NAKITA ko ang anino ng ngiti sa mukha ni Drei. "Iniisip ko pa naman na may kinalaman ang biglang pagpapakasal n'yo sa naging pustahan namin ni Orion, pero hindi pala. May sarili pala kayong pustahan na dalawa." Nanatili akong walang kibo, sinisikap na ikalma ang sarili ko. Hindi ako dapat magpakita ng anumang emosyon kay Drei. Ito ang pangalawang pagkakataon na nilapitan niya ako. I don't know kung sinadya niya ang unang beses, pero malakas ang kutob ko na gumawa talaga siya ng dahilan para puntahan ako ngayon. Hindi ko alam kung ano bang klaseng friendship ang meron sila ng asawa ko, pero hindi ako bulag. Nakikita ko na ginagawa ito ni Drei para magkagulo kami ni Orion. "You know, Tori, matagal ko nang kaibigan si Orion," patuloy niya. "Hindi na'ko nagtataka kung gawin man niyang pus