CHAPTER 11

2654 Words
NAPAPIKIT AKO NG MARIIN dahil narinig ko na naman ang boses ni Claver. "Hoy! Leexiya! Bakit mo ako iniwan doon?! Kinakausap pa kita." Hindi ba siya nakakaintindi o nakakapansin na ayaw ko siyang kausap? Nakikita ko sa kanya 'yung demonyong 'yon. Ayos lang sana kung hindi sila magkamukha. "Uy, Leexiya!" pangangalabit niya sa akin. "Ano ba?! 'Wag mo nga akong kulitin!" Hindi rin yata sya nakakaramdam sa pagkairita ko, ngumiti lang siya ng malapad. "Tara laro tayo, naiinip ka ba?" "Ayoko," sagot ko at tumingin ulit sa maraming puno, namilog ang mata ko at umatras. Bigla akong napakapit kay Claver, para kasing may sumisilip, tapos pula 'yung mata. "Oh, Bakit? Sabi na eh hindi mo ako matitiis!" Natatawang biro niya ngunit hindi ko siya pinansin. Binitawan ko siya at nagpanggap na parang walang nangyari. "Asa ka, natakot lang ako." "Saan naman? May nakita ka bang multo?" Hindi ko na siya sinagot. "Ay! Sige na kasi, Leexiya! Laro na tayo! nakakainip dito eh," pangungulit nya at inalog-alog pa ako. "Ayoko nga sabi! Kulit mo!" "Ihhh sige na, sige na!" "Ano ba?! Nahihilo ako!" "Bakit ba ang sungit mo sa akin?" Nakanguso niyang tanong. Napairap ako sa ka-cornyhan niya. "Hays! hindi ako kagaya ni kuya na susungitan ka, halika na! ayaw naman makipaglaro sina Josh sa akin. Sige na, maganda ka naman eh," dugtong nya, at nakuha niya pa talaga akong bolahin? maganda naman talaga ako. "Aysus." Nag puppy eyes siya, "Please pretty? beautiful? Gorgeous?" Irita kong kinamot ang ulo ko, "Oo na, isang oras lang," pagpapayag ko kaya natuwa naman siya at pumalakpak na parang bata. Nauna na siyang naglakad kaya sinundan ko sya. Stressful. Dalawang oras na yata kaming naglalaro ni Claver. Hindi naman ako nainip dahil maingay yung kasama ko. Tch. "Joshua, make some juice, lemon flavor," dinig kong boses ni Killer sa labas. Napatigil ako saglit. Naisip ko 'yung balak ko kanina. Tumayo ako at nagtaka naman itong katabi ko, "Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos, lagi na lang akong talo, eh!" "Ayoko na, boring mo kalaro, loser." Iniwan ko siya doon na nakabusangot. Lumabas ako sa gaming room ni Claver at nakita ko naman si Killer na paakyat sa home office niya. Sinundan ko siya. Dumiretso siya sa isang table kung saan may mga papers na nakatambak. "What do you want?" Tanong inya na hindi ako binabalingan ng tingin. Lumapit ako sa kanya at naupo sa isang sofa na katabi ng table niya. Magpapakaplastik muna ako sa kanya, kailangan mapapayag ko siya. Ang tanong, papayag naman kaya? "Ahm, tanong ko lang sana..." "Hmm?" "Kung pwedeng bisitahin ko 'yung pamilya ko baka kasi hinahanap na nila ako," napakagat ako ng labi ko. I feel embarrassed. Nahimas ko ang batok ko. Tumingin siya saglit sa akin. "No," sagot niya at nakaramdam naman ako ng pagkadismaya. Sabi na eh hindi 'to papayag. Nakakainis. "Pero gusto ko na silang makita, please." Pakiusap ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin. Umupo siya sa swivel chair at nag-laptop. "Sige na, promise hindi kita tatakasan." Bigla niya akong sinamaan ng tingin. "Oh really? If I say no, it's a no. Now, leave and I want peace. I hate stubborn and talkative." Humarap ulit sa ginagawa niya. Ipinakita ko naman ang pagkainis ko sa kanya. "Karapatan kong makita 'yung pamilya ko. Ilang araw na akong hindi umuuwi roon!" Inis kong singhal sa kanya at nagulat ako ng ibinagsak niya ang kamay niya sa mesa. Napalayo ako ng kaunti sa kanya. "Can you reduce your stubbornness? It's been told that you can't!" He yelled, I follow his gaze. "Why not!?" "No more questions! Now leave, I might even hurt you for being naughty," I gasped and couldn't stop crying. I feel a mixture of annoyance and frustration now. "Gusto ko lang naman silang makita eh, kailan ba ako pwedeng umuwi?" tanong ko na may garalgal ang boses. Nakita kong nagbuntong-hininga siya at tumingin sa taas. Nilapitan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya at nakita ko naman na nagulat siya sa ginawa ko. "Sige na, hindi naman ako tatakas. Kung gusto mo ipasama mo pa 'yung mga kaibigan mo, please?" dugtong ko, napaatras ako nang agawin niya ang kamay niya. "Fine, I'll let you see your family after the engagement party, together with Nathan and Joshua," he said, and I felt glad. Papayagan niya ako! "kailan ba 'yung engagement?" Tanong ko. Bakit kasi may engagement pang nalalaman. "Tuesday," sagot niya, napatingin ako sa kalendaryo. Biyernes na ngayon, malapit na pala. Malapit ko nang makita sina mama. "Pinangungunahan na kita, umayos ka. 'Wag kang gagawa ng gulo, gusto ko makikita nila na tunay 'yung pagiging magnobya-nobyo natin, I'll punish you if you do something that I don't like, understand?" sambit niya kaya tumango ako. "H-Hindi naman ako ganun, madali lang akong kausap." Basta hindi ikaw ang kausap. "Now leave, I have something to do." utos nito kaya sinundan ko naman. At least pinayagan niya ako. "Hoy, Leexiya! Anong ginawa niyo ni kuya? Nag-ano kayo 'no?" Bungad ni Claver sa akin sa hallway at literal na nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya. "Bastos! Bakit namin gagawin 'yon!?" Irita kong sagot sa kanya. Narinig ko naman nagtawanan ang mga kasama niya na nasa baba at mukhang dinig na dinig ang sigaw ko, bwesit! pare-pareho kayong mga baliw. "Hoy, ikaw ang bastos ang isip! Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin! Pero ang tagal niyo sa kwarto." "N-Nag-usap lang kami." sagot ko sa kanya at nag-iwas ng tingin. Mapang-asar niya akong tiningnan. Minadali ko ang pagpunta ko sa terrace at baka mag-iba pa ang usapan. Hindi ako nakakaramdam ng takot ngayon kaya okay na mag-stay na muna ako rito kahit madilim. "Badtrip ah, napikon ka ba ni kuya Claver?" Dinig kong boses sa aking likod. Hinarap ko siya at napakunot ang noo ko nung nakita ko kung sino. Siya si Josh, ang nanakit sa akin noon at hindi ko 'yon makakalimutan. "I'm Joshua Caleb, kahit anong pangalan itawag mo okay lang." Nilahad naman niya ang kamay niya, pero hindi ko siya pinansin, tumitig lang ako sa kamay niya. Mukhang nakaramdam naman siya at napapahiyang binaba ang kamay nya, umubo siya. "Parang makikipag-shake hands lang, e." Inirapan ko siya. "Ang sungit mo, galit ka ba sa akin?" tinaasan ko siya ng kilay, hindi ha obvious? "Oo," sagot ko kaya nagtaka naman siya. "Oh, inano kita?" "Inano mo ako? Bakit hindi mo kaya balikan 'yung mga pinaggagagawa mo sa akin no'ng bago palang ako rito. Sobrang sakit ng p********l at paninikmura mo sa akin," paalala ko sa ginawa niya. Napaisip naman siya at mukhang narealize niya ang ginawa niya sa akin. Napakamot naman siya ng ulo at ngumuso. "Ang likot mo kasi, sorry. Medyo wala ako sa sarili ko n'on kaya kita nasaktan," sabi nya at ngumiti. Inirapan ko ulit sya, akala nya madadaan ako sa sorry niya. "Sorry na, uy!" I sighed heavily. Lahat ng tao rito kinamumuihan ko. "At hindi lang ako galit sa 'yo, lahat kayo, tsk!" "Ah? Ganun ba? Naiintindihan ko pero 'wag ka nant magalit sa akin, gusto kitang maging kaibigan," sabi niya at saka ulit ngumiti. "Sorryyy na poo!" Masasabi ko namang guwapo siya at cute, maputi at halos kalevel lang ng pagmumukha niya sa magkambal. "Bakit naman? Bakit mo ako gustong maging kaibigan?" Besides, babae ako, hindi ba sila naiilang kung may kaibigan silang babae? "Wala lang, alam ko na magtatagal ka rito sa bahay kaya kailangan close tayo," sagot niya. Tumango ako dahil wala naman akong ibang sasabihin, ayoko ng mahabang usapan. "Mahirap yata 'yang gusto mo, ayokong makipag-kaibigan sa mga tulad niyo," diretsang sambit ko. He just parted his lips. "As what I've said, naiintindihan kita kung bakit ka ganiyan. Basta, bati na tayo ah, kapag may kailangan ka tawagin mo ako," huling sabi niya at iniwan ako rito mag-isa. As if namang magkukusa akong tawagin sila, kahit pangalan nga nila ayaw kong banggitin. May naisip naman akong plano. Gusto ko makuha ko lahat yung loob nila kahit 'yung demonyo. Kating-kati na akong ipakulong sila. Sayang lang at wala akong cellphone. Speaking of cellphone, paano kung magpabili kaya ako? Ibibili niya kaya ako? Tutal mayaman naman siya. Okaya 'wag na, baka isipin nya tatawag lang ako ng tulong. O baka isipin nya ay pineperahan ko siya. ++++++++++++++++++++++++++++++++ PHILIP'S POV "WHERE are you going?" My friend Ivo asked. "Kay Clever, pinapapunta niya ako saglit sa office," sagot ko kaya tumango naman siya at dumiretso sa kusina para magluto. Umakyat na ako sa hagdan papunta sa tapat ng office ni Clever. Kumatok ako at ilang segundo ay walang sumasagot. I was about to enter in his office nang biglang bumukas ang pinto. Kumaway ako sa kanya, pero pinukulan niya ako ng malamig na tingin. As usual. I miss the old Clever. "Come in." Iniwasiwas niya ang kanyang daliri para papasukin ako. Nakita ko naman na napakaraming tambak na papeles sa lamesa niya. "I thought you didn't saw my text." "Ngi, kakatext mo lang, excited ka talagang makita ako 'no?" nginisian ko siya, tinaas naman niya ang gitna niyang daliri. I just give him small laugh and shook my head. "Para saan 'to?" Pansin ko sa mga papeles na nakatambak sa harap nya. I saw some info about people who weren't familiar with me and the others were about business. Because it's separate papers. Clever is still good at arranging things. "All about my business partners, and the information of the useless people," he replied. "Ang dami naman yata? Nakakaya mo ba 'to mag-isa?" Sa nakikita ko, nitong mga nakaraang araw ay mukhang na-i-stress siya. Triple ba naman ang panghawakan mo? Kahit ako nga, wala akong sariling kumpanya pero hirap na hirap na ako sa trabaho ko. "I would like you to train my brother because he doesn't know how to handle the company yet. I still can't give Clave the VC. Most people know my company, and many already want to bring it down," he explained. We are completely baffled as to why he differs from his twin. Because he resided overseas, Prince Claver, as we all know, had no experience in fighting. Hindi siya gaanong nagkukwento sa nakaraan niya pero alam namin na pinatay ang buong pamilya niya. Kilala ko 'yung iba niyang kalaban, na kalaban din namin. May iba naman na patago lang kung gumalaw kaya medyo hindi sila pamilyar sa akin. "Kailan magsisimula? Pwede ka naman naming tulungan, may tiwala ka sa amin 'di ba?" Tanong ko at naupo muna sa side nya, he nodded. "Yeah, sobrang laki ng tiwala ko sa inyo. I don't want you to get involved in my fight," he said, I frowned. "But Clever, we've been helping you for a long time even in the battle, even though we're just sub-CEOs, it's fine with us," I told. "Fine, I'll let you help me, but I want you to grind my brother first, he needs to learn how to handle a company, just in case something bad happens to me." "Tsk! it will never happen! You're so strong. We're here." He just smirked. "My haters are increasing, tch. Too many insecurities," he said and shook his head. "Anong plano mo?" "I have a lot of things in mind, but I can't tell you right now. Just fix your tasks, and keep safe at all times. It's not a joke what's happening to us; we need to give a lot of time," I nodded. He was unaware that I was a spy for a rival, and the aim of my spying was to keep tabs on all of his movements and plans so that I could gather information about him and use it against him. Lalo na ang kahinaan niya ang ilalaban ko sa kanya. Kanang kamay siya ni Velasquez, ang namumuno sa Underground of Knights. Bali-balita, dati tau-tauhan lang si Delfin doon, masyado niya yatang napaikot ang King nila. Hindi dahil sa gusto ko 'yung position niya, kitang-kita ko sa dalawa kong mata kung paano niya g*hasahin ang nanay ko at patayin sa harap ko. Naiyukom ko ang kamao ko nang maisip ang nakaraan kong 'yon. I was 19 years old that time. "Mom! I'm here," tinitigan ko ang bulaklak na hawak ko ngayon para ibigay kay mommy. Gusto ko rin siyang makitang ngumiti. Alam kong miss na miss niya na rin si daddy, 3 years na kasing hindi nakakauwi. Nasa Korea kasi siya, inaasikaso niya ang kumpanya namin. May isang buwan na rin nung huli na naming kontakin si dad. Napatigil ako sa pag-iisip nang may marinig akong ingay at mga kabalog galing sa taas. Mabilis kong binitawan ang mga gamit ko at tumakbo papuntang taas. Kami lang dalawa ni mom, baka kung napaano siya. "Bitawan mo ako! Tama na!" Mas lalo akong kinabahan nang marinig ko ang sigaw ni mommy, napasuntok ako sa pinto dahil nakalock ang doorknob. "Mom! Mommy! Anong nangyayari!?" "A-Anakk! Tulungan mo ako! ahhhhh! aray! tama na, Arthur!!" Hindi ko napigilan ang luha ko dahil sa mga sigaw ni mama. Mabilis akong tumakbo sa isang kabinet para kunin ang Spare key. Bumalik ako ng mabilis sa tapat ng pinto at binuksan 'yon, halos gusto kong saksakin ang taong nakapatong ngayon sa kanya. "Ma!!!" Hinablot ko sa batok ang lalaking nakapatong sa kanya at hinagis sa kung saan. Kitang-kita ko si mommy at sobra akong naawa sa itsura niya. Nakatali ang mga kamay niya habang wala siyang saplot, duguan din ang iba niyang parte sa katawan. Naramdaman ko namang nahagis ako dahil sa pagkakasuntok ng lalaki sa akin. Nakangisi siya, para bang nasisiyahan siya sa nakikita niya. "Pakialamero ka! Ito ba 'yung anak mo kay Benjie? Huh! Ang bata na inakala kong akin! Hindi mangyayari sa 'yo 'yan kung ako ang pinili mo. Niloko niyo akong pareho ni Benjie. Dapat sa 'yo hindi na binubuhay!" Bigla naman niyang hinablot ang baril niya, kahit nahihirapan ako ay sinugod ko siya. "Anak!! Please Arthur 'wag mong gawin 'to. May anak ka na, bakit hindi ka pa tumigil sa ginagawa mo?!" "Tumahimik ka! At ikaw...'wag kang makikialam!" Pabato na naman niya akong hinagis, naramdaman kong tumama ang ulo ko sa edge ng mesa na nagpaikot ng paningin ko. "Ikaw ang babaeng pinangarap ko, ikaw din ang babaeng sumira sa buhay ko! Mag-sama kayo ng asawa ko sa impyerno! Pareho kayong malandi at manloloko!" "Mommy!!" walang awa niyang pinagbabaril sa ulo at dibdib ang mommy ko. Napagapang ako at hindi ko napigilan ang pag-iyak ko dahil sa ginawa niya. "Mom! Mommy!" Niyakap ko siya kahit puno siya ng dugo. Halos malagutan na ako ng paghinga sa pag-iyak ko. Ang tanging babae na pinakamahalaga sa buhay ko, ang babaeng nag-alaga sa akin sa buong buhay ko, n-ngayon, mawawala na siya sa akin. "Maaaaaa!!!" Inalog ko siya baka sakaling magmumulat pa ang mga mata niya, kahit na alam kong wala na siyang pag-asang mabuhay. Galit kong nilingon ang lalaking pumatay sa mommy ko, nakangisi siya sa akin. Marahas kong hinablot ang isang basag na salamin at tumakbo papuntang gawi niya. "Hayop ka!! Papatayin kita! G*go ka!" Nakaramdam ako ng sobrang pagkadismaya nang tumalon siya sa bintana. Napatingin ako ulit kay mommy at mabilis na pinuntahan, hinalik-halikan ko ang mukha nya kahit hindi ko na siya mamukhaan dahil sa dugong dumadaloy sa mukha niya. "Mommy ko! No, please, wake-up mommy! Hindi ko kayang mawala ka sa akin, mommy! Please, wake-up, mommy. Mommy ko!" Hndi ko kaya, hindi ko kayang mawala siya sa akin, siya na lang ang natitira ko na kasama ngayon. "Mama, bakit ikaw pa?? Bakit ikaw pa ma? Please, 'wag mo akong iiwan mommy, hindi ko kaya." Idinikit ko ang ulo niya sa mukha ko, nanginginig ako, naghalong sobrang galit at sobrang sakit. Arthur. Kung sino ka man, pinapangako ko, ako ang papatay sa 'yo. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa nanay ko, sisiguraduhin kong ako mismo ang kukuha sa buhay mo. Maghintay ka lang, hahanapin kita, ipapalasap ko sa 'yo ang paghihirap na ginawa mo sa nanay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD