ANGELA’S POV Ang sakit ng ulo ko at med’yo hindi rin maganda ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung ilang araw na akong ganito sa puder ni Callifer. Hindi ko rin alam bakit hindi ako sinundan nila Angelo at hinayaan ako na alagaan nitong demonyong ‘to. Napapikit ako ng mariin at saka ako napabuntong hininga. Nakakainis dahil nandito ako. Tatlong araw na mula nang mangyare ang insidente sa school at tatlong araw na rin mula nang nandito ako. Bumangon ako at saka ako tumingin sa paligid. Ang ganda ng theme ng k’warto parang pang vampire. Kaso lang med’yo dark pa dito at hindi ako sanay. Tumimgin ako sa labas at ang daming hindi kaya-kayang tanawin. Katulad nalang ng mga red demon na nagpapagala-gala at lumilipad na akala mo paro-paro sila. “Mabuti at gising kana.” Napalingon ako