"So, that's final? Hindi na kayo babalik sa Pinas?" Tanong ni Ella na ngayon ay ngumunguya. The six of them are currently having their breakfast at the restaurant of the hotel. Si Geanne ay gumising na may ngiti sa labi dahil sa magandang nangyari kagabi, ganoon din naman si Zach. Subalit, silang dalawa lamang ang nakakaalam no'n. Sa tuwing nagtatama ang kanilang mga tingin ay napapangiti na lamang sila nang palihim. Samantalang si Zen ay nakakahalata na sa kakaibang kinikilos ni Geanne. Parang bigla na lamang itong sumaya. Pero hindi niya ito pinagtuunan ng pansin. Inisip na lamang niya na baka excited lamang ito sa concert ng BTS. "Yes, napag-isip-isip kong um-attend na lang concert ng BTS. Minsan lang naman 'to, eh." Sagot ni Zach saka mabilisang sinulyapan si Geanne. Sakto ring sinu