ANGELA’S POV Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa mga mata ko. Bumangon ako at saka napahilamos sa mukha ko. Bumuntong hininga ako at saka ako napapikit ng mariin. “Panaginip?” takang tanong ko sa isip ko. Babangon na sana ako ng mapahinto ako at napatingin sa feather na nasa ulunan ko. “Imposible,” ani ko at saka ako tumayo at nilagay ang feather na ‘yon sa drawer ko. Hindi ko alam kung panaginip nga lang ba o totoo. Nitong mga nakaraang araw masyado akong na-stress sa test namin. Pero tingin ko naman panaginip lang ang lahat ng iyon. Imposibleng maging anghel ang gaya ko hindi ba? Marami akong kasalanan at marami akong nagawang mali kaya napaka-imposible talaga. Lumabas ako ng k’warto at saka bumaba. Naghahanda na si Mama ng almusal at si Papa naman ay saktong aalis