Kabanata 25

2334 Words

AMINADO ako na kinakabahan din sa pag-uusap nina Orion at Mr. Teng. Hindi ko lang ipinapahalata sa asawa ko dahil ayokong dagdagan ang worries niya. Ang gusto ko, mag-focus siya sa meeting nila. Maipaliwanag niya kay Mr. Teng ang mga mahahalagang rason sa pagtanggi niyang pumunta sa China at magkaintindihan sila ng negosyante bago pa man iyon maging isang problema. Formal dinner, pero simple lang ang bihis at ayos ko. The usual white dress shirt and coat naman ang suot ni Orion. Halos isang oras ang ibiniyahe namin bago makarating at naroon na raw sina Mr. Teng, ayon sa manager ng restaurant. Isang VIP room ang ipinareserba para sa dinner meeting nina Orion. Hindi ako nagtanong, pero sa biyahe pa lang ay nasa isip ko nang hindi mag-isa si Mr. Teng at siguradong kasama nito ang pamilya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD