Jen's POV Dati tanaw ko lang siya mula sa malayo... Ngayon tanaw ko na siya sa harap ng altar habang ako'y hinihintay.... Dati akala ko hindi ako nag-eexist sa mundo niya... Ngayon alam ko nang ako ang mundo niya... Dati akala ko sa panaginip lang ito... Ngayon ramdam na ramdam ko ang saya habang naglalakad patungo sa altar... Andrei's POV Akala ko talaga hindi na ito mangyayari sa buhay ko. Nang sinabi niyang hindi niya ako kailanman pakakasalan, napaiyak ako. Hindi ko ma-imagine ang buhay na wala siya. Kaya naman noong sinabi niyang joke lang ‘yon, ang saya saya ko! Hindi ko na napigilan ang luha ko sa sobrang kaligayahan... Siya lang ang babaeng kaya akong paiyakin. Hinalikan ko ang kamay niya at naglakad na kami patungo sa harap ng pari. "Babe, ‘yong sinabi ko ah! Basketba