"Mahilig siya sa kahit anong maganda sa mundo, kaya napagdesisyonan kong gawan siya ng ganito." Sabi ni Zach nang libutin niya ang kaniyang paningin sa mala-ibang mundong kubo na iyon. Si Geanne nama'y nakikinig lamang sa mga drama ng binata. She knew he was just telling lies. Kaya nitong pabilugin ang utak ng isang babae, pero hindi nito mabibilog ang utak ni Geanne. "Alam ko namang nais niya lang akong ipabilang sa kaniyang mga koleksyon. Hindi ako bobong babae. Kakakilala niya pa lang sa akin, tapos nais na raw niya iharap sa altar. At sino namang tangang maniniwala do'n?" wika ng dalaga sa sarili habang pinakikinggan lamang ang mga drama ni Zach. "Binigay mo nga talaga ang lahat sa kaniya." "Oo," he put his gaze on her, "At kaya ko ring ibigay sa 'yo." Pumakawala ito ng isang ngiti.