Chapter 36 BEBANG… ANG TAGAL namin ni Calix sa sementeryo na hindi nag-uusap, basta lang umiiyak kaming dalawa. Lalo na si Calix na hindi na nga tumayo sa pagkakaluhod niya sa puntod ng anak namin. Lumubog na ang araw at sobrang dilim na sa paligid namin, pero heto kami nasa kalagitnaan ng sementeryo napapalibutan ng mga puntod ng mga yumao. Hindi naman ako natatakot, slight lang, kasi may kasama naman ako nandito si Calix. Hindi naman siguro siya takot sa mga mumu na katulad ko. “Beverly,” tawag niya sa akin na namamaos ang boses. Hindi ako nagsalita, kasi feeling ko wala na rin akong boses kakaiyak ko sa halos buong hapon hanggang sa mga oras na ito. “What happen?” Teka nga, naguluhan ako sa tanong niya sa akin. “Umiyak ka, hindi ba?” balik na tanong ko sa kaniya na hindi ako s