Chapter 6
"Last but not the least, Janine Alyana Reaitanya Eion Leigh "
Parang wala lamang akong pakialam sa mundo na tumayo mula sa aking pagkakaupo at nagsimula ng maglakad papunta sa harapan. Hindi rin alintana ang bawat sigaw ni Joy sa pangalan ko. There’s part of me being thankful, because of her jolliness there were no boring day when I’m with her.
" Go Tanya! Go! Go! Go!" Sigaw ni joy na parang cheerleader na kakasigaw, she even keeps on jumping and doing some weird pose that Ziah could not even help but make face and the annoyance were all written all over her face.
Paniguradong nakakaramdam na rin ito ng hiya sa loob loob nito dahil sa mga akto na ipinapakita ni Joy. She will definitely have a word with joy later on, pero gaya ng dati lahat ng sermon sa kaniya ni Ziah ay pasok mula sa kanang tenga at deretsong labas sa kaniyang kaliwang tenga.
As I enter the stage, the host instructed me the things I needed to do. There’s a wall infront of me that I need to break. At bawat estudyanteng nagpe perform ng test ay bagong barrier. The barrier is so thick, that the students can’t even broke it but some were lucky to scratch it.
Parang itong napakatibay na marmol na kinakailangan mo talagang ibuhos ang buong kapangyarihan mo para lamang mabitak ito. I glance at Lean who is giving me a wide smile and I just can’t help myself but to give her a poker face as if saying that I am totally having a hard time right now.
With this barrier infront of me, I tend to give my all just to break it because Joy is expecting a lot from me and I do also feel that she is also expecting me to do something incredible today. Di ko na lamang tuloy maiwasang mapabuntong hininga. Should I give them what they were expecting?
“What will you do when there’s a barrier infront of you?” istriktong tanong ng boses ng isang babae pero makikita mo parin ang pagiging anghel nito dahil sa kaniyang mukha.
“Break it” walang pag-aalinlangan kong sagot.
“What if its impenetratable, what will you do?”
“Break it”
“What if the barrier looks so tough and hard to break?”
“Give your all and break it,” seryosong sagot ko dito at kita ko kung paano tumaas ang dalawang sulok ng kaniyang labi dahil sa mga sagot ko.
I don’t know why am I remembering those things, the time I spend with her when I was a kind, the time she helped me in my training, and the time she helped me to act like a perfect human with feelings. Is seeing this tihick barrier made me like this? Then should I just break it?
I heard the signal telling me to start, and I just stand right here while all of my focus were on the barrier infront of me. Ilang segundo ko itong tinitigan at rinig ko ang bawat bulong ng mga estudyante na naguguluhan sa ginagawa ko. Saka ko dahan-dahang itinaas ang kamay ko.
Isang pitik lamang ng aking mga daliri at ang barrier ay parang bombang sumabog sa harapan nila, nawasak na para bang isa lang itong simpleng basong nakatayo sa harapan nila. I turned my gaze on Lean and she’s now standing with a wide smile.
Natahimik ang lahat at kita ang gulat sa bawat estudyante. Kinuha ko ang pagkakataon kong iyon para dahan-dahang umalis at mukhang doon lamang sila tinauhan. Pero nasa may bungad na ako, papalabas ng arena at hindi ko na gaanong naintindihan kung ano mang mga kaek-ekan ang sinabi ng host tungkol sa ginawa ko.
I think that’s enough for me. I made Lean smile again like before and it enough for me. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at patuloy na nagpe-play sa utak ko ang mga ngiti sa labi niya gaya ng mga ngiting ginagawad niya sa akin tuwing may mga naa-achieve ako.
Hanggang sa aking paglalakad ay hindi ko namalayan kung nasaan ako. Various beautiful kinds of flowers is everywhere as I roam my gaze, at ang mga puno rin na kung saan may mga palamuting nakapalibot dito ay talagang nagbibigay ng ganda kaya hindi ko maiwasang mapahanga.
I close my eyes and take a deep breath and suddenly, I feel like in peace. A peace that I will never experience here in my life.
"Students like you are not allowed here. What are you doing here?" Agad akong napatingin sa lalaking nakatayo. He has a red eyes, dark red hair and a messy hair. All in all he looks like a god. Pero nakaramdam ako ng awtoridad at parang hindi ko maipaliwanag na awra na nagmumula sa kaniya kaya hindi ko maiwasang mapaatras dahil dito.
“Hindi rin naman siguro sa iyo ang lugar na ito hindi ba?” hindi ko maiwasang sumagot pabalik ng pabalang sa kaniya dahil rinig ko ang pagiging arogante nito sa paraan ng kaniyang pagsasalita.
Hindi na ito sumagot at tahimik na naglakad papunta sa isang puno at bigla na lamang itong tumalon ng mataas papunta sa isang sanga nito at doon ay umupo matapos ay nahiga. Kita kung paano ako nito muling binalingan ng tingin ng walang ekspresiyon sa mukha matapos ay ipinikit ang mga mata.
Hindi ko alam pero dahan dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya at tinitigan ko lamang kung paano akayin ng hangin ang bawat hibla ng kaniyang buhok.
“Staring is rude, and I am trying to sleep here, you better leave,” malamig na sabi nito sa akin pero nanatili akong walang tugon sa kaniya.
Hanggang sa ang katahimikan ang naghari sa buong paligid at wala sa sariling napaupo na lamang ako habang ang buong atensiyon ko ay nasa kaniya. I feel nostalgic as I look at him, isama pa ang atmosphere na kanina ko pa nararamdaman ng mapunta ako rito. Yung aura na meron siya at idagdag pa ang nararamdaman kong atmosphere sa paligid, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko at nakatingin lang ako sa kaniya habang natutulog siya.
Ano tong nararamdaman ko? Inggit ba? Naiingit ba ako sa kaniya dahil kaya niyang matulog dito sa isang open na lugar na parang walang pangamba sa paligid nito habang ako ay hindi ko kaya sapagkat ang turo sa akin ay maging alerto sa lahat ng oras? Pakiramdam ko ay isa akong puppet at alam ko ng kontrolado ako pero wala akong lakas at hindi ko rin gustong umalis mula sa pagkakakontrol sa akin.
Kita ko kung paano nito dahan-dahang minulat ang kaniyang mata at ang dahan-dahang pagkunot ng kaniyang noo at halata ang pagka irita niya siguro ay dahil sa kanina ko pang paninitig sa kaniya.
Binigyan ako nito ng isang masamang tingin bago muling tumalon mula sa puno at iritang naglakad na sa tingin ko ay muling hahanap ng ibang lugar na pwede niyang pagtulugan. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kung ano sa loob ko, pakiramdam ko ay sinisira ko ang kapayapaang nararamdam nito sa ngayon.
“Don’t leave!” mabilis na sabi ko ng akmang lalagpasan na ako nito.
“Excuse me?” sabi nito at ang tingin nito ay parnag sinusuri ako.
Dahil sa tangkad na meron nito ay parang nanliliit ako sa sarili nito idagdag pa ang aura nito na habang tumatagal ay mas palakas ng palakas dahil sa dahan dahan nitong paglapit sa akin.
“Sorry for interrupting your sleep, I think I should be the one to leave,” direktang sabi ko dito.
“Oh, really?” bakas ang pagkasarkastiko nito kaya hindi ko maiwasang mapaatras ng muli itong naglakad palapit sa akin hanggang sa nagulat na lamang ako ng hawakan nito ang pulsuhan ko.
“What do you think you’re doing?” tanong ko sa kaniya at naniningkit na ang aking mga mata.
“Just wondering how someone like you break that wall, to my eyes, you look so weak,” prangkang sabi nito matapos ay binitawan ang aking pulsuhan at tumayo ng maayos at muli akong tinitigan.
Bago pa ako nakasagot ay muli ko na namang narinig ang matinis na boses na tumatawag sa pangalan ko.
“Tanya!”
Sabay naming nilingon ang pinanggalingan ng boses nito, at nakita namin si Joy na tumatakbo palapit sa amin at kasunod naman nito si Ziah. Ngunit mukhang ng mapansin nilang hindi lamang ako nagi-isa dito ay sabay silang napatigil at pareho pang nanlaki ang mga mata.
“What are you doing here?” biglang tanong ni Joy at hindi ko maiwasang tapunan sila ng isang nagtatanong na tingin dahil sa reaksiyon nilang hindi ko inaasahan. Hindi ko nga rin alam kung para sa akin baa ng tanong na iyan o sa lalaking kasama ko.
Nang lingunin ko ang lalaking kasama ko ay deretso lamang ang tingin nito sa akin at wala pa ring mababakasang emosyon na para bang wala itong pakialam sa dagdag na mga taong dumating dito.
“Why ask her how come she’s here?” rinig kong sagot ng lalaking katabi ko ngayon at muling nabaling ang tingin nina Joy sa akin.
“I think we should go Tanya, hindi kailangan ka pa naming itour ngayon gaya ng usapan kanina,” sabi ni Ziah, “Paumanhin sa abala Miguel”
Akmang lalapit n asana si Ziah sa akin ng muli kong naramdaman ang hawak mula sa aking pulsuhan at ng lingunin ko ang humawak nun ay binigyan niya lamang ako ng isang malamig na tingin at muling ibinaling ang paningin sa kanila Ziah.
“I’ll go tour her around the academy, she’s my responsibility today” sabi nito at kita ko ang pagkagulat mula sa kanilang dalawa hanggang sa hinila na ako ng lalaking ito palayo sa kanila.
“Be a good girl and come with me” bulong nito sa akin bago kami tuluyang makaalis sa kinaroroonan namin kanina at para na lamang akong isang manikang naglalakad na nagpatangay sa kaniya sa kung saan mang lupalop niya ako balak dalhin.