Chapter 6

1350 Words
Koa Naging maayos ang pagkakaibigan namin ni Ivy. Hindi na ako naiilang sa kanya,sanay na rin akong makita siya araw-araw dito sa opisina ko. Pagdating sa kasoutan niya hindi ko na siya pinupuna. Malaki na si Ivy,alam na niya ang tama at mali. "Hey Koa!"Napa tingin ako sa pintuan iniluwa mula doon si Ivy. Medyo nagulat pa ako sa pagsulpot niya. Good morning nakangiti kong saad, niyakap niya ako at inamoy amoy natawa naman ako sa ginawa niya. "Ang bango mo!"Sabay halakhak niya.May dala akong kape para sayo. Tinapunan ko lang siya nang tingin at ngumiti dito. Huwag ka nang mag abala mapagud ka lang. Ang KJ mo Koa,kape lang iyan anong nakakapagod diyan? By the way I have a meeting tomorrow baka hindi ako makapunta dito. Nagtataka man hindi na ako nag tanong,tumango na lang ako. Hindi na nagtagal si Ivy sa opisina ko umalis din agad. Minsan gusto ko nang magtanong kung nag aaral ba siya? Ngayon ko lang narinig sa kanya na may meeting siya. Napailing na lang ako at nag fucos sa ginagawa. Tatapusin ko sa bahay ang ibang paper work's kailangan kong umuwi nang maaga. Darating si Kamila at may kasama daw itong kaibigan. Si Sandro ang sumundo sa kapatid ko nag prisinta kasi ito. Mabilis lumipas ang oras alas kuwatro na ng hapon kaya inayos ko ang mga papeles na dadalhin. Eksaktong alas kuwatro e medya umalis na ako nang opisina. Nagulat pa si Girly dahil sa biglang paglabas ko. Niyaya ko na silang umuwi,laking tuwa naman nila dahil pina uwi ko sila nang maaga. Habang busy ako sa pagmamaneho biglang tumawag si Sandro. "Bossing nagkita na kami nang kapatid mo."Bungad niya sa akin,salamat Sandro pauwi na rin ako. "Sige Boss!" Nang makarating ako sa bahay tinawag ko agad si Manang Rose. Siya ang kasama ko dito sa bahay nanay na ang trato ko kay Manang. Nag iisa na lang siya sa buhay kaya kinukop ko. Hijo,naka pagluto na ako,marami ba ang bisita mo? Good evening Manang,isa lang po ang bisita natin kaibigan ni Kamila. Tumango naman ang matanda at bumalik sa kusina. Umakyat muna ako para makapag bihis,ilang saglit lang bumaba na ako. Dumiristo ako sa kusina,tiningnan ang mga luto ni Manang. Nakakagutom ang amoy nang ulam tumulong na rin ako sa paglabas nang mga pagkain. Makalipas ang ilang sigundo narinig ko ang ugong ng sasakyan sa labas. Tumayo ako at nagkad papunta sa labas halos hindi ko na makilala si Kamila. Ang laki nang pinagbago nito,agad ko siyang niyakap at hinalikan sa noo. "I miss you so much Kuya!" "I miss you too"Kumusta ang biyahe ninyo? Nakatayo na ang kasama niya sa tabi namin. Kuya si Aila po kaibigan ko,Aila siya ang Kuya James ko. "Magandang gabi po Sir." "Natawa naman ang kapatid ko."Feel at home Aila nandito ka na sa US wala na tayo sa Pilipinas. Inaya ko na silang pumasok at hanggang sa loob naka kapit parin si Kamila sa akin. "I miss you po Manang Rose."Niyakap niya si Manang. Namiss din kita mas lalo kang gumanda Hija. "Salamat po"Pinakilala rin ni Kamila si Aila sa kanila Sandro at Manang. "Kuya James saan ang magiging kuwarto ko?"Sinuyod niya nang tingin ang ikalawang palapag. Umakyat ka at tingnan mo kung saan ang para sayo. Pero bago yan kumain muna tayo nagluto si Manang nang paborito mo. Pinaghila ko siya nang bangko at umupo sa tabi niya. Nasa kaliwa si Aila habang si Sandro nasa kanan. Pinagmamasdan ko ang kapatid ko habang kumakain. Kitang kita sa kanyang mga mata ang saya. Naagaw rin nang atensyon ko ang paililim na tingin ni Sandro kay Aila. Tunog nang kubyertos at pinggan ang namutawi sa hapag kainan. Pagkatpos namin kumain umakyat na ang dalawang babae. Gustong makita ni Kamila ang silid niya,kaya nagmamadali na ito. Simula nang pinagawa ko ang bahay hanggang sa natapos ngayon pa lang niya nakita ito. Oh?Bakit parang nalugi ka?Hindi kasi maipinta ang itsura ni Sandro. Nahuli ko nasa taas ang paningin nito,napangiti ako mukhang alam ko ang problema mo Sandro. Ngumiti siya sabay kamot sa likod nang batok. Ang ganda nang kaibigan ni Kamila Boss. Kaso hindi siya nagsasalita,sobrang hinhin din parang nakakatakot. Boss baka singel iyon,ilakad mo naman ako. Napaubo naman ako sa sinabi ni Sandro, alam mo ikaw umandar na naman iyong pag ka ano mo. Kararating lang ng bisita iba na ang binabalak mo. Nakita ko ang ngising aso nito,na para bang sure na sure na sa plano. "Boss naman mahuhuli na tayo sa Tren."Makahulogan nitong saad. Matulog na tayo Sandro,Sunday bukas magsisimba kami. "Boss sasama ako sa inyo." Tumango ako,sa guest room ka matulog natatawa kong saad. Umakyat na rin ako para makapagpahinga. "Maraming salamat Bossing." Kinabukasan alas dyes na ako nagising Nasa hagdan pa ako rinig ko na ang tawanan nang dalawa. Naglalakad ako papunta sa kanila,hindi nila napansin ang paglapit ko. Kaya pala may kausap sila sa vedio call,dumiritso ako ng pasok magtitimpla ako nang kape. "Good morning Kuya."Sabay halik ni Kamila sa aking pisngi. "Kumain na ba kayo?"Hindi pa Kuya hinintay ka namin. Lumabas na ako ng kusina at tinungo ang dining table. Sumunod naman si Kamila kahit busy sa kausap dala parin niya ang mga plato. Binaba niya sa tabi ko ang cellphone at inayos ang mesa. Eliza,huwag mo munang patayin ang tawag babalik ako. Babae pala ang kausap niya,naririnig ko ang boses nang babae. Tinayo ko ang cellphone at pinaharap sa akin. Napa iwas ako ng tingin dahil nakatutok pala ang mata ng babae sa camera. "Ay sorry po."Agad niyang paumanhin,naghintay ako kung magsasalita pa siya. Pero ilang minuto ang lumipas walang nagsalita bigla na rin siyang nawala. "Oh!Kuya nasaan na ang kausap ko?" Nawala siya,hindi naman siya nagsasalita at naka off ang camera niya. "Sino ba iyon?" "Kapatid ni Aila Kuya si Eliza po."Tumango ako at sumimsim nang kape. Nagsimula na kaming kumain ng breakfast. Nag bread lang ako at kape,pagkatapos ninyo diyan magbihis na kayo. "Aalis ba tayo Kuya?"Magsisimba muna pagkatapos mamasyal tayo. Komportable kaba sa bagong kuwarto mo?Sumilay ang ngiti ni Kamila sa kanyang labi. Maraming salamat Kuya alam mo talaga ang paborito kong kulay. Your always welcome Kamila,tumayo ako at lumabas saglit. Naglakad ako papunta sa swimming pool area. Ang sarap nang simoy nang hangin nakakarelax. Pinagmamasdan ko ang boung paligid,siguradong matutuwa ang kapatid ko kapag nakita niya ito. Napabuntong hininga ako,tama si Ivy kulang na lang sa akin girlfriend. Napailing ako sa naisip,siguro hindi pa pinanganak ang babaeng para sa akin. Natatawa kong saad sa sarili,tumingala ako sa langit at tahimik na nagpasalamat. Malayo na ang narating ko sa buhay,lahat nang mayroon ako ngayon ay galing sa kanya. Sobra sobra na ang ibinigay niya sa akin,kaya walang humpay ang pasasalamat ko. Pumasok na ako sa loob nang bahay,naabutan kong nakikipag usap si Sandro kay Aila. Nakabihis na sila kaya umalis na kami,hawak ko ang kamay ni Kamila. Pumasok na kami sa simbahan nag pasalamat at nag alay nang dasal. Pagkatapos namin magsimba pinasyal ko na sila. Matagal ng pangarap ni Kamila ang maglibot at mamasyal dito sa US. Hindi ko dinamot ang munting hiling niya dahil simula pagkabata hindi niya nasubakan ang karangyaan sa buhay. Boung maghapon namasyal at namili kami,kasama namin sina Sandro,Manang Rose at Aila. Gabi na kami naka uwi,kaya pagkatapos kong maligo bumaba ulit ako. Naglakad ako papunta sa library,nagulat ako dahil nasa sala pa si Sandro. Oh?Akala ko natulog ka na?"Hindi pa Boss may inayos lang ako." Sige nasa library lang ako,sumunod ka kung gusto mo. Binuksan ko agad ang ilaw,napagud rin ako,sabay hawak sa likod nang ulo ko. Eksaktong pag upo ko tumunog ang cellphone ko. Hindi na ako nagulat si Ivy ang tumawag at nag request pa ito nang vedio call. Sinagot ko agad ang tawag niya,siguro kararating lang nito. "Hey Koa kumusta ka na?" I'm fine Ivy mahina kong tugon,halos lalabas na naman ang dibdib niya. Bumuntong hininga ako,napatawag ka may problema ba?. "Wala naman na miss lang kita"Sabay tawa niya nang malakas. Puro ka kalokohan,san ka gumala kanina?Pulang pula kasi ang lips niya. "Hm..Nagkita kami nang mga barkada ko." Umiwas siya nang tingin,tumango ako at sumandal sa upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD