TILA ISANG masayang balita para kay Count ang malaman niya ang buong pangalan ng babae. Hindi njya nais makasama ito nang hindi nalalaman ang pangalan. Tama nga siya na ang kadaldalan ni Winona ang kaniyang magiging susi para sa bagay na iyon. Alam niya na ngayon kung kanino maaring kumuha ng impormasyon patungkol sa naturang asawa. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin siyang malaman ang buong pangalan nito. May naisip siyang kalokohan kapag nais mang-asar. Gabi na nang makabalik ang babae sa mansion at halos hindi iyon maramdaman ni Count dahil sa laki ng bahay at bihira silang magkakatagpo kung hindi pa oras ng pagkain. Nagtataka rin siya dahil hindi nagtungo ang babae sa kaniyang silid, siguro ay dahil wala itong kailangan ngayon. Naisip niya na lamang maglakad-lakad sa mansion. At din