Chapter 13- Tripped

1645 Words

Lanie's Pov: "Okay ka lang?" Muling tanong sa akin ni Lovely. "Oo nga. Kagabi ka pa tuliro saka namumutla ka." Segunda naman ni Rona. Pilit ang ngiting ibinigay ko sa kanila. "Ayos lang ako. Masama lang ang tiyan ko." Pagdadahilan ko pa. Hindi naman kasinungalingan iyon. Dahil pagkatapos ng mga nakita ko kagabi, halos manginig ang buong katawan ko sa takot. Ni hindi ko din napilit ang sarili kong kumain at matulog. "Sana kasi kumain ka kahit kaunti. Wala yatang laman ang tiyan mo kaya kinakain na ng large intestines ang mga small intestines mo." Pagbibiro ni Jasleene. "Kakain ako mamayang meryenda. Wala talaga akong gana ngayon." Ayoko man ay parang gusto ko na lang silang itaboy. Ayokong makipag-usap sa kahit sino ngayon. "Sige na. Una na kami ni Jas, gutom na 'to e." Pamamaalam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD