"Will you take that off?" Tanong ni Zach habang siya'y nakasandal sa wall na malapit sa pintuan ng guest room na tinutulugan nina Geanne. Ang titig nito ay nakatuon lamang sa kumikinang na bagay sa leeg ng dalaga. Maganda ito, but it irritates Zach. "Ha?" Napahawak si Geanne sa kwintas, "Pwede bang h'wag na lang?" Pakiusap niya saka pinihit ng knob ng pinto. "Saan ka pupunta? Kinakausap pa kita," taas-kilay na wika ng bossy na si Zach. Yumuko na lamang ang dalaga at muling sinara ang pinto, "S-Sige po," anito. "Magde-date tayo, ayaw kong sinusuot mo ang bagay na iyan," tinuro nito ang kwintas na suot ni Geanne, "Lalo na't bigay 'yan ng admirer mo, hays!" Iritado itong bumuntong ng hininga. "Date? Babalik na naman ba tayo sa kubo?" Tanong ng dalaga. "Nagrereklamo ka?" Umayos ito sa pa