Muli na namang nasilayan ng dalagang si Geanne ang mga bituin sa kalangitan. Parati na lamang bumubungad sa kaniya ang mga bituin na tila hinaharana siya. Mapa-Pilipinas o Korea man. Pagkatungtong niya sa rooftop ay kaagad na yumakap ang malamig na simoy ng hangin. Dahilan upang siya'y mapayakap sa sarili. Ang malakas na hampas ng hangin ay nilipad ang mga buhok niyang kasing bango ng rosas. Sa sulok ng rooftop, sa madilim at mapanglaw na sulok, nahagilap niya ang lalakeng nakatalikod at nakapamulsa. Ito ay nakatingala rin sa mga kumikinang na bituin sa kalangitan. Ito ay walang iba kundi si Zachary Sneddon. Humugot ng malalim na hininga ang dalaga bago napagdesisyunan na lapitan si Zach. Gustong-gusto na rin kasi niyang kausapin ni Zach, wala lang siyang lakas ng loob. But now, pakiramd