LINGGO ng hapon. Nagpaalam ako kay Victoria na sasaglit sa office, pero ang totoo ay pinuntahan ko si Mama. Naiwan siya sa bahay kasama ang best friend niya na si Jenny. Sinamantala ko ang pagkakataon na may bisita si Victoria para makaalis dahil gusto kong makausap ang nanay ko. Naabutan kong nagkakape si Mama sa lanai at nakatanaw sa swimming pool. Lumingon siya nang maramdaman marahil ang presensiya ko. Agad siyang ngumiti at tumayo para sumalubong. “Orion, Hijo!” Niyakap niya ako at hinalikan sa magkabilang pisngi, gaya ng nakagawian niya. “Ang daya mo! Didn’t you promise me that you would spend your weekend here? Bakit ngayon ka lang nagpakita?” Nagsalubong ang mga kilay ko, nagtataka dahil parang nalimutan na ni Mama ang tungkol sa pagtatalo namin noon lang Biyernes ng gabi. Kaya