Chapter 8

1209 Words
Koa Ramdam ko ang pagod sa biyahe pero mas nangingibabaw ang saya. Sa tagal kong nasa US ngayon lang ulit ako nakabalik dito sa Pilipinas. Nang makarating kami sa Airport nang Davao City. Kinailangan pa namin bumiyahe nang apat na oras para marating ang probensiya nila Aila. Sumakay kami nang Toyota Alphard nasa frontseat ako kaya kitang kita ang magagandang tanawin sa labas. Nakasout sa leeg ko ang aking camera, malaya kong kinunan nang litarato ang nadadaanan namin. Na enjoy ako sa boung biyahe,hindi ko tuloy namalayan huminto na pala ang sinasakyang namin. Eksaktong ala una ng hapon kami dumating,kaya ramdam ko na ang gutom. Sinalubong kami nang isang Ginang na sa tingin ko Mama ito ni Aila. Magandang hapon po Tita,alanganin kong saad. Inabot ko ang kamay niya at nagmano,lumapit silang lahat sa akin kinamayan ako at niyakap ng mahigpit. Welcome home Kuya James,hindi na ako nagulat kung bakit alam nila ang pangalan ko. Inalalayan na nila kaming pumasok sa loob nang bahay. Nagtulongan silang lahat para maipasok ang mga dala namin. Sir James dito po tayo,pasensya ka na sa bahay namin. Ano kaba Aila hindi maarte ang kuya James ko."Pagtatangol naman nang kapatid ko. Pumasok kami sa isang malawak at malinis na silid. Kuya James dito ang kuwarto mo,magbihis ka muna para makakain na tayo. Hihintayin kita para sabay na tayong bumaba nasa kabila ang kuwarto ko. Feel at home kuya mababait ang pamilyang ito. Napangiti ako tama si Kamila ang bait nila. Malaki ang utang na loob ko sa pamilyang ito,kaya pala ang laki nang pinagbago nang kapatid ko. Ngayon alam ko na kung bakit,nang makalabas ang kapatid ko tumayo ako at pinasadahan nang tingin ang buong silid. Lumapit ako sa closet,binuksan ko ito may ilang unan,blanket at kobre kama. Nakabukas ang bintana,tumanaw ako sa labas,namangha ako sa ganda nang paligid. Mayroon silang basketball kurt na hindi gaano kalaki. Malinis na kapaligiran at masarap na simoy nang hangin ramdam mong nasa probinsiya ka. Pumasok na ako sa loob nang banyo,namangha rin ako sa ganda at ayos,may salamin kompleto rin ang mga gamit panligo napakalinis tingnan. Agad akong naligo at dinama ang tubig na umaagos sa aking katawan. Napasarap ang ligo ko kaya hindi ko namalayan na kumakatok na si Kamila sa labas. Tinapos ko ang pagliligo sinuot ko ang robe at lumabas na. Naabotan ko si Kamila,inilalabas niya ang kanyang tatlong trolley bag. Ate Kamila may gamit kapa bang ililipat dito sa kuwarto mo. Napalingon ako sa malamyos na boses na nagmula sa labas ng pinto. Salamat Eliza,ako na ang magdadala sa kabilang kuwarto. Sige po tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka. Nakatitig parin ako sa pinto,wala naman akong nakitang tao. "Kamila sino iyon?"Si Eliza kuya kapatid ni Aila. Ganun talaga ang batang iyon mahiyain kaya hindi siya nagpapakita. Natawa naman ako bahay niya ito bakit siya mahiya. "Ilang taon na ba siya?"Bigla naman natawa ang kapatid ko. Mag (18) na yata kuya,hindi pa ako sure kong tama ba ang hula ko. Napatingin ulit ako sa pinto feeling ko nandiyan parin siya. Kuya James are you okay?Magbihis ka na kakain na nakakahiya tayo na lang ang hinihintay sa baba. Dadalhin ko lang itong gamit ko sa kabilang kuwarto. Nagmamadali na ako sa pagbibihis,nagsout ako ng puting short at t-shirt na kulay grey. Hindi parin nawala sa isip ko ang malamyos na boses ni Eliza. Bumuntong hininga ako at lumabas na ng silid. Mamaya ko na aayusin ang mga gamit ko. Sabay na kaming bumaba ni Kamila,dumiristo kami sa hapagkainan kong saan puno nang pagkain ang mahabang mesa. Naka upo na silang lahat at kami na lang ang hinihintay. Agad akong pinaghila nang upuan ni Tita Rosie."Salamat po nakayukong kong saad." Nang makaupo na kaming lahat nagdasal muna ang Papa ni Aila. Pagkatapos nang pasasalamat nagsimula na kaming kumain. Sa dami nang hinanda nila hindi ko tuloy alam kong anong kakainin. "Hijo kumain ka nang mabuti,masarap ang luto nang asawa ko." Maraming salamat po nakangiti kong saad. Huwag ka mahiya hijo,isipin mo pamilya kami. Parang may kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Lumaki kami ni Kamila na walang magulang. Kaya sobra sobra ang sayang naramdaman ko. "Mama si Eliza po,hindi ba siya sasabay sa atin?" Anak kilala mo ang kapatid mo masyadong mahiyain iyon. Mamaya na raw siya,nag paalam na iyon na maglilinis sa taas. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila,patuloy lang ako sa pagkain hanggang sa nabusog ako. Napuno nang tawanan ang hapag kainan,isa isa kong inalam ang pangalan ng magkaptid. Puwera na lang kay Eliza na hindi ko pa nakita. Nakakainggit ang samahan nang magkaptid,sobrang mahal nila ang isa't isa. "Maraming salamat po sa mga pasalubong na dala ninyo Kuya James." Walang anuman Ben,Si Ben ang panganay sa magkakapatid na lalaki. Mabilis kaming nag kasundo,mas matanda ako sa kanya nang dalawang taon. Niyaya nila akong lumabas,umupo kami sa isang malaking Kubo na yari sa kawayan. Hiwalay ito sa bahay nila,dito sila tumatambay kapag oras nang pahinga. Kahit mahangin dito,may nakakabit paring bintilador. Nilibot ko ang paningin sa boung kubo,napatingin ako sa dingding. Maraming litrato ang nakasabit,inisa isa kong pinagmamasdan. Na-agaw nang atensyon ko ang Family Pictures nila. Kumpara sa iba,sexy at parang sanay na silang magpakita nang balat. Samantalang itong isang babae naka sout nang mahabang damit. Paa at kamay lang niya ang nakikita hindi mo rin makita ang leeg niya dahil nakabalot ito. Pero sa mukha niya makikita mo ang ganda at kislap nang kanyang mata. Parang may sariling buhay ang mga kamay ko. Inabot ko ito at hinaplos,hindi ko maintindihan kong bakit lumakas ang t***k nang puso ko. Nakatitig ako sa babaeng nakabalot ang katawan. "Bakit kaya ganun ang pananamit niya?" Tanong ko sa sarili ko. "Hijo magkape muna kayo tikman mo ito, nagluto ang anak ko nang biko at puto." Masayang saad ni Tita Rosie hindi ko alam kong sinong anak ba niya ang nagluto dahil hindi niya binanggit ang pangalan. Sorry po tukoy ko sa hawak kong frame nasa kamay ko na pala ito at hinawakan nang mahigpit. Sinabit ko ang frame kung saan ko kinuha at umupo sa harap ni Tita. "Hijo alam kong nagtataka ka,baka hindi pa na e kuwento nang kapatid mo kung gaano kami karami." Nakangiting saad niya,sobrang nakakatuwa nga po dahil ang saya ninyo. Hanga po ako sa pagpapalaki ninyo sa kanila. Salamat Hijo.Hayaan mo kapag masanay ka sa mga anak ko siguradong matutuwa ka sa kanila. Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa pintuan tinawag niya si Aila at inabot ang mga prutas na nakalagay sa basket. Hindi ko naman makita ang mukha niya dahil nakayuko ito. At kakaiba siya sa lahat nang magkakapatid. Kuya James kain po bagong pitas po ito"Tukoy ni Aila sa mga prutas. "Ang dami naman nito."Bukas na bukas ipapasyal ka namin sa bukirin saad ni Ben na nasa gilid ko na. "Wow talaga?"Sasakay tayo nang kabayo at kalabaw. Binalik ko ang tingin sa pintuan pero wala na ang babaeng nakatayo doon. Feeling ko tuloy hindi siya anak ni Tita Rosie. Siya lang kasi ang bukod tangi sa lahat kaninang tanghali wala siya,ngayon naman hindi siya lumabas. Nag iisip ako nang paraan kong paano ko siya makaka usap. Gusto ko siyang makilala at gusto kong magpasalamat sa kanya. Napangiti ako sa naisip ko,I will try my best.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD