Chapter 5

1075 Words
Koa Halos dalawang oras na ako dito sa condo ni Ivy. Hindi parin tumila ang ulan,naka upo ako sa sala naka tuon ang mata sa malaking TV. "Koa are you okay?"Anong gusto mong kainin magluluto ako nang dinner. Inilapag niya ang tray na may lamang chocolate at kape. Ivy sa bahay na ako kakain,okay na ako dito sabay turo ko sa kape. Natawa naman siya sa sinabi ko,hindi kasi ako mapakali. Nahihiya ako kay Ivy dahil sa mga nangyayari noon. Kahit hindi ko pa siya lubos nakilala ang mahalaga maayos na kami. Hey!"Come on Koa!"Akala ko ba okay na tayo? I mean magkaibigan. I'm sorry,alam kong hindi mo parin nakalimutan ang nangyari noon. Kaya hindi kita masisi kung bakit ganyan ka. Kalimutan na natin iyon,ang mahalaga hindi mo na uulitin. Alam kong mabait kang tao,ayoko ko rin nang may kaaway. Hindi naman tayo mag kaaway,ayaw mo lang talaga sa akin. Pero thank you for giving me another chance. Promise magpapakabait ako,anyway I'm so proud of you. Sabi ni Daddy may bagong bukas ka na namang Restaurant. Yeah,sa katunayan nag simula na kami kagabi. "Ikaw anong pinag kaka-abalahan mo?" "Ako?"Hanggang ngayon nag aaral pa rin. Iwan ko ba dito kay Dad hindi ko alam kung ano ang gusto niya. Natawa naman ako sa kanya,sumimsim muna ako nang kape at tiningnan siya. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Siguro may problema lang sila nang dad niya,hindi na ako nag tanong. Marami kaming napag usapan ni Ivy, sa dami nang sinabi niya halos hindi ko na matandaan. Natatawa ako sa sinabi niya na hanggang ngayon singel parin siya. Pagkatapos naming kumain nang dinner nag paalam na ako. Mabuti tumila na ang ulan,hinatid pa niya ako sa labas. Binabagtas ko na ang daan papunta sa bahay ko. Bigla kong na-alala si Kamila,ilang araw hindi ko siya nakausap. Sinubukan ko siyang tawagan,kanina pa nag ri-ring ang cellphone niya pero walang sumasagot. Alas dyes na nang gabi kailangan ko nang matulog maaga pa ako bukas. Kinabukasan nagising ako sa ingay nang alarm clock. Inabot ko ang cellphone at nag check nang inbox. Nakita ko ang miscall galing kay Kamila,hindi ko na nasagot kagabi. Mamaya ko na siya tawagan naglakad ako papuntang banyo. Mabilis akong naligo sa office na ako mag be-breakfast. Bago ako umalis nang bahay tinawagan ko muna si Sandro. Kung dati sa restaurant nag tatrabaho si Sandro,ngayon kinuha ko na siya bilang personal secretary. Magaling na bata si Sandro kaya gusto kong matuto siya. Mabilis akong nakarating sa kompanya,paakyat na ako hinihintay ang pagbukas nang elevator. Pagpasok ko nakangiting si Girly ang bumungad sa akin. Isa si Girly sa pinag-kakatiwalaan ko rin pagdating sa trabaho. Masipag at mabait kaya wala akong naging problema sa kanila. Karamihan sa empleyado ko mga babae magaling kasi sila pagdating sa sales talk. "Good morning Sir Koa!" Sabay-sabay silang tumayo para batiin ako. Good morning sa inyong lahat,kumusta kayo dito. Maayos lang po Sir. Girly,si Sandro dumating na ba? Hindi pa Sir pero may naghihintay po sa inyo sa loob. Sorry Sir mapilit po siya kaya pinasok ko na. Sino? Ivy raw po ang pangalan. Bumuntong hininga ako,it's fine kilala ko siya. Girly coffee please,hindi pa ako nag kape nakangiti kong saad. Okay Sir! "Ano kaya ang sadya ni Ivy dito?"Pumasok na ako sa opisina. Pagbukas ko nang pinto nakita kong naka upo si Ivy naka di kuatro. Halos lumuwa ang dibdib niya sa sobrang laki. Bye Dad see you!. Mabilis niyang binaba ang cellphone niya. Tumayo siya at lumapit sa akin sabay halik sa pisngi ko. Good morning Koa,sorry kung nauna pa ako dito. Wala akong kausap sa bahay kaya nag pasya akong puntahan ka. Nagdala ako nang breakfast para sayo alam kung hindi ka pa kumain. "Good morning!"Nakangiti ko siyang tiningan. Nag abala ka pa,hindi mo na kailangan gawin yan. Papunta na si Sandro may dala ring pagkain para sa akin. Pero thank you dito,halata nga na wala kang kausap. Sabay pa kaming natawa,narinig ko ang katok mula sa labas. Boss? Nagulat pa si Sandro sa nakita niya,binuksan ko ang loptop marami akong email na natanggap. Kaya pala hindi ka sumasagot sa tawag ko. Na busy ka sa babaeng iyan,anong ginagawa niya dito? Sandro magkaibigan lang kami ni Ivy, kaya huwag ka na mag alala. Hmm.. Ikaw ang bahala ang sa akin lang mag ingat ka parin sa kanya. Salamat tinapik ko ang balikat ni Sandro, Naintindihan ko siya dahil kilala niya si Ivy. Kumain ka muna bago ka magsimula diyan sa trabaho mo. Biglang tumunog ang cellphone ko si Kamila tumatawag. Nakakatampo ka na Kuya,ilang araw mo na akong hindi kinakausap. Kuya namis na kita kailan ka uuwi hindi mo na ba ako dadalawin? Nakangiti ako habang pinapakinggan si Kamila. Nagtatampo ang boses nang kapatid ko, na miss na rin kita. Pag pasensyaha mo na si Kuya sobrang busy ang schedule ko last few days. Okay lang ako dito,ikaw d'yan kumusta ka na?. I'm fine po sobrang na miss kita."I'm happy for you Kuya." Gusto ko nang pumunta d'yan para makita ang mga pinaghirapan mo. Malapit na tayong magkita,huwag ka mag alala bibistahin kita. Anyway kumusta ang pag aaral mo?Magsabi ka kong may gumugulo sayo, narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. Kuya wala naman po akong kaibigan dito maliban lang kay Aila at Gavin. "Who's Gavin?"Walang kang na ekwento sa akin about that. Si Gavin po, manliligaw ni Aila. Napatango ako,mag ingat ka parin at huwag basta basta makipag kaibigan sa hindi mo kilala. "Opo Kuya".Balitaan mo ako kung kailan ka uuwi dito. Para naman makapaghanda kami,saka huwag mong kalimutan ang pasalubong ko. "S'yempre naman ikaw pa!"Nag paalam na si Kamila. Binaba ko na ang tawag,nakahanda na pala ang mesa. Bigla akong nagutom sa amoy nang pagkain. Umupo na ako,at nag simulang kumain,tahimik din si Ivy. Si Sandro umiinom nang kape tapos na daw siyang kumain. Pagkatapos naming kumain nag paalam na si Ivy. Nagpasalamat ako kay Ivy,at nangako na babawi ako. Nang makalabas na si Ivy,dinaldalan naman ako ni Sandro. Boss magsabi ka nang totoo,hindi ba siya nanliligaw sayo? Pero boss infairness ang laki nang- Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Sandro. Alam ko na ang iniisip niya huwag mo nang banggitin. "Oh!"Come on James kilala kita alam na alam ko ang taste mo sa babae. Bigla akong natawa sa sinabi niya,bakit Sandro nakita mo bang may babae ako?. "Oo nga ano?"Wala ka palang girlfriend. Sabay kaming natawa ni Sandro,pati kasi siya wala ring s'yota.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD