chapter 2

1094 Words
KOA Pagdating namin sa Restaurant siksikan na ang mga tao. Alas kuwatro pa lang ng hapon pero marami ng customer. Karamihan mga Estudyante na ngayon ko lang nakikita. Hinawakan ko ang kamay ni Kamila at pumasok kami sa loob. Magandang hapon Boss,bati ni Sandro. Magandang hapon Sandro. Bakit ang daming Estudyante ngayon? Saang Paaralan ba ito sila galing? Bigla na lang silang dumating Boss kaya nga wala ng bakanti dito sa loob. Kamila doon ka muna sa counter tutulong muna ako. Opo kuya! Nag soot ako ng apron, halos lahat dito mga babae. May iba pang customer nag-aabang sa labas. Doble time ang gagawin natin saad ko sa mga taohan ko. Table number (10) and (12) ready na. Inabot ni Sandro sa akin ang order mga babae pala ang may ari nito. Naglakad ako papunta sa table nila panay naman ang click ng camera sa harapan ko. Hindi ko na pinansin iyon agad kong nilapag ang order nila sa mesa. Ramdam ko ang lagkit ng tingin nila sanay na ako sa ganito kaya biliwala na sa akin. Excuse me Sir,wala pa ba ang order namin. Wait ma'am, tsek ko muna kinuha ko ang table number nila. Babalik ako! Sandro,table (2) and (6) ready na ba? Sandali Boss may kulang pa. Naghintay ako ng ilang minuto. Napansin ko si Kamila panay ang tingin niya sa labas. Sinundan ko kung saan siya nakatingin medyo malayo ang puwesto ng taong naka upo kaya hindi ko nakilala. Alam kong isa siya sa customer dito kasi table ko yan. Sir,sayo ang table (2) ang (6) si Leah na ang maghahatid. Inabot ko at hinanap ang table (2) wala pang taong naka upo. Nilapag ko parin ang pagkain kahit hindi ko alam kong kanino. Pag angat ko ng tingin si Samuel ang nakita ko. Hindi ako nagpahalata na nagulat ako sa kanya. Hindi rin siya nag salita at tinuon ang atensyon sa pagkain. Nagtataka ako dahil unang pagkikita namin halos gusto na niya ako sapakin. Ngayon nag iba na ang awra niya siya pala ang naka upo sa table (2) kaya siguro panay ang tingin ni Kamila kanina dito sa gawi niya. Sir,table (5) po hindi pa na serve ang pagkain namin. Sorry! Wait tsek ko,grabe nagulat ako halos makita na ang panloob ng babaeng ito sa sobrang eksi ng damit. May kapatid din akong babae kaya ako tuloy ang nahiya sa kanya. Binawalan ko na si Kamila na bawal magsoot ng mga maiiksing damit. Sumunod naman siya dahil pinaliwanag ko ang dahilan. Leah, paki serve ang order ng table (5) mukhang nagugutom na sila. Sure Boss,nakangiting saad ni Leah. Parang may gusto sayo Ang mga babae doon Bossing. Kanina kapa nila sinusundan ng tingin. Natawa ako sa kanila ito na naman sila, pag tripan ako sa mga babaeng gustong makuha ang atensyon ko. Nagpatuloy lang ako sa pag tulong hanggang natapos silang kumain. Natapos ang trabaho namin ala una na ng madaling araw. Hinatid ko muna si Kamila kaya kami na lang ni Sandro ang naiwan. Boss,pasok muna tayo d'yan sabay turo niya sa Bar na malapit lang din dito sa Restaurant ko. Balita ko maraming chicks na magaganda sa Bar na yan. Sandro,kilala mo ako hindi ako mahilig diyan. Sa tagal ko na dito sa US hindi pa ako nakapunta ng Bar. Bossing sandali lang tayo,hindi naman tayo iinom ng marami. Saka minsan lang ito baka kasi nandiyan ang future wife ko. Natatawang saad pa ni Sandro. Fine pero sandali lang tayo? Gusto ko ng umuwi pagud ako. Nasa bungad pa lang kami langhap mo na ang amoy. Hinawakan agad ni Sandro ang braso ko. Doon tayo Bossing! Umupo kami sa sofa medyo madilim dito kaya hindi kami makikita. Napatingin naman ako sa mga babaeng umaaligid sa amin. Kulang yata sa tela ang soot nila dahil n*****s lang ang tinatakpan. Natawa naman si Sandro sa reaction ng mukha ko. Hindi babae ang kailangan ni boss kaya umalis na kayo. Umalis naman ang mga babae sabay irap sa akin. Napailing na lang ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito. Natawa tuloy ako sa itsura nila parang naiinis sila sa akin. Ang daming babae, Sandro uuwi na tayo. Naku si boss talaga takot sa mga babae sabay tawa niya. Hindi lang ako sanay sa ganito Sandro. Inilapag ng Waitress ang dalawang baso at isang bote ng alak. Nag order ka? Isang bote lang Boss. Baka malasing tayo? Huwag kang mag-alala Boss ihahatid kita kapag nalasing ka natatawa niyang saad. Minsan na akong umiinom pero sa mga party lang. Sinubukan kong inumin ang nasa maliit na baso Sandro ang pangit ng lasa. Bakit ito? Sana yong medyo masarap naman. Naninibago ka lang Boss,kaya pangit ang lasa sayo. Biglang may lumapit na babae sa mesa namin. Nag salubong ang mga mata naming dalawa. Ito yong babae kanina na kumakain sa Restaurant ko. Siya yong panay kuha ng litrato at maiksi ang damit. Lumapit siya sabay upo sa tabi ko. Hi Koa nice to meet you. Nagulat ako dahil kilala niya ako. Inabot niya ang kamay ko saka pinisil ito. Napalunok tuloy ako mukhang lalabas na kasi ang dibdib niya. Sobrang laki! H-ello nice to meet you too utal ko. Ako nga pala si Ivy! Pilit kong binawi ang kamay ko pero hindi niya binitawan. Ah..excuse me! Oh.. sorry! Sabay bitaw sa kamay ko. Habang nag-uusap kami panay ang inom ko sa baso na hawak ko. Hindi ko namalayan kalahati na pala ang naubos. Bigla uminit ang pakiramdam ko. Sandro! Umikot na ang paningin ko pero hindi ko pinahalata. Nakangiti naman si Ivy sa akin habang hawak rin niya ang isang baso at inikot ikot ito. Parang may mali sa alak na nainom ko. Boss okay ka lang ba? Yeah I'm fine kahit hindi naman. Boss dito ka lang babalik ako,huwag kang lalabas. Kanina pa si Sandro hanggang ngayon wala pa siya. Nasaan na kaya yon,akma ko siyang tatawagan pero pinigilan ako ni Ivy. Wait! Hinimas niya ang sandata ko sabay bulong,I'm sure magugustohan mo ang gagawin ko sayo. Parang ang sarap sa tainga ko ang sinasabi ni Ivy. Nahihilo na ako at nag iinit,ang kamay ni Ivy hindi tumigil sa pag himas ng sandata ko. Nagulat ako dahil bigla niyang kinalas ang belt ko. Wait anong ginagawa mo? Tumayo ako at hahakbang sana pero huli na ang lahat. Umikot ang paningin ko,kahit nahihilo ako naalala ko pa ang pagsalo ng isang lalaki na hindi ko maaninag ang mukha. Narinig ko pa si Sandro na nagsasalita. Sandali saan n'yo dadalhin ang Bossing ko. Hihiramin ko lang ang Boss mo ng ilang oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD