JS PROM

608 Words
Two weeks after the play JS Prom na. Sa school social Hall ang venue. Ayoko sanang mag-attend kaso mapilit ang mga barkada ko. Kaya heto mag-isa akong nakaupo sa table namin habang sila nagrarock ‘n roll sa dancefloor. Rock ang tugtog kaya ayokong sumayaw. Maya-maya'y nagpalit ang music. "Kung Ako ba Siya" by Khalil Ramos Kainis ‘yong kanta! Tagos s puso ang lyrics. Kung ako kaya si Honey, mamahalin kaya ako ni Andrei? Napailing ako at pilit iwinaglit ang nasa isip. Magcho-chorus na nang tumambad sa harap ko si Mark at sinabayan ‘yong kanta sabay lahad ng kamay niya. Kung ako ba siya? Mamahalin mo? Ano ba ang meron siya? Na wala ako? Napalundag ang puso ko! Unti-unti kong iniabot ang kamay ko. Napapunta kami sa gitna ng dancefloor habang nakatitig sa isa't isa. Hawak niya ang baywang ko habang ako nama'y nakahawak sa balikat niya. Sobrang lapit namin, feeling ko hindi ako makahinga. Inilapit niya ang bibig sa tainga ko at itinuloy ang pagkanta. Napangiti ako. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at sumandal sa balikat niya. Hanggang natapos ang kanta. Pagmulat ng mga mata ko, nagulat ako nang makita si Andrei na nakatitig sa akin. Nakatayo siya sa mismong likuran ni Mark. Sandali kaming nagkatitigan subalit unti-unti siyang nag-step back at umalis na nang tuluyan sa hall. Naguguluhan ako sa nangyayari kaya lang hinila na rin ako ni Mark palabas ng hall. Nakasunod lang ako sa kanya habang hawak niya ang kamay ko. Nakarating kami sa baseball field at umupo sa damuhan ng magkatabi. Nagpapakiramdaman. Hinawakan niya ang ulo ko at inihilig sa balikat niya. Sumunod na lang din ako. Ewan ko ba feeling ko nawala lahat ng problema ko habang nakasandal sa balikat niya. I feel safe and peaceful... "Ganda ‘no?" saad ni Mark habang nakatingala sa langit. "Yeah, right!" I smiled looking at the skies. "Minsan dahil naa-amaze tayo sa nakikita sa taas hindi natin napapansin na kumikinang din pala ang katabi natin na parang stars." Maemosyon niyang saad. Naramdaman kong dumampi ang labi niya sa buhok ko. Hindi ko maarok ang gusto niyang sabihin. Naramdaman kong bumibilis ang t***k ng puso ko. Tumingin ako sa mukha niya. Nakatanaw siya sa malayo. Guwapo talaga siya. Sa totoo lang kumpara kay Andrei mas lamang siya. Mas nauna ko lang kasing nagustuhan si Andrei. Isa pa, friends lang kami ni Mark. "Eljay, kung meron kang parte ng katawan na ibibigay kay Andrei ano ‘yon?" tanong niya matapos ang ilang saglit na katahimikan. "Huh?!" Naguluhan ako bigla. Bakit naman kaya niya naitanong? Natawa siya ng mahina kaya mas lalong nangunot ang noo ko. "Siyempre puso mo ‘di ba?" Sinagot niya ang sariling tanong. Nahihiwagaan talaga ako kung ano ang gusto niyang sabihin kaya nanahimik na lang ako. Maya-maya nagsalita ulit siya. "Kung ako ang magbibigay kay Andrei, ibibigay ko ang mata ko kasama ang puso ko.... Para makita niya at maramdaman kung gaano ka kaespesyal..." Nag-angat ako ng paningin. Nakatitig siya ng mataman sa akin. Bumilis ang t***k ng puso sa nakaamba nitong sasabihin. "Maganda ka, Eljay at ang personality mo ay madaling mahalin… You are amazing! And I love you!” diretso nitong pahayag. Nagulumihan ako. Nag-jojoke ba siya? "Ha? Eh si Allene?" agad kong tanong. Mukha namang seryoso. Pano naman kasi never pumasok sa isip ko na magkakagusto siya sa akin. He is too much for me. Hindi siya bagay sakin. "It was always you... There was never Allene or anyone since Second Year tayo..." Ewan ko pero napamaang ako... He looked so serious... Ano bang dapat kong sabihin? O gawin? I just looked at him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD