CHAPTER 12

2527 Words
MY EYES AND FACE ARE warming up. Clever is all I need to help me get revenge, therefore I sincerely hope he can. I haven't gotten the justice I've longed for for my mother since it's been too long since she was with me. I'm getting stronger, and I'm making sure that I can now engage in war with him. Alam ko na hindi alam ni Delfin ang gagawin niya and starts to hide everywhere, I will kill him myself. "It's something bothering you?" Clever grabbed my attention. "You're about to cry, you okay?" Umiling ako sa kanya, "Iniisip ko lang kung ano ang mga plano mo," pagsisinungaling ko, hindi niya muna kailangang malaman ang ginagawa ko. "Liar. I know you very well." Natahimik ako at nag-iwas ng tingin. Bumaling ulit ako sa kanya nang tumayo siya at lumapit sa pwesto ko. "I feel you...I really do." I felt his arms around me. Doon na bumuhos ang luha ko. "It's been a long time since my mother passed away, masakit pa rin." "Keep stronger, Philip." "Thanks." Bumuntong-hininga ako. Ayaw niya ang pinangungunahan ko siya at ayaw na rin na kikilos kami na mag-isa. Alam naman din niya ang nangyari sa mommy ko, pero ayaw niya muna na gumawa ako ng sarili kong laban. Naiintindihan ko siya na nag-aalala siya sa kalalagyan ko. Pero hindi ako puwedeng tatanga-tanga na lang, I can make my own decisions. All I need is their support. "So, I texted you to come here because I want to let you know that we have a meeting about our upcoming engagement party, and I want you to invite all the organizations you know, as well as Sandoval, because I know he's very hungry to kill me. I'm not like the person who's too selfish. It's too bad if I won't grant his wish, right?" Clever stated with a smile, and I agreed. Knowing him, I could see he was eager to topple Sandoval. That day, Clever and I both experienced the tragic loss of our parents, and I'll be inviting the varmint Delfin as well. I'll see to it that it is his last day. Myla Sandoval came to my mind at that moment. I understand that she was unfairly killed, but she also included Clever's wrath toward her by spreading false rumors that she had insulted him kahit hindi naman niya 'yun ginawa kaya't hindi rin masisi si Clever. Mas lalo pang nadagdagan ang galit niya noong malaman niyang anak siya ni Sandoval. Inaamin ko na mayroon din akong ugali na katulad ni Clever, ang hindi marunong maawa. Dahil na rin siguro sa nangyari 8 years ago, hindi ko rin masisisi ang sarili ko kung bakit nagbago ako. "By the way, did you deliver the special gift for Hansel Miller?" He asked looking excited, I suddenly thought about it. "Yes, I can also see with both eyes his acceptance. I didn't see his reaction. I know it drove him crazy," he could only hear that his daughter was gone, like Sandoval. "I don't think he believes in the phrase that 'what you do to others will also come to you' since he learned something from what he did. But I'm still not satisfied. I want Miller and Sandoval to die because I feel bad for their family and want them to feel the same way I did when they killed my family," he said and you can see his seriousness, he put his two hands on his chin and held it, "they were not satisfied with my daddy, they involved with everyone, they had no conscience at that time and they even killed my siblings." "That bullshit deserved to be punished. That's all right, they don't know how it feels to lose a loved one," I replied. Because I feel like both my parents are gone, if my dad is far away, my mother is farther away. I can't go to her unless I commit suicide just to be with her. But not yet, as long as I don't get what I want, I won't stop. I sighed as well as he did, "But now, they already knew, they already understood the feeling." The complexity of this kind of issue in our world caused me to become overcome with resentment. Vengeance has also crossed my mind. I was such an idiot back then since I didn't even do anything for my mother. I'll never spare Delfin; I'll kill him, and I'll give my life to my mother's justice. It seems as though my head and mind will be at rest. Every night I was frightened and nightmarish and occasionally cried. "That's it, you can go now," I nodded at him and tapped his arm for a moment. "Sige, tumawag ka na lang kung may kailangan ka." Lumabas ako sa office niya, pagbaba ko sa hagdan ay nakita ko 'yung babae na Leexiya yata ang pangalan. Badtrip ang mukha at nakabuntot naman si Prince Claver sa kanya. "Sige na laro pa tayo!" Kitang-kita ko sa mukha nung Leexiya na naiinis na siya. Gusto kong matawa, ang sungit pala ng babaeng 'to, ni-isa wala siyang pinapansin o kinakausap na matino. She was probably just afraid; perhaps she believed we would hurt her. She is merely a stranger, and her presence has no bearing on our situation. Nevertheless, she doesn't deserve to die. Even if we haven't yet interacted, I somehow also observe her even though I used to adore her. We were not astonished by her choice of Clever as her fiancé because she is gorgeous. I have no idea what happened, but Clever is sensitive and has lost faith in women. He seemed to want his former lover back. Who are we to stand in his way? He still has a temper and gets upset with us right away whenever we bring up his ex-girlfriend. "Ayaw ko na nga! Hindi mo ba nagegets?! mas magaling ako sa 'yo!" Singhal nung Leexiya kay Claver. Natawa ako sa kanya dahil siya pa lang 'yung babaeng nagsusungit kay Prince Claver, binabalita niya kasi sa amin marami raw naghuhumaling sa kaguwapuhan niya kuno. Mukhang hindi magkakasundo ang dalawang 'to. I wondered why Clever allowed her to stay here in this house when he didn't want other ladies to enter, particularly in his bedroom. It's conceivable that he doesn't develop feelings for that woman, right? Danica is his. I don't like that girl, Danica, though. She is a liar. She flirted with two or three more guys while they were still together, and Nathan and I even pretended we weren't aware that she was having s*x. Clever didn't want to believe us, and he became upset. As a result, we didn't do anything. We're delighted they broke up; it doesn't seem like Danica is affected by their separation, and Clever's attempt to make her jealous is now futile because Danica doesn't appear to be aware either, she doesn't care after all. We can't discuss it with Clever since he's upset about it. He controls what happens. We didn't get along with that woman either because she didn't want me to get in the way of their relationship or because she was the one who showed signs of cheating she did in their relationship. In addition, she is a bullshitter, a hoarder, and a spoilt brat, and I don't appreciate that attitude. Even though she is so gorgeous, it is annoying to see her face every day. We don't want a lady who doesn't deserve Clever's love, so I hope Clever realizes the truth and learns more about the way he wants to return. LEEXIYA'S POV Isa pa talaga bibigwasin ko na sa mukha 'tong bwesit na 'to. Kanina pa, nakakapikon na. "Magkape tayo!" Aya niya, ayan siguro 'yung magandang ideya na pumasok sa kokote niya. Tumango ako at pumunta sa kusina, sakto naman ay nakita ko 'yung lalaking sungit, si Ivo. Ang gwapo naman niya kapag seryoso tapos naka-apron, tumingin siya sa gawi namin. "What?" Tanong niya. "Tara, Leexiya!" Aya naman nitong isa at nagpakulo siya sa heater. "Stop staring," biglang sabi ni Ivo sungit. Napaiwas ako ng tingin, sinusuri ko lang siya ang arte naman niya, "Am I too handsome? Baka matunaw ako." Dugtong niya pa. Napairap ako. Alam ko naman na guwapo ka, tsk! Bakit ba lahat ng guwapo ang susungit? Tulad ni Killer, psh. At saka, matutunaw? Ang kapal, anong akala niya sa sarili niya? Yelo? Eraseee! Hindi sila guwapo! Bakit ko ba sila kailangang ipag-compare? Pareho ko lang naman silang kinaiinisan. "Hindi kita tinititigan," dipensa ko. Tiningnan naman niya ako ng masama tapos nakita ko may hawak siya ng kutsilyo, nakadik-dik 'yon sa chopping board. Napakapit naman ako sa damit ni Clave. "Oh bakit? Hoy, Ivo! Tinatakot mo si Leexiya, eh!" Umirap lang si Ivo sungit at nag-focus na lang sa niluluto niya at parang walang nangyari. Matapos naming mag-kape ni Claver ay nagpaalam na ako sa kanyang magpapahinga na ako. Paakyat ako sa kuwarto para sana maligo muna pero bumungad sa akin ang demonyo. Sinuri ko ang suot niya. He is wearing a button-down long-sleeve dress at nakatupi ito hanggang siko niya. He also wears brown pants, naka-tuck in ang damit niya with his stunning belt. Bigla naman kuminang ang kaniyang mata na kulay asul at ang buhok niya ay mukhang naka-gel kasi nakataas, pero ang mukha niya ay napakaseryoso. Teka?? Bakit ang dami ko naman yatang beses na pinuri 'to? "Done checking me out? Tsk," biglang sabi niya na ikinagulat ko. "Huh? H-Hindi ah! Kapal mo!" "Dress up, we'll go somewhere," sabi nya at nilagpasan ako, hindi pinansin ang sinabi ko. Napataas ang kilay ko. Saan naman kami pupunta? Lalabas ba kami?! Ay, tanga! We'll go somewhere nga 'di ba? Napangiti ako at excited na pumunta sa kwarto. Gusto ko ng lumabas rito kahit mamasyal man lang sana. Sa wakas, makakalanghap ako ng sariwang hangin at makakatama ng liwanag, puro dilim na lang kasi rito. Nagmumukha na akong aswang. Kaysa sila-sila na lang ang naaamoy ko. Kumuha lang ako ng pantalon at white T-shirt. Naligo at nagbihis ako. Sinuklay ko naman ang buhok ko, wala akong nilalagay kahit ano sa mukha ko kaya nanatili itong makinis. Hindi ko ginagamit 'yung mga beauty products, natural kasi 'yung ganda ko. Hala, nahahawa na yata ako doon sa lalaking makulit na si Claver. Nagiging mahangin na yata ako. Dikit kasi nang dikit sa akin. Sinuot ko rin 'yung rubber shoes na puti na nandito sa ilalim ng kama ng demonyo, bahala na kung magalit siya wala kasi akong masuot na panlakad. Bumaba ako papuntang sala, walang katao-tao. Sumilip ako sa kusina baka sakaling nandoon sila, tanging isang malaking PUSA lang ang nandoon sa tapat ng ref habang kumakain ng chocolate cake. Takaw. "Hehehe hi! Gusto mo?" Alok ni Claver sa akin at kita ko 'yung chocolate sa bibig niya. Sa tingin niya ba bata siya? Ang duming kumain! "No thanks," sagot ko at iniwan siya doon. Pumunta ulit ako sa sala, kita ko namang lumabas 'yung si killer sa isang kwarto malapit sa hagdan sinenyasan niya akong sumama kaya mabilis akong tumakbo kasunod sa kanya. Naglakad kami sa isang masukal at medyo madilim na lugar, oh well ano pa nga ba ang parte ng labas na maliwanag? Teka? Maglalakad lang ba kami? Nakarating kami sa isang malinis na garahe, tiles pa ang floor. Bigla akong namangha nang makarating kami sa parking ng sasakyan nila, halos nasa pito o walo 'yung mga kotse na nakaparada dito at sobrang linis ng lugar. May mga designs din na panlalaki. Tapos may mga arts pa sa pader, dragons and tigers ang nakadrawing. Hala, ang ganda! Kinuha naman niyang kotse ay 'yung kotse niya na Mercedes Benz. Wow! Napatalon ako sa gulat nang bigla siyang bumusina ng malakas. Sinamaan ko siya ng tingin. "Kukupad-kupad. Tsk." Pwede naman kasi siyang tumawag, bakit kailangan niya pang mambusina? Masira sana 'yan, bwesit. Sumenyas siya na sumakay ako kaya sinunod ko siya. Sumakay ako sa backseat. Ayoko siyang makatabi, parang nasa impyerno ako kapag katabi ko siya. "Am I your driver?" tanong niya at tinaas ang kilay. "Oo, sino bang nagdadrive?" Pamimilosopo ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Don't answer me back. Sit here!" Napabuga ako sa hangin at napairap sa kawalan, bumaba ako at padabog na umupo sa passenger seat. Hindi ba siya nakakaramdam na ayaw ko siyang katabi? Sinuri kong mabuti ang dinaanan namin sa lugar na 'yon, mahirap siyang i-memorize, tapos may mga puno pa na pare-parehas lang. Napa-angat ako dahil may nakikita akong liwanag sa may harapan, pagkatapos ay lumabas kami sa gubat at lumitaw ang isang daan. Parang ganito rin 'yung sa amin. Ang kaibahan nga lang, mas nakakatakot dito, maraming halaman at mga kahoy sa side. Hindi ko gaano na memorize kung saan siya sumikot-sikot basta ang importante ngayon ay lalabas kami, saan kaya kami pupunta? Matanong nga. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Ulit, baka kasi hindi niya ako narinig kasi nagfo-focus siya sa pagdadrive. "Magshashopping ba tayo?" Tanong ko ulit pero wala akong nakuhang sagot, napanguso ako. Napipi na ba siya? Ano pa yung purpose ng bibig niya kung hindi nya gagamitin na pansagot? "Kakain ba tayo sa restaurant?" "..." "Uuwi na ba ako sa amin?" "..." "Pupunta ba tayo sa Green Park?" "..." "Maganda ba ako?" "..." Nakaramdam ako ng inis. "Pipi ka ba o bingi?!" Irita kong tanong sa kanya at nakita ko naman ang pagsinghap niya. "One more question, I'll let you down even if this car moves. I said I don't want noisy and naughty!" sambit nito na naiinis. "Hindi ako mangungulit kung sinasagot mo yung mga tanong ko!" Aba naiinis din ako! Ikaw ba naman ang hindi sagutin. Simpleng sagot lang kung saan kami pupunta ay hindi niya pa masagot. Mabaho siguro hininga niya, hindi naman ako judgemental, "Mabaho hininga mo 'no?" Kita kong nayukom niya ang kamao niya saka madiing tumingin sa akin. "One more question. I'm getting angry at you. If you don't shut up, I'll kiss you 'till I drive you crazy!" Nakaramdam ako bigla ng pag-nginig. Tumahimik ako baka mamaya totohanin niya yung sinabi niya, kinilabutan ako roon. Ayoko ring magpahalik sa kanya, yuck. Pinark niya ang kotse sa may dalawang puno, puno ba 'to ng apple? ang daming bunga, OMG. Gusto ko n'on! Mabilis akong bumaba at tiningnan ang dalawang puno, wala naman sigurong masama kung kukuha ako ng isa? Mukhang masarap, sobrang dami ng bunga. Hindi ba nila pinamimigay 'to? Sayang naman. Tumalon ako nang mataas at saka nakakuha ng dalawang mansanas. Kinuskos ko ang balat nito, akmang kakagatin ko na nang may biglang humablot doon at hinagis sa kung saan. "Stupid. That's not a fruit. It just looks like an apple but it's deadly." I almost ate that. Is there something like this? I do not know. Fortunately, this killer pulled me. "Kung nakakamatay pala edi sana putulin niyo na lang 'to! Baka may mga bata na kuhanin nila at kainin-" "They're not stupid like you, they know the difference between a fruit apple and that poison." I gritted my teeth. Kung isungalngal ko kaya 'tong poisonous apple sa kanya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD