Lanie's Pov: Hindi ko maiwasang hindi mapakunot ang noo sa tuwing may nahuhuli akong nakatingin sa akin. Mula nang gumawa ng eksena ang mga barbie dolls ni Yshmael sa cafeteria ay mas dumami pa ang mga tsismosa sa paligid. Hindi naman sila lumalapit sa akin o nagtatanong ng kung ano-ano. Hindi din nila ako inaaway o ano. But they're staring, and it made me uncomfortable. I sighed. Gusto ko pa sanang tumambay sa library para magbasa pero mukhang mas mabuting magkulong na lang ako sa dorm namin. Dumiretso na lang ako sa silid naming apat at katulad ng inaasahan ay wala akong naabutan doon kahit isa. Siguradong kung nasaang sulok na naman ng eskwelahan ang mga roommate ko. Agad akong nagpalit ng damit at hinarap ang computer ko. Ngunit ilang minuto pa lamang ang lumilipas ay nakaramdam n