CHAPTER 18

2407 Words

ANGELA’S POV   Lumipas ang ilang araw at naging maayos naman ang lahat pero hindi si Xiander. Nagiging mainipin sya at bugnutin at kapag hindi naman nakikita si Patricia ay nagwawala na para bang bata. Si Pat naman ay iniintindi na lang din si Xiander kahit na punong-puno na sya dito. Hindi ko alam kung anong kakahinatnan ng misyon na ‘to, e. Ngayon ay nakalabas ako kasama ni Pat kasi magkikita sila ng boyfriend nya. Hindi ko alam pero mukhang may hindi ako magandang pakiramdam. Madalas sa pakiramdam ko ay tama.   “Babe, nasa’n kana?” tanong nito mula sa cellphone. “Sige, sige.” Binaba nya ang tawag at ako naman ay nanatiling tahimik lang.   “Angela.” Napalingon ako sa tumawag sa ‘kin at si Louie pala. Lumapit sya sa ‘min ni Pat.   “Ano ang ginagawa mo dito?” takang tanong ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD