil nawalan na siya ng gana ay hindi na niya inubos ang kinakain. Sinabi na niya noon sa sarili na hindi siya magpapaapekto sa mga pambabalewala nito. Ngunit tao lamang siya na nasasaktan kahit ’di sinasadya. Kasabay sa pahuhugas niya ng pinggan ang pagpatak ng kanyang mga luha. May isang bahagi ng kanyang isip na nagsasabing umalis na siya sa piling ni Dean. Ngunit ang kanyang puso ay tumututol. Baliw ang kanyang puso sa pagmamahal dito. “I’m going!” sigaw ni Dean pero ’di na niya inabalan pa ang sariling lingunin ito. Hindi pa rin tumitigil sa pagbalong ang kanyang mga luha at natatakot siya sa magiging reaksyon ni Dean kung sakaling maaktuhan siya nitong umiiyak. Gaya ng dati mag-isa na naman siyang umalis ng bahay upang magpa-check up. “O, ano ka ngayon? Iyak-iyak ka na naman,” sermon kaagad sa kanya ni Rain ng magkita sila sa coffee shop ni Amiya. “Siguro nasaktan na naman ni Demon. Este ni Dean pala,” sabad ni Amiya habang gumagawa ng milk tea.” “Ano ka ba naman Dematrea? Hindi ka na nagising sa kagagahan mo! Ilang beses ba namin uulit-ulitin sa ’yo na hindi ka mahal ni Demon. Kaya iwanan mo na siya” sermon ulit ni Rain sa kanya. Hindi niya masisisi ang mga ito dahil sa tuwing masama ang loob niya ay sila agad tinatakbuhan niya kahit alam na niyang sasabunin siya ng mga ito. “Iuntog na kaya natin sa pader ’yan, Ulan! Para naman matauhan,” inis namang sabi ng kaibigan niyang bakla na si Dwin.” “Ang ha-harsh n’yo naman! Ganyan ba kayo magpayo sa mga sugatan ang puso? Anong klaseng payo ba ’yan?” saway ni Jovel na ’di nila napansing nasa tabi na nila. Tahimik lamang na nakikinig si Alfha sa mga ito. Wala siyang maapuhap na salita dahil puno ng tampo at paninibugho ang kanyang puso. “Kasalanan kasi ito ni Gretta! Pinainom ng pinainom ng herbs niya. Kaya iyan tuloy, nalasing at najuntis ni Demon,” nakapamaywang na sabi ni Dwin. Halatang gusto nang manapak dahil sa sinapit ng kaibigan kay Dean. “Aba, Alfha, ’wag ka naman maging martyr. Hindi na uso ’yan, ’day! Sana naman minsan pumunta ka rito na hindi mo kami papasalubungan ng mga luha mong may mga atoms,” biro ni Gretta. Kahit nagpupuyos na ang kalooban nila sa galit kay Dean dahil sa ginagawa nito sa bestie nila ay nagpipigil pa rin sila. Ayaw nilang doblehin pa ang dinadala ni Alfha. “Oh, ano? Sasamahan n’yo ba ako sa OB ko o sesermunan n’yo na lang ako buong maghapon ditto?” Pag-iiba ni Alfha sa usapan.” “Sige na nga! Pasalamat ka dahil mahal ka naming. Sasama kaming apat sa ’yo. Alam mo namang we’re always by your side kahit sarap mong isako,” natatawang saad ni Amiya.” “Inday! Pakibigyan na lang ng pagkain si Chaochao. Aalis muna kami. At ikaw naman Maymay, pakibantayan nang maigi itong coffee shop ko,” bilin ni Amiya sa kanyang mga empleyado. Nagpapasalamat na lang si Alfha na may mga kaibigan siyang supportive. Nababawasan ang kanyang bigat sa dibdib. Matapos ang check up at ang nakakabaliw na kuwentuhan sa mga kaibigan niya ay balik bahay na naman si Alfha. Nag-iisa na naman siya at sa pagtatrabaho sa loob ng bahay ni Dean. Gusto niya kasi pagdating nito sa bahay ay malinis na ang lahat. Ayaw niyang maiba ang tingin nito sa kanya. Nasanay itong inaaruga at inaalagaan niya. Di lang ito kung ’di maging ang bahay nito.” Habang nililinis niya ang mga gamit ni Dean sa kuwarto nila ay hindi sinasadyang nakita niya ang larawan ni Zara. “I can’t live without you, and you’re the only one I need. I love you forever.” Dumaloy muli sa kanyang pisngi ang likidong akala niya ay naubos na kanina. Napahawak siya sa kanyang dibdib sa sobrang sakit na nararamdaman. Mahal na mahal na niya si Dean sa kabila ng lahat na ipinapakita nito sa kanya. Hindi rin siya nawawalan ng pag-asa na mahuhulog din ang loob ng asawa niya sa kanya. Bubuo ng pamilyang kasama ito. Gayunpaman, nakaramdam din siya ng awa kay Zara. Batid niya kung gaano rin nito kamahal si Dean. Kasal na lang ang kulang sa kanila. Pero dahil sa kanyang kalokohan, nasira ang lahat. Walang nagawa si Zara kung ‘di ang magpaubaya alang-alang sa kanilang anak. Napaupo sa sahig si Alfha habang nakasandal sa higaan. Sa kanyang pagpikit, muling nanariwa ang dahilan ng lahat. “Gusto kong ipakilala sa inyo ang dating star dancer namin noong college. Lahat yata ng nasalihan niyang patimpalak ay nanalo siya. Kaya naman gusto namin siyang makitang sumayaw ulit. Miss Alfha Dematrea Magpantay! Please come on stage!” malakas na sigaw ng MC nilang si Esmael. “Baklang ito! Ipapahiya pa ako sa lahat,” sambit niya ng pagtinginan na siya ng batch.” “Gaga! It’s your chance para mapansin ka na ng super crush mong si Dean!” excited na saad ni Dwin. “Ha? Nandito siya?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Alfha. Bahagyang inayos ang damit na nagusot na. “Yes! Siya lang naman ang sponsor ng reunion natin ngayon. Siya ang dahilan kung bakit nasa magarang clubhouse tayo ngayon.” “Alfha Dematrea, where are you? We’re waiting for your dance performance!” “Oy! Tawag ka na, Alfha,” nakangising turan ni Rain na naduduling na ito sa rami ng nainom. “Nahihiya ako,” sambit ni Alfha. “Don’t worry. Mawawala ’yang hiya mo.” ”Gretta! Pahingi nga ng energy drink mo,” bling ni Dwin kay Gretta.” “Teka! Anong energy drink iyan? Di ba hindi ka naman umiinom ng alak? “Yun ang akala mo! Here! Drink it!” utos nito sa kanya. Kahit hindi alam ni Alfha kung anong inumin na ’yun ay ininom pa rin niya. Diretso niyang tinungga ang isang baso. Medyo napangiwi siya sa lasa,dahil parang tanglad na nilagyan lang ng pampalasa. “Pwe! Ano ba iyan? Bakit ganyan ang lasa?” “‘Wag ka nang matanong, punta ka na ng stage at sumayaw ka na roon. Galingan mo, ha!” Pagtataboy ng mga kaibigan sa kanya. Pagtapak niya ng entablado ay halos mabingi si Alfha sa sigawan ng mga ka-batch niya. “Dapat may partner ka, Alfha,” mungkahi ng isa niyang classmate. “Sino naman ang kukunin kong partner? Eh, puro naman kaliwa ang mga paa ng kaklase nating mga lalaki,” natatawa niyang saad dito. “So, Mister Fidistrano, kung inyong pahintutulutan, baka naman puwedeng ikaw na ang maging kapareha ni Alfha. I heard na magaling ka raw sumayaw,” pakiusap ni Esmael dito. Lalo pang lumakas ang hiyawan ng lahatnlalo na ang kanyang mga kaibigan. Halos lumuwa ang mata ng mga ito kaka-cheer sa kanya. Walang salitang lumapit si Dean sa entablado at tumabi sa kanya. Biglang naging iratiko ang t***k ng puso ni Alfha. Tumigil saglit ang pag-ikot ng kanyang mundo nang masilayan ang mukha nito. Lingid sa kaalaman nito ay matagal niya na itong pinagpapantasyahan. Simula ng maging modelo ito ng sariling branch ng mga damit. Mayroon kasi itong negosyo ng mga damit, ang The Dean’s Outfit.” “Operator! Music, please!” sigaw nito na seryosong nakatingin sa kanyang mukha. Pumalinlang ang maharot na tugtugin na Love Me Like You Do. Kaya naman nagmistulang may sabong sa clubhouse ng gabing iyon. At higit sa lahat ay hindi inakala ni Alfha na magkaka-one night stand sila ni Dean, na siyang dahilan upang mabuntis siya nito at sapilitang pinakasalan. Kaya naman ngayon ay nagdudusa siya. Naiiling na lang si Alfha nang malaala muli ang lahat. Malalim na buntonghininga ang kanyang pinakwalan habang tinatahak ang simbahan. Naisipan niyang magsimba muna bago magtungo sa Ob niya. Magpapa-ultra sound kasi siya upang malaman niya ang gender ng magiging anak. Sa ganoon ay hindi na bumigat pa ang kanyang sama ng loob. Hindi na siya nagsabi pa kay Dean dahil alam niyang di rin naman ito sasama. Lagi na lang busy ang isasagot sa kanya kahit hindi naman. Namili muna siya ng mga gamit para sa kanyang magiging baby. Sa ganitong paraan ay malilibang siya at malilimutan niya ang problema sa bahay. “Oops!” nabigla niyang sambit nang mabangga siya ng isang lalaki. Napatulala siya ng makita ang mukha nito. Matangos ang ilong at parang nangungusap ang mga mata. Sa hula niya ay isa itong half foreigner ito. “I’m sorry, Misis! Nasaktan ka ba?” tanong nito habang pinupulot ang mga pinamili niyang nagkalat sa sahig. “O-okay lang ako. Kasalanan ko rin naman. Hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko,” tugon ni Alfha. “Here! Pasensya na, ha! Nagmamadali kasi ako,” nakangiting saad nito. “O-ok lang.” Nakangiting sinundan niya lang ito ng tingin. Magaan ang loob niya sa lalaki Baka sang panghihinayang ni Alfha dahil hindi niya nalaman ang pangalan nito. Pagkatapos niyang mag-mall ay dumiretso na siya sa kanyang OB. “Wow! Baby girl kaagad ang magiging baby mo, Alfha,” masayang sabi ni Doktora Lourdes. “Sayang lang at hindi nakasama ang asawa mo rito para matuwa rin siya.” Malungkot na nginitian ni Alfha ang doktora saka napabulong sa sarili, “Kung alam mo lang.” Maging sa doktora ay itinago niya ang tunay na niyang kalagayan. Ayaw niya kasing kaawaan siya nito at kamuhian ang kanyang asawa. Habang nakatitig siya sa screen ay hindi niya maiwasang mapaluha nang marinig ang malakas na heartbeat ng kanyang anak. Pakiramdam niya’y lalabas ang kanyang anak na hindi makakaranas ng pagmamahal ng isang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD