ANGELA’S POV Kinabukasan naghahanda ang lahat para sa isang party. Imbitado ang lahat at p’wera lang s’yempre sa ‘ming mga maids. Maraming pagghahanda at ito ang ika-bente singkong birthday ni Xiander. Excited ang lahat pero hindi ang mukha ni Pat na tila pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko alam anong nangyare sa kanila ng kanyang boyfriend matapos ang araw na ‘yon kahapon. Pero nang makauwi ako ay wala silang kibo sa isa’t-isa. “Angela at Patricia pinapatawag kayo ni master,” ani ng mayor doma. Nagkatinginan kami ni Pat at nagkibit balikat kaming pareho. Baka may ipag-uutos sya at kami ang gusto nyang utusan. Nang makarating sa silid nya ay napahinto kaming pareho ni Pat na mero’n na do’ng make up artist at mero’n nang nakahandang dress para sa ‘min. Isang kulay blue a