HINDI na ulit ako nakatulog nang ayos pagkaalis ni Orion. Pagising-gising ako dahil sa pag-aantabay sa pagdating niya. Hindi ko rin napigilang maiyak. Akala ko madali lang ang sitwasyong kakaharapin ko kapag naikasal kami dahil wala naman akong pakialam dati kay Orion, pero ngayon ko nararamdaman ang hirap. Bandang alas dos ng madaling-araw nang muli akong nagising. Bumangon ako at nagbanyo. Pagkatapos, kusang tumulo ang luha ko dahil wala pa rin siya. Namimigat ang dibdib ko sa sama ng loob at selos. Sa isip ko, parang nakikita ko na magkasama sila ni Jerica. At kung nagawa nilang maghalikan sa harapan ng ibang tao, hindi imposible na mas higit pa roon ang ginagawa nila ngayon. Maya-maya ay narinig ko ang pagparada ng sasakyan sa garahe. Lumabas ako saglit para sumilip sa bintana ng kwa