chapter 1

1060 Words
KOA First Day of School ni Kamila ngayon kaya maaga pa lang gumising na ako. Limang buwan pa kami dito sa US hindi parin siya sanay kaya ihahatid ko siya. (15) pa lang si Kamila kaya kailangan ko pa siyang gabayan dahil bago pa siya sa paaralang pinapasukan. Busy ako sa lahat ng bagay pero hindi parin ako mawawalan ng oras para sa kapatid ko. May maliit akong Restaurant kung saan dito kami kumukuha ng pang araw-araw naming gastusin. Ang naiwan ni Daddy na pera pinuhunan ko sa Restaurant kaya unti-unti ko itong napalago. (24)na ako, kaya ko ng magpatakbo ng negosyo. Hindi ko sukat akalain na dito kami matatahimik ng kapatid ko. Simula ng lumisan kami ng Pilipinas naging maayos ang buhay namin dito sa US. Kong dati puro kamalasan ang pinag-dadaanan namin ngayon masasabi ko na biniyayaan na ako. May dalawang taon pa akong tatapusin para matapos ko na ang kursong Business Management. Kahit may maliit akong negosyo nag tatrabaho parin ako sa isang Hotel dito malapit sa Restaurant ko. Marami ang tao dito kapag gabi kaya (24) hours kaming bukas. Sa araw nag-aaral ako sa gabi naman nag tatrabaho wala akong sinayang na oras. Sandro aalis muna ako ikaw muna ang bahala dito susunduin ko lang si Kamila. Si Sandro ang kanang kamay ko dito. Kaya sa kanya ko pinagkatiwala ang lahat. Sige boss ingat po kayo. Pagdating ko sa Paaralan ni Kamila nakita kong may nag kukumpulang mga estudyante. Bakit kaya sila nag kagulo? Nagsisigawan pa ang iba kumuyom ang kamao ko sa galit dahil nakita ko si Kamila nakaluhod sa harap ng maraming estudyante. Pinagbabato siya ng itlog ng mga kapwa niyang estudyante. Shit Kamila tawag ko sa kanya stop it!Sumigaw ako ng malakas pero hindi sila nakinig. I said stop lumapit ako sa kapatid ko at niyakap siya kaya pati ako natamaan na rin ng itlog. Kuya? Iyak niyang saad. Niyakap ko siya ng mahigpit at kinulong sa bisig ko bunso nandito na si kuya. What happend tell me? Kuya let's go,uwi na po tayo. No! Kailangan mag bayad ang gumawa nito sayo. Tumayo ako at tiningnan sila isa-isa pagbabayaran ninyo ito turo ko sa kanila. Isang matipunong lalaki na puno ng tatoo at hikaw ang tumayo sa harapan ko. Pumalakpak pa siya na ilang beses bago nagsalita. Who are you bastard? Sa tingin ko mas matanda pa siya sa akin pero hindi ako natatakot sa kanya. Ang lakas ng loob mong paki-alaman ang ginagawa ko. Hindi mo ba ako kilala? Ako ang may ari ng paaralang ito sino ka para sirain ang plano ko. Hindi ko ugaling pumatol sa taong hindi ko kilala pero kapatid ko ang pinag-uusapan dito. Lumapit ako sa kanya at kinuwelyuhan ko siya I don't f*****g care if you are the owner of this School. Let me remind you? Nandito ang kapatid ko para mag- aral hindi para e bully n'yo siya. Ikaw ang may ari tapos ganito ang patakaran mo sa paaralan mo? Sa tingin mo tama ba itong ginagawa mo. Hindi porket ikaw ang may ari ang gusto mo na ang masusunod. Hindi ako natatakot sayo tandaan mo yan. Kapatid ko ang sinaktan mo giit kong saad sa kanya. Kayong lahat turo ko sa mga babaeng nag babato ng itlog kay Kamila gusto kung maka-usap ang mga magulang ninyo. Nakita ko ang pamumutla ng kanilang mukha. Binitawan ko ang kuwelyo ng hambog na lalaking kaharap ko. Nakatulala siya sa akin at hindi nakapagsalita bigla siyang natahimik. Samantalang kanina gusto niya akong suntokin. Inakay ko na si Kamila papuntang office hindi ko palalampasin ang araw na ito. Kuya uuwi na po tayo hayaan mo na maayos na man po ako. Hindi naman ako nasaktan. Hawak niya ang siko ko natatakot siya. Sino sila para apihin ka? Wala silang karapatan para gawin sayo yan. Kuya, natatakot po ako baka ma kick out ako dito sa School. Well that's better? Ayoko rin na dito ka mag-aral hindi ka ligtas dito. Nakatingin ang ibang mga estudyante sa amin habang binabagtas namin ang whole way papuntang Principal Office. Have a seat Mr William. Napatakip pa ng bibig ang mga tao sa loob ng makita ang kapatid ko. What happend? Kamila sinong gumawa nito sayo? Si Samuel Rodriguez po Ma'am,siya po ang nag utos para batuhin ako ng itlog ng mga kapwa ko estudyante. Mr. William I'm sorry sa nangyari. ipapatawag ko si Mr. Rodrigeuz para maayos ito. Gusto kong maka usap ang may ari nitong paaralan saad ko sa kanila. Inabot ko ang calling card sa Principal. at umalis na. Maraming salamat po. Thank you Mr.William, makaka asa ka bukas ipapatawag ko si Mr. Rodriguez. Binabagtas na namin ang kalsada pa uwi sa bahay. Bunso magsabi ka sa akin ng totoo ano bang dahilan bakit binato ka nila ng itlog. Gusto po kasi ni Samuel kuya ako ang magiging girlfriend niya sa boong Campus. Nagalit po siya kasi sinampal ko. Ano? Napahawak ako sa aking ulo dahil bigla akong na stress sa sinabi ni Kamila. Nagawa mo yon? Kuya kaya ko po siya sinampal dahil hinalikan niya po ako sa labi. Sorry po Kuya dahil sa akin napa away kayo. Bunso mangako ka na hindi mo na uulitin ito. Hindi ako galit sayo pero next time umiwas ka sa gulo. Ayokong mapahamak ka hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo ako. Kuya diba po ang sabi ni mommy ipag-tanggol ang sarili kapag may nang aapi. Sorry kuya hindi na po mauulit. Sa tingin ko hindi puwiding ipasok si Kamila sa Paaralang iyon. Mapapahamak siya,kailangan ko siyang ilipat ulit. Kuya, ayoko pong lumipat gusto ko po mag aral doon. What? Are you sure? Pero hindi ka ligtas doon. Nakita kong nalungkot ang mukha niya kaya hinawakan ko ang kanyang kamay. Kaligtasan mo ang iniisip ko bunso hindi ako papayag na apihin ka ng ibang tao. Nakarating na kami sa bahay sinalubong agad kami ni Tita Jelly. James anong nangyari? Tita mahabang kuwento po,Kamila maligo ka na aalis tayo. Opo kuya! Isasama ko muna siya sa Restaurant para hindi siya maboring dito sa bahay. Kailangan kong kausapin si Tita Jelly At pagplanohan kong saan ko ulit ipa enroll si Kamila. Si Tita Jelly ang naging kasama namin dito sa US. Pinsan siya ni Daddy nong naulila kami siya na ang tumayong magulang namin. Tita Jelly,aalis muna kami ni Kamila pupunta kami sa Restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD