Chapter 9

1273 Words
Koa Dalawang araw ko nang sinubokan ang mapalapit kay Eliza. Pero napakailap nang dalaga,ni anino nito hindi ko makita dito sa boung bahay. "Saan kaya siya?"Hindi naman siya nag a-aral dahil summer ngayon. Alas kuwatro pa lang nang madaling araw gising na ako. SH*T mas lalo akong nasabik na makilala ang dalaga. Simula nang makita ko siya nong nakaraang araw hindi na ako mapakali. Nagsout ako ng jogging pant's sandong puti mag e-exercise ako. Sabay hintay na rin sa dalaga baka gigising siya nang maaga. Gusto kong makilala si Eliza,ano bang pinag kaka-abalahan niya at palagi siyang wala dito sa bahay. Hindi ko matanong si Tita Rosie nahihiya ako. Mas lalong hindi ko puwiding tanungin ang kapatid ko baka pagtawanan ako non. Eksaktong alas kuwatro e medya bumaba ako. Dahan-dahan ang mga hakbang ko pababa,madilim pa ang sala ganun rin ang kusina. Binuksan ko ang pinto mabuti na lang nakasabit ang susi sa gilid nito. Nang makalabas ako,dumiristo muna ako sa kubo. Nakasandal ako at nakaharap sa pintuan nang bahay. Hindi ako gumawa nang ingay,tanging huni nang ibon at tilaok nang manok ang maririnig sa paligid. Napatayo ako dahil lumiwanag ang ilaw sa labas ng pinto. Narinig ko rin ang pagbukas nang pinto kumubli ako at sinilip kong sino. Sa isip ko baka ang mag asawa,kumabog nang malakas ang aking dibdib,dahil si Eliza ang lumabas. Nakita kong sumilip siya dito sa kubo,halos hindi na ako huminga sa sobrang kaba. Inaalala ko baka matakot siya kapag nakita niya ako dito. Balot na balot siya,kahit medyo may kadiliman nakita ko parin kong gaano kaganda ang kanyang maamong mukha. Hapit sa kanyang maliit na katawan ang mahaba nitong damit. May nakalagay pa na malaking ribbon sa mahaba nitong buhok. Napatulala ako sa ayos ni Eliza,ngayon ko lang nakita ang mahaba nitong buhok na hanggang puwetan. Bumalik siya sa loob nang bahay pero iniwan niyang nakabukas ang pinto. Ilang saglit lang lumabas ulit siya,may dala na itong basket at kutsilyo. Sinundan ko siya nang tingin,nang maisara niya ang pinto. Umikot siya sa kabila at naglakad,F*CK saan ba siya pupunta? Mabilis ang kilos ko sinundan ko siya nang palihim. Sinipat ko ang pambisig na relo,alas (4:50) na nang madaling araw. "Ganitong oras ba siya magigising?"Nag pasalamat ako dahil hindi niya ako napansin. Patuloy lang akong sumunod sa kanya medyo malayo na ang bahay nila. Nakita kong huminto siya,lumapit pa ako hanggang sa makita ko kong ano ang ginagawa niya. Sa ganitong oras mamimitas na siya nang gulay?. Napabuga ako nang hangin,hindi ba siya natatakot? Pinagmasdan ko ang paligid,namangha ako sa iba't ibang gulay na nakatanim. Hitik sa bunga,at ang lapad nang gulayan nila,sa dulo may nakita akong maliit na kubo. Hindi ko alam kong tama ba ang narinig ko para kasing ingay nang tubig. Wala naman akong makita sa paligid maliban sa mataas at mayabong na punong kahoy. Pinagmamasdan ko si Eliza busy ito sa pamimitas nang gulay. Hindi ko na namalayan nakangiti ako habang kinukunan siya nang litrato. Sobrang ganda talaga niya,gusto ko siya lapitan at tulongan. SH*T!."Napamura ako,saan kaya nagpunta ang babaeng iyon?"Bigla kasi siya nawala. Humakbang ako at hinanap siya,muntik pa akong matisod dahil sa gulat. Bigla kasi siyang sumulpot sa kabila,mabilis lang akong nakakubli kaya hindi niya ako nakita. "Saan siya galing bakit basa ang dulo nang damit niya?"Naglalakad na siya pabalik sa bahay nila,ako naman ingat na ingat sa pagsunod. Nang marating namin ang bahay saka pa ako nakahinga nang maluwang. Alas singko e medya na nang madaling araw. Kung ang ibang kapatid niya tulog pa,si Eliza naman naka uwi na galing sa pamimitas nang gulay. Hawak ko ang aking panga,nag iisip nang magandang sasabihin kay Eliza para maka usap ko siya. Gusto kong mapalapit sa kanya,tumayo ako pumasok at dumiritso sa kusina. Nakita kong busy si Eliza sa paghihiwa nang gulay. Nakatayo ako sa pintuan nakatitig sa dalaga,sinusundan ang bawat galaw niya. Hindi niya ako napansin kaya malaya ko siyang pinagmamasdan. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Magandang umaga Eliza."Sabay lapit ko sa kinatatayuan niya. Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha at panginginig nang kanyang mga kamay. Umiwas siya nang tingin,at tinalikuran ako. Hindi nakaligtas sa akin ang pagkulay pula nang kanyang pisngi. Ang mapula niyang labi na kay sarap halikan. Ang makinis niyang mukha na bumagay sa kanya na kay sarap haplosin. Magandang umaga po Sir,may kailangan po ba kayo?. Nagsasalita siya pero hindi siya tumutingin sa akin. Lumapit pa ako sa mesa at umupo,nakatingin lang ako sa ginagawa niya. Nagtitimpla siya nang kape,lumapit siya sa akin at inilapag sa mesa ang isang tasang kape na may kasamang suman at bibingka. Sa sobrang tahimik nang dalaga naririnig ko ang lakas nang t***k na aking puso. Alam kong nahihiya siya sa akin,napansin ko rin na bago na ang sout niyang damit. "Hindi ba siya naiinitan sa damit niya?" Salamat Eliza tukoy ko sa kape at kakanin. "Sir,puwidi po kayo doon sa labas baka po maintan kayo dito sa kusina." Don't worry okay lang ako,mas gusto ko dito,malamig kasi sa labas palusot ko. Hindi na siya umumik at bumalik sa ginagawa. "Good morning Hijo"Good morning po Tita Rosie sabay tayo at nagmano ako. "Ang aga mo hijo,nakatulog kaba nang maayos?". Opo Tita nag exercise po ako kaya maaga akong gumising. Nahuli kong nakatitig si Eliza sa akin,nang mapansin niya ako umiwas siya nang tingin. Anak asekasohin mo ang bisita natin."Opo Mama" Nakayuko si Eliza sa Ina.Sobrang inosenti nang dalaga at napakabata pa. Napapaisip tuloy ako,kung bakit niya tinatago ang balat niya. Eliza maiwan ko muna kayo,hijo aalis lang ako. "Sige po Tita." Ma!.. Nabitin ang sasabihin niya dahil lumabas na si Tita Rosie. Narinig ko ang mahinang buntong hininga nang dalaga. "Eliza may maitulong ba ako?"Lakas loob kong tanong. Ah.. Sir W-wala po,huwag na po kayong mag abala. "K-kaya ko na po ito."Nauutal niyang saad. Eliza,puwidi ba kitang maging kaibigan huwag ka matakot sa akin hindi naman ako nangangain nang tao. P-po!..I mean gusto kitang makilala, sorry alam kong nabigla ka. Maghihintay ako sa sagot mo saka huwag mo akong tawaging Sir. You can call me James drop the Sir please. Gusto kong abutin ang mga kamay niya dahil nanginginig siya. Hindi siya sumagot bagkus tumalikod na ito. Good morning Sis,Good morning Kuya James. Nakangiting bati nang mga kapatid ni Eliza. "Ang aga mo kuya."Naka akbay na si Kamila sa akin. Nagtulongan ang magkapatid sa pag handa nang mesa sa dining. Lahat sila kumilos pati si Kamila tumulong rin. Eliza ako na diyan magpahinga ka na,ikaw bata ka hindi ka talaga mapakali kapag wala kang ginagawa. Isang matandang babae ang pumasok agad nitong sinermunan ang dalaga. Napanguso naman si Eliza,narinig ko rin ang tawanan nang mga kapatid niya. "Magandang umaga Sir."Magandang umaga rin po,magalang kong sagot sa matanda. "Kuya dito muna tayo sa kubo."Hawak ni Kamila ang kamay ko at hinila palabas. Napahinto ako dahil lahat nang babae lumabas,maliban lang kay Eliza na busy parin sa ginagawa. Napatingin naman ang matanda sa akin at nakangiti. Naku Sir,ganito talaga ang batang ito hindi siya mahilig magpahinga. Kahit na yayain mo siyang lumabas pustahan tayo hindi sasama iyan. "Manang naman nakakahiya po."Sabay tago niya sa likuran nang matanda. Napangiti ako dahil sa wakas naka usap ko rin siya. Pangako Eliza,hindi ako titigil hanggang hindi kita makilala nang lubosan. Lumabas na kami nang kusina,bahagya pa akong nagulat,alas syete e medya na pala nang umaga. It mean's matagal na pala akong naka tambay sa kusina kasama si Eliza. Kung hindi pa nagising ang mga kapatid niya siguro hanggang ngayon nandoon parin kami sa kusina. Bukas nang umaga kailangan kong bumangon nang mas maaga pa. Nang sa ganun mas mahaba ang oras ng pagsasama namin ni Eliza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD