Chapter 4- Yvan Mortem

1630 Words
Lanie's Pov: "Hindi ka ba nabo-bored dito?" Tanong sa akin ni Rona at humilata sa kama n'ya. Pangatlong araw ko na dito sa Saint Augustine at tatlong araw na din akong nakatambay lang dito sa dorm dahil sa namaga talaga ang paa ko. "Bored na nga ako. Pero sinabihan na ako ni Ms. Lia na pwede na akong pumasok sa lunes. Huwag ko lang daw munang pwe-pwersahin ang paa ko para tuluyan na talagang gumaling." Nakasimangot na sagot ko. Tatlong araw akong excuse sa klase pero dahil biyernes na ngayon, limang araw ang naging bakasyon ko. Mas dumami tuloy ang lesson na hahabulin ko. Mabuti na nga lamang at pinapahiram ako ng notes ng tatlo. Iyon nga lang, puro pag-aaral ang ginagawa ko. Umalis s'ya sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan. Ini-lock n'ya iyon bago lumapit sa akin. "Sasamahan kita maya-maya sa labas pagkatapos ng klase. Allowed na tayong lumabas mamaya. May alam akong gumagawa ng mga gadgets." Mahinang sabi n'ya. "Salamat," sabi ko. Hindi pa din ako mapakali sa article na nasa tablet ko. Isa pa, nakaka-miss din ang conversation namin sa DWD's. Sinubukan ko ding alamin kay Rona ang tungkol doon pero walang alam ang babae. Mukhang ako lang talaga ang binigyan ni Page ng link na 'yon. And speaking of Page. Pagkatapos ng pag-uusap namin noong nakaraan ay hindi na n'ya ako kinontak. Ni kahit text ay wala akong natatanggap mula sa lalaki. Nakakapagtaka lang dahil dati naman ay halos araw-araw na tinatawagan n'ya ako. "Masyado na din akong abala. Nami-miss ko na ang pagkakalkal ng mga bagay-bagay." Muling humilata si Rona at tumingin sa kisame. Isinara ko ang aklat na binabasa ko at hinarap s'ya. "Kahit ako. Kaya gusto ko sanang maipaayos na iyong tablet ko." Iyon lang kasi ang pwede kong gamitin ngayon. Huli na nang malaman kong tinanggal pala ni Mama ang laptop na ginagamit ko sa deep diving. Kakailanganin ko pang umuwi sa bahay para lamang kunin iyon. Iyon nga lang, kailangan kong maghabol ng mga lesson ngayon kaya wala akong planong umuwi sa bahay ngayong weekends. Hihintayin ko na lang na maayos ang tablet ko. "Bakit ka nga pala nandito? May klase ka hindi ba?" Tanong ko sa babae. May ilang minuto pa bago matapos ang huling klase at kanina pa s'yang tanghali nandito sa dorm. Umupo s'ya at humarap sa akin. "Ini-excuse ko ang sarili ko." Takang napatingin ako sa kanya. Pasaway! Tinawanan n'ya lang ako at muling humiga. "Masyadong masakit na ang katawan ko sa training. Nagdudugo na din ang utak ko sa experiment namin sa lab." Napailing na lang ako sa sinabi n'ya. Representative ng Taekwondo Club si Rona. Isa iyon sa dahilan kung bakit ilang klase lang ang napapasukan n'ya. Kasali din s'ya sa Young Experimentalist ng eskwelahan kung saan ay nag-iimbento sila ng mga liquid alternatives. "Wala ka pa palang club, Lanie. Anong club ang gusto mong salihan?" Nagkibit-balikat na lang ako. "Hindi ko pa alam. Hindi naman siguro mandatory ang tungkol sa club hindi ba?" Tumango-tango s'ya. "Oo. Pero malaking tulong din iyon sa specs mo." "Babawi na lang ako. Madami kasing lesson na kailangan kong habulin." Totoo naman iyon. Dahil tulad ng kinatatakutan ko, advance na sila sa lesson dito. Muli s'yang nanahimik at ako naman ay bumalik sa pag-aaral. Maya-maya pa'y narinig namin ang pagtunog ng buzzer, hudyat na tapos na ang pinakahuling klase sa araw na to. Nangingiting nagkatinginan kami ni Rona at sabay pa kaming tumayo para mag-ayos ng sarili. Eksaktong kakatapos lang naming magbihis nang marinig namin ang pagtawag at katok ng dalawang roommate namin. "Saan kayo pupunta?" Agad na tanong ni Lovely pagkapasok. "D'yan lang sa labas. May ipapaayos lang kami. Kayo ba? Uuwi ba kayo ngayon?" Balik tanong ni Rona sa dalawa. Sabay silang tumango. "Magpapahinga lang kami saglit tapos uuwi na din kami." Dagdag ni Jasleene. "Una na kami." Paalam namin sa dalawa at magkasamang lumabas ng silid. May mga kasabayan din kaming lumabas ng dorm. Halos lahat sila ay uuwi sa mga bahay nila. Alas kuatro y media pa lang pero may kadiliman na ang paligid. Mukhang maaga ngayong lulubog ang araw. Nilakad na lang namin ang mahabang pathway papunta sa main gate ng eskwelahan. May sampung minuto din yatang lakarin iyon. At mabuti na lang na pareho kaming madaldal ni Rona kaya hindi ko naramdaman ang layo nun. Malapit lang ang gadget's repair shop na sinasabi n'ya. Tumawid lang kami. Katapat lang kasi iyon ng eskwelahan. "Mukhang matagal na nababad sa tubig ang tablet na ito, Miss. Ayaw mo bang ipa-swap na lang sa amin ito? Tutal mukhang luma na naman at gamit na gamit pa." Komento ng lalaking tumingin sa tablet ko. Marahang umiling lang ako. "Importante po kasi ang tablet na 'yan. May sentimental value po 'yan." Alibi ko pa. As a deepdiver, na-master na namin ang pagsisinungaling para walang makaalam ng tungkol sa amin. Hindi naman lagi, kapag hinihingi lang talaga ng pagkakataon. Small white lies. Na hindi naman makakaapekto sa kapwa namin. Si Master din ang nag-advice sa amin na ilihim namin ang pagiging diver, bukod kasi sa lihim ang ginagawa naming pagkakalkal ng mga impormasyon, may mga sensitibong bagay din kaming nalalaman kaya kailangan din naming proteksyunan ang identity namin. "Ah ganoon ba." Sabi pa ng lalaki at nagsulat sa resibo. "May papalitan kaming parts at pwede din itong mare-format. Isa pa, aabutin ito ng ilang araw." Dagdag n'ya at iniabot sa akin ang resibo. Agad na binayaran ko iyon at itinago sa wallet ang resibo. "Okay lang po. Sa susunod na biyernes ko na lang kukunin. Ganitong oras din po." Tumango na lang s'ya at sinimulang kalasin ang tablet. Nagpaalam na kami at muling naglakad pabalik ng Saint Augustine. "Uuwi ka ba?" Tanong ni Rona sa akin pagkapasok namin sa malaking gate. "Hindi." Sabi ko sabay iling. "Saka na lang ako uuwi kapag uuwi si Kuya. Ikaw?" "Uuwi ako pagkatapos nating maghapunan. Pasensya na at maiiwan ka sa kwarto natin. Kailangan ko lang talagang umuwi every weekend." Nakangiting pinisil ko ang kamay nya. "Okay lang iyon. Maganda nga iyon. Solo ko ang buong kwarto at walang maiingay na mangungulit sa akin pag nag-aaral ako." "Grabe ha!" Natatawang hinampas n'ya ako ng mahina. Napasarap ang paghaharutan namin kaya hindi namin napansin ang paparating na kotse. Palabas iyon at mabilis ang pagpapatakbo ng nagmamaneho niyon. Natulala na lang kami ni Rona nang mapansin namin iyon. At halos tumalon ang puso ko nang hindi ko maigalaw ang katawan ko para umiwas. Ilang hibla na lang sa amin ang kotse nang biglang iyong huminto. Agad na bumaba doon ang matangkad at matipunong lalaki. "Hey. Are you hurt?" Nag-aalalang tanong n'ya. Niyugyog n'ya pa kami nang hindi kami sumagot. Halos manlambot ang mga tuhod ko at kaagad akong sumagap ng hangin para mahimasmasan. Ganoon din ang ginawa ng kaibigan ko. Akala ko talaga ay masasagasaan na kami. Kung bakit ba naman kasi feeling namin ni Rona na sa amin ang buong daan. "Hindi ba kayo nasaktan? Gusto nyo bang dalhin ko kayo sa ospital?" Muling tanong n'ya at mabilis na sinipat kaming dalawa. "O-okay lang po. Pasensya na." Namamawis ang mga kamay na sagot ko. Ninerbiyos talaga ako! Tumitig sa akin ang kulay abong mga mata n'ya na para bang tinitingnan kung nagsasabi ako ng totoo bago bumaling kay Rona. "Maayos lang po kami Sir. Pasensya na po." Kumakamot sa ulong sabi ni Rona na pinagtaka ko. Sir? Ngumiti lang ang lalaki. "Pasensya na din, nagmamadali kasi ako. Mauna na ako sa inyo. Basta if may masakit sa inyo, puntahan nyo na lang ako sa office ko." Sabi pa n'ya at kaagad na bumalik sa sasakyan n'ya. Mabilis ding umandar palayo ang kotse n'ya hanggang sa makalabas na 'yon sa gate at mawala sa paningin namin. "Sino 'yon? Bakit Sir ang tawag mo?" Nagtataka pa ding tanong ko kay Rona. Bahagya pa s'yang kinikilig na humarap sa akin. "Yvan Mortem Aronzaga. Nakatatanda at nag-iisang kapatid ni Yshmael. S'ya din ang humahawak ng eskwelahan. Ang gwapo no? Ang bait pa!" Kulang na lang ay mangisay na sagot n'ya. Napailing na lang ako. Hindi ko naman s'ya masisisi. Dahil kahit ilang sandali ko pa lang na nakita ang lalaki ay masasabi kong gwapo nga ito. Well built din ang katawan at kung tama ang hinala ko ay kasing edad s'ya ni Kuya Sage o mas matanda ng ilang taon kay Kuya. "Klutz." Sabay pa kaming napatingin ni Rona sa nagsalita. Si Yshmael at ang dalawang kaibigan n'ya. Mula noong dalhin n'ya ako sa clinic at ihatid sa dorm ay paminsan-minsan ko na lang nakikita ang lalaki. Naburo din kasi ako sa dorm at mas mabuti na 'yon dahil nahihiya din ako sa kanya. Hindi ko lang talaga alam kung bakit nakakaramdam ako ng pangingilag sa kanya. "Yo!" Tanging si Kalvin lang ang bumati sa amin. Tabingi ang ngiting tinanguan ko s'ya. Tinaasan lang ako ng kilay ni Yshmael bago bumaba ang mga mata n'ya sa paa ko. Umiling iling pa s'ya bago kami nilampasan. "Asshole." Hindi ko napigilang sabi. Naramdaman ko ang pagtigil nila. "Anong sabi mo?" I heard him ask. Rinig ko din ang pigil na hagikhik ni Kalvin. Napahawak si Rona sa kamay ko at halos kaladkadin n'ya ako pero hindi ako kumilos. Nakataas din ang kilay na nilingon ko s'ya. "Asshole." Ulit ko na ikinatawa ng malakas ni Kalvin. Maging ang seryoso at parang bato din na si Greyson ay napangiti. Hindi ko na hinintay na makasagot sya at mabilis kong hinila palayo si Rona. Ako ang nanalo ngayon. Kala n'ya ha! ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD