Chapter three

1254 Words
Chapter 3 Matapos ang maghapong pamamasyal ay umuwi na siya. Baka maabutan siyang wala roon ni Dean. Agad siyang nagluto ng hapunan nito. Ito ang pinakapaborito niya sa lahat ang paglutuan ito nang masarap na pagkain. Hindi niya naman ito naringgan na nagrereklamo sa lahat ng iniluluto niya. Pagkatapos magluto ay naglaba naman siya gamit ang washing machine. Ngunit pagdating sa mga puti at pang opisina nito ay nagkakamay siya. Lahat ng gawain ng isang asawa ay pinipilit niyang magawa,upang iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal. Patapos na siya sa paglalaba nang marinig ang pagbusina ng sasakyan nito. Agad niyang iniwan ang nilalabhan at nagmamadaling pagbuksan ito. Mainit ang ulo nito nang pumasok. Siguradong may nangyaring hindi maganda sa opisina. “Ka-kakain ka na ba?” may pag-aalinlangan niyang tanong dito. Ngunit madilim ang mukhang tumitig lang ito sa kanya.  “Leave me alone!” singhal ni Dean kay Alfha. “Kaya naman agad niya itong iniwan sa sala. Nakita niyang nagsalin ito ng alak sa kopita at diretsong tinungga ang laman niyon. Hinayaan ni Alfha ang lalaki mag-isa upang maiwasang na mabunton sa kanya ang galit nito. Hindi alam ni Alfha kung ilang oras siyang nakatulog sa paghihintay kay Dean. Hindi talaga ito tumawag sa kanya kaya sinubukan niyang puntahan ito sa sala. Nakahiga na ito roon at mahimbing na natutulog. Nagkalat ang mga bote ng alak sa lamesa. Agad niyang niligpit ang mga kalat saka sinubukan niya itong gisingin. “Dean, halika na, pumasok na tayo sa kuwarto,” mahina niyang saad dito. “Uhm . . .” himig ni Dean. “Halika na, pumasok na tayo sa kuwarto,” sabit muli ni Alfha. Tinulungan niya itong makabangon. Nagpasya siyang sa guess room na lang sa baba niya ito patulugin. Dahil hindi niya ito kayang iakyat sa secondfloor kung nasaan ang kuwarto nila. Napasinghap siya nang tuluyan na itong mapahiga sa higaan. Gaya ng dati, pinunasan at binihisan niya ito. “A-a-aram m-mo b-ba! Buw-buwesit ka sa bu-buhay ko!” putol-putol nitong sabi. Kahit alam na ni Alfha na ganoon nga siya para r ito ay hindi pa rin niyang maiwasang hindi masaktan.  “Lasing ka lang. Matulog ka na,” saad niya habang inaayos ang higaan nito. Ngunit sa pagkabigla ni Alfha ay hinila siya nito at siniil ng halik. Ngunit ang halik ni Dean ay mapagparusa at halatang pilit lang.  Nagpumiglas si Alfha dahil nasasaktan na siya sa paraan ng paghalik nito. Hanggang sa nalasahan niya ang pulang likido mula sa kanyang labi. Buong lakas niyang itinulak si Dean at sinampal. Parang natauhan itong bigla. Naniningkit ang mga matang napatitig ito sa kanya.  Ngunit bago pa ito makapagsalita ng masakit sa kanya ay iniwan niya na ito. Dumiretso siya sa bodega at doon ay muling nagpakawala ng sama ng loob. Napabalikwas ng bangon si Alfha nang marinig ang malakas na pag-doorbell. Agad niyang tinungo ang malaking pinto at binuksan ito.  Halos mawalan siya ng panimbang nang biglang mabuwal si Dean sa kanyang harapan. Umalis pala ito nang ’di niya namalayan. Lasing na lasing at hindi na kayang tumayo. Buong lakas niyang sinubukan itong alalayan. Dahil sa malaki ang pangangatawan nito at sa tangkad na six footer ay talagang nahirapan siya.  Wala siyang matawag na sasaklolo sa kanya dahil wala naman silang mga katulong doon at driver. Dahan-dahan niya na lang itong hinila patungo sa malapad na sofa. Bago niya marating ang sala ay naligo na siya ng pawis. Pasalampak na umupo muna siya sandali at pinagmasdan ito. Nakatulog na ito sa sobrang kalasingan. Tinungo niya ang kusina at kumuha ng pamunas para dito. Pagkatapos ay nagtungo sa kuwarto at kumuha ng pamalit sa damit nitong naka-unbotton na. Paroo’t parito si Alfha at hindi alintana ang bigat na dinadala. Medyo kumirot ang kanyang balakang kaya naman ay nagpahinga muna siya. Napapansin niyang madalas ang p*******t ng kanyang balakang at likod. Minsan naman sa ibabang bahagi ng kanyang tiyan pero ’di niya iniinda lalo na kapag kaharap si Dean na walang pakialam sa kanya. Nandoon pa rin ang takot niyang mag-bleeding dahil sa dami ng trabaho. Sinimulan niya itong punasan para lang magulat sa nakita. May kissmark ito sa leeg. Tumutulo ang luhang pinunasan niya ng alcohol ang kissmark na kaytagal matanggal. “Hindi pa ba sapat ang pahirap nito sa kanya at kailangan pang mambabae? Anong klaseng puso ang mayroon ba ito?” himutok ni Alfha sa sarili. Pero lahat ng katanungan niya ay siguradong mawawaglit dahil madali naman siyang makalimot para sa huwad niyang pag-ibig dito. Gusto niya na itong sukuan ngunit nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ni Alfha. Tiniis niyang ‘di makita ang mga magulang upang mapagtakpan ang mga ginagawa ni Dean sa kanya. Ang buong akala ng mga ito ay maganda ang buhay niya sa piling ng asawa dahil mayaman ito. Naibibigay nito ang pangangailangan niya ngunit kung tratuhin naman siya ay masahol pa sa isang katulong na api. Pagkatapos niyang mapunasan at mabihisan ito ay nagtungo siya sa bodega kung saan madalas siyang maglabas ng sama ng loob. Halos mapuno na nga ang trashcan doon ng mga tisyung pinagpunasan niya ng luha at sipon. Hanggang sa nakatulugan na niya ang pag-iyak sa mismong bodega. “Saan ka natulog kagabi?” tanong ni Dean sa kanya kinabukasan.  Nakatukod ang dalawang kamay nito sa mahabang mesa nila habang hinihintay ang niluluto niyang tinola. Ito ang naisipan niyang lutuin upang mapawi ang hang over nito. “Sa-sa bodega. May inaayos kasi ako roon, ’di ko namalayang nakatulog pala ako,” tugon ni Alfha habang nakatalikod dito. Ayaw niyang mahalata nito ang namumugto niyang mga mata. “Matagal pa ba ’yan? Male-late na ako sa meeting ko!” singhal ni Dean kay Alfha. Baka sang pagkainip sa aura nito. Hindi siya kumibo. Pigil na pigil na hindi makapagsalita ng masakit. “Umiiyak ka ba?” muli nitong tanong nang mapansin na nito ang pamamaga ng kanyang mga mata. Pero hindi pa rin siya umimik. “Kung may masakit sa ’yo magpa-check up ka. Mag-iiwan ako ng pera sa drawer. Bahala ka kung paano mo gagastusin. Sky is the limit,” saad nito.  Gusto niya sanang isumbat dito na walang gamot sa puso niyang sugatan. Matapos niyang ibigay dito ang umuusok na tinola ay iniwan niya muna ito at dumiretso ng bodega upang doon ituloy ang luhang kanina pa nakakubli sa sulok ng kanyang mga mata. Ilang minuto ring nagpakawala ng sama ng loob si Alfha. Nang mahimasmasan na ay inayos niya ang sarili. Tinuyo ng tissue ang mga luhang nakaipit pa at nang makita ang repleksyon sa salamin na ayos na ay nagpraktis siyang ngumiti kahit ang mga mata ay nababalot ng lungkot. “Maghanda ka bukas may darating akong apat na bisita, mga kasosyo ko. Gusto kong malinis at maayos ang bahay. ‘Wag ka na lang magluto. Magpapa-deliver na lang ako ng pagkain,” bungad ni Dean pagbalik niya mula sa bodega. Matamis siyang ngumiti rito at kinuha ang pinagkainan nito. Umarte siyang parang wala lang. Nagiging magaling na siya na artista ngayon dahil kay Dean. Parang natural na lang sa kanya ang pag-arte nang ganoon. Kung sa pelikula pa ay baka nanalo na siya ng best actress award dahil sa galing niyang umarte.  Salubong ang kilay nitong tumitig sa kanya, marahil ay nagtaka sa bigla niyang ikinikilos. “May pera sa drawer, bahala ka kung ano ang mga bibilhin mo,” paalaala nitong muli bago siya tinalikuran.  Malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan siya upang tuluyang gumaan dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD