"I will have your yes, just watch me." Hindi makalimutan ni Geanne ang mga salitang ito na sinabi ni Zach sa kaniya bago sila makarating sa lugar na hindi pamilyar kay Geanne. May kalayuan na ito sa bayan. Isa itong bulubunduking lugar na wala masyadong taong makikita. Natatakot si Geanne sa maaring gawin sa kanya ni Zach, gayong sila lamang dalawa, subalit mas nananaig ang kapayapaan ng kapaligiran. Nami-miss na niya ang buhay probinsya. Nilibot ng dalaga ang kaniyang tingin habang patuloy na nakasunod kay Zach... wala siyang kaide-ideya kung saan sila tutungo. "Dito kami madalas magpunta no'ng ex ko," pagbasag ni Zach sa katahimikang kanina pa nagwawagi sa pagitan nilang dalawa. Nakunot naman ang noo ng dalaga dahil doon, ano naman ang kaniyang pake kung dito sila laging nagpupunta?