"Ay, aba! Sinuot na niya 'yong necklace na bigay ni Sir Zen, ehem!" Panunukso ni Jelly kay Geanne no'ng mapansin nito ang kaakit-akit na necklace sa leeg ng dalaga. Sila ay kasalukuyang nasa loob ng Bugatti habang hinihintay si Zach na trenta minuto nang nagbibihis. "Tumahimik ka nga, Jelly!" Sinungitan niya ito, "Mag-iingat ka baka biglang dumating si Master, patay tayo." Nahinto ang dalawa sa pagsasalita nang biglang umubo ng malakas si Miko, "Baka nakakalimutan niyong nandito rin ako sa kotse," sarkastiko nitong bigkas. Tinaasan lamang siya ng kilay ni Jelly, "Alam naming nandito ka, and we just don't care, duh!" pinitik nito ang kaniyang buhok saka sinungitan ang bodyguard. "Gusto mo bang sabihin ko kay Boss na galing kay Sir Zen 'yang kwintas na suot ni Geanne?" Pagbabanta nito