"I HAVE ordered sp*rm morphology test to fully determine if there's a problem. We will just call you for the result, Mr. Dominguez." "All right. Thank you, Doc," I replied as I shook his hand and then left afterwards. Dumirecho agad ako sa sasakyan paglabas. Dalawang linggo na nga ang lumipas bago ako nakapunta ulit sa clinic ni Dr. de Jesus para sa semen analysis test. Akala ko ay mas matatagalan pa ang pagbalik ko, pero dumating ang period ni Victoria noong isang linggo kaya nagkaro'n ako ng excuse para hindi siya magalaw. Nagpa-schedule agad ako para sa test. I waited for this day to come, but I almost backed out from the procedure earlier. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan. I just managed to set aside the anxiety and pushed through the test. Pinag-iisipan ko na