Chapter 5- Couple Shot

1599 Words
Lanie's Pov: "Whoa! Iba din." Pumapalakpak pang sabi ni Rona ng nakalayo kami. Tawa s'ya ng tawa na parang na-praning na. "Imagine. Ikaw ang kauna-unahang nag-walk out kay Yshmael. Claps." Palakpak n'ya ulit. Natawa na lang ako sa kalokohan n'ya. "Gutom na ako." Sabi ko na lang at hinila s'ya papunta sa direksyon ng cafeteria. Pero bago pa kami makarating doon ay kung saan saang parte pa kami ng eskwelahan nakarating. At lahat ng bahaging makita namin ay may kwento s'ya. More on kalokohan nga lang kaya halos manakit ang tyan ko kakatawa. "Ayoko na nga. Kumain na lang tayo." Sabi n'ya habang hawak hawak ang tiyan. Tumango na lang ako at hinawakan s'ya sa kamay. Baka kasi kung saan na naman kami mapadpad. Dumiretso na kami talaga sa cafeteria. Agad kaming kumuha ng pagkain pagkarating doon. Pareho nga yata kaming gutom kakatawa dahil pareho kaming nanahimik at itinuon sa pagkain ang atensyon. Pinigilan kong mapatawa ng marinig ko ang pagdighay ni Rona. "Busog ako aba." Defensive na sabi n'ya. Nangingiting tinanguan ko lang s'ya at uminom ng tubig. "Kunwari naniniwala ako." Napasimangot s'ya at kinagatan ang hawak na mansanas. "Nga pala, may balita ka ba kay Page? Ilang araw na s'yang hindi nagpapakita." Napakunot ang noong napatingin ako sa kanya. "Hindi n'ya ako kinokontak. May nangyari ba?" Hindi ko din naman kasi makokontak si Page kahit na gustuhin ko pa. Paiba-iba ang numerong ginagamit n'ya at minsan pa nga ay hindi iyon katulad ng format ng sa ordinaryong numero. Naiintindihan ko naman s'ya. Hacker s'ya. At iniiwasan n'ya lang na ma-track s'ya ng kung sinuman. Iyon nga lang, kapag ganitong sitwasyon, hindi ko alam kung paano s'ya hahagilapin. At nag-aalala talaga ako sa lalaki. "Ewan ko sa lalaking 'yon. Mailap masyado." Dagdag pa ni Rona. "Baka abala lang. Alam mo naman 'yon. Estudyante din s'ya." Sabi ko na lang at pinilit tanggalin ang alalahanin tungkol sa lalaki. Nagkibit-balikat na lang si Rona. Pero alam ko namang hindi s'ya kumbinsido sa sinabi ko. As a diver, na-train din ang sixth sense namin. Alam namin kung kailan may mali. "Uy! Ang seseryoso nyo ah!" "Oo nga. Ang creepy ng aura!" Pareho pa kaming napatingala ni Rona sa nagsalita. Sa sobrang okupado ng isip namin ay ni hindi namin naramdaman ang dalawa. Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa dalawang roommate namin. "Di pa kayo umuuwi? Grabe ang tsitsismosa nyo," kunwaring napailing pa si Rona. Tinampal naman sya sa noo ni Jasleene. "Hindi uy. Hinanap lang namin kayo." "Bakit?" Takang tanong ko. Binigyan ako ni Lovely ng maliit na card. Kasinlaki lang yata 'yon ng credit card. Nang tingnan ko 'yon ay may nakasulat na The Harbor. "Ano to?" "Pinapabigay ng senior-assistant. Isang get together n'yo sa isang subject mo. Mandatory ang pagpunta doon." Paliwanag ni Jasleene at inagaw ang mansanas ni Rona. Kunot noong napatingin ako kay Rona. Anong get together? "Isa iyong get together ng lahat ng estudyante na nasa isang subject. Iyon nga lang, madalas na sa pagsisimula 'yon ng semester. Pero may mga instances na pag busy masyado ang senior-assistant sa subject na yun, nale-late din ang get together." Paliwanag n'ya. "Dyan lang 'yan sa may gilid ng Academy. Huwag kang mag-alala, wala lang 'yan," sabi pa ni Jasleene. "Kaso late ka na." Dagdag naman ni Lovely. Mabilis na napatayo ako at nagpaalam sa tatlo. "Ingat! Sasabay na din ako sa dalawang 'to!" Rinig ko pang pahabol ni Rona pero di ko na s'ya nilingon. Ikinaway ko na lang ang kamay ko at nagmamadaling lumabas sa cafeteria. Muntik ko pang mabunggo ang ibang estudyante. At halos takbuhin ko din ang mahabang hallway para lang mabilis na makarating kung saan man 'tong gathering na 'to. Gusto ko na ding magreklamo dahil sa layo ng main gate. Pinagpapawisan na ako nang marating ko iyon at napasandal pa ako sa tarangkahan. May dalawang minuto din na kinalma ko ang sarili ko bago naglakad papunta sa The Harbor. Malapit nga lang iyon sa gilid ng Academy. Nasa kanan lang iyon. Ibinigay ko ang card na hawak ko sa front desk at pumunta sa direksyong itinuro n'ya. Isang silid iyon at sa labas pa lang ay rinig ko na ang pagkakaingay ng mga nasa loob. Inayos ko muna ang sarili ko bago pinindot ang buzzer. Agad na bumukas iyon at nakita ko ang may dalawampung estudyante yata na nakaupo sa harap ng dalawang mahabang lamesa. Ang iba sa kanila ay pamilyar, mas madami nga lamang na hindi ko pa talaga kilala. "Oh! Ang isa nating number one!" Nakangiting lumapit sa akin si Julianne, s'ya ang senior-assistant na nakilala ko noong unang araw ko dito. "Pasensya na na-late ako." Paghingi ko ng paumanhin at apologetic na yumukod sa kanila. Muling tumunog ang buzzer. Isang lalaki ang nagbukas niyon at lahat kami ay napatingin sa iniluwa ng pinto. Walang iba kundi si Yshmael. "Whoa! Late ka din Yshmael. The struggle of being number one." Sabi pa ni Juliane na ikinatawa ng iba. Tumango lang sa kanya si Yshmael at ng makitang nakatingin ako sa kanya ay tinaasan n'ya ako ng kilay. Hindi ko na lang sya pinatulan. "Punishment!" "Shot! Shot! Shot!" Natigil ang tangka kong pag-upo ng mag-chorus ang mga kaklase namin. Takang napatingin pa ako sa inuming nasa lamesa. Hindi iyon juice o tubig lang. Alcohol. "Pwede palang uminom?" Inosenteng tanong ko kay Juliane at itinuro ang iniinom ng iba. Nginitian naman n'ya ako. "We're eighteen years old, ang iba nga dito ay nasa nineteen na. Pinayagan ng management ng Saint Augustine ang alocoholic drinks sa mga gathering kapag hindi na menor de edad ang mga estudyante. Saka minsan lang naman to." Paliwanag n'ya at nagsalin ng alak sa dalawang shot glass. Iniabot n'ya ang isa sa akin at ang isa ay kay Yshmael. "Couple shot." She teased. Wala akong nagawa kundi kunin ang alak. Pinilit kong hindi mapangiwi ng maamoy iyon. Hindi ko talaga gusto ang amoy ng mga alak. Lumapit sa akin si Yshmael at iniikot ang braso nya sa kamay ko. "On three!" Juliane declared. "One!" "Two!" "Three!" Parang iisang taong chorus ng lahat. Sabay naming inilapit sa bibig namin ang shot glass. Mabilis na nainom iyon ni Yshmael. Pero nang tikman ko iyon ay nailayo ko agad ang baso sa bibig ko. Ang pangit ng lasa! "Iinom na 'yan! Iinom na 'yan!" Di sumusukong chant ng mga kajlase namin. Sumpain kayo! Napalunok ako at handa ko na sanang tiisin ang lasa ng alak ng agawin ni Yshmael ang baso at mabilis na nilagok n'ya iyon. Takang napatingin ako sa kanya at maging ang lahat ay natahimik. "Punishment shot! That's not fair!" Agad na nakabawi ang isang lalaki. Sininan n'ya ng pulang likido ang isang beer glass at iniabot kay Yshmael. Ni hindi tumanggi ang lalaki at mabilis na ininom iyon. Tuwang tuwang nagpalakpakan naman ang iba. Pero muli s'yang inabutan ng beer glass. Katulad ng nauna ay punong puno iyon. Nag-aalalang napatingin ako sa kanya pero hindi nya ako tiningnan at ininom ulit iyon. "Whoa! Our number one is really something!" Juliane exclaimed and handed Yshmael another beer glass. Walang anumang ininom n'ya ulit iyon. Nagpalakpakan ulit ang lahat pero hindi na sila pinansin ng lalaki. Agad na naupo s'ya sa isang bakanteng upuan. Nakokonsensyang tiningnan ko muna s'ya bago ako naupo. Simpleng gathering lang sana iyon kung wala ang alak. Masasabi kong masaya din naman silang kasama 'yon nga lang dahil transferee ako ay hindi ko magawang makasabay agad sa kanila. Tawa na lang ako ng tawa sa mga laro at trip nila sa buhay. Minsan ay nakikisali ako pero madalas ay nanonood lang ako. At sa buong durasyon ng gathering ay hindi ko man lang nakitang nagparticipate si Yshmael. Nasa sulok lang s'ya at nag-ce-cellphone. Mag-aangat lang s'ya ng tingin sa tuwing may nagtitilian. "Okay! Let's wrap up, students!" Pagtatapos ni Juliane makalipas ang may dalawang oras. Medyo tipsy na din sya pero nagawa pa n'yang magbilin sa amin. Matapos ang pasalamatan at paalaman ay nagkanya-kanya ng labasan ang mga kaklase ko. Narinig ko pang ang karamihan sa kanila ay uuwi sa mga bahay nila habang ang iba naman ay mananatili sa dorm at kinabukasan na lang uuwi. Hinintay kong makalabas ang lahat saka ako lumabas. Humihikab na naglakad ako pabalik sa Academy. Hindi din naman ako natatakot maglakad mag-isa. Madami pa namang tao kahit gabi na at maliwanag ang paligid dahil sa madaming street lights. Bawat establishment din ay may mga gwardya. "Sa wakas." Mahinang sabi ko ng makapasok sa tarangkahan ng Academy. Mabagal na nilakad ko ang direksyong papunta sa dorm. Iilan na lang ang nakita kong estudyanteng nakakalat dito. Wala kasing curfew at roll call ngayon kaya malayang magpaabot ng gabi ang iba sa labas ng dorm. Malapit na ako sa dorm ng mapadaan ako sa bench na nasa parte ng hardin. Nasa harapan lang iyon ng dorm, natatakipan nga lamang ng may kalakihang bushes. Inaninag ko ang pamilyar na bulto ng lalaking nakaupo doon. Nakatuon ang dalawang kamay n'ya sa magkabilang gilid habang nakatingala. "Yshmael?" Nagmulat s'ya ng mata at tiningnan ako. Namumungay ang mga mata n'ya, mukhang tinamaan din s'ya. "Do you have water?" Husky ang boses na tanong n'ya. Bahagya din n'yang hinilot ang sentido n'ya. Agad na kinapa ko ang bottled water na nasa bag ko at ibinigay sa kanya. Ininom n'ya agad iyon at halos maubos pa nga n'ya. "Damn those alcohol." Napapikit ulit s'ya at hinilot ulit ang sentido. Umupo ako sa tabi n'ya at inabot ang panyo ko. Pinagpapawisan kasi s'ya. "Pasensya na kanina. Kung alam ko lang na hindi ka sanay uminom, ako na lang sana ang uminom niyon." Inabot n'ya ang panyo at tiningnan ako. "I don't drink." Maikling sabi n'ya at muling nagpikit ng mata. Muli kaming binalot ng katahimikan dahil mukhang wala naman s'yang planong makipagtsikahan sa akin. Ilang minuto din akong nanatili doon bago nagdesisyong magpaalam sa lalaki. "Yshmael..." Pagtatantya ko pa pero hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mahulog sa balikat ko ang ulo n'ya.                              ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD