Chapter 2
Nang makalapag na ang eroplano ay mayroong dalawang airport assistant na tumulong para sa aking mga bagahe. I walked out the terminal and went to the arrival area. Then I saw a woman raising a board with my name written on it. That’s Katya. Lumakad ako palapit sa kanya at napansin n'ya ako agad.
"Ms. Mercado. I am Katya, at your service." Yumukod pa ito upang magbigay galang.
Matagal ko ng kilala ang babae, ngunit nagpakilala pa rin ito.
I just smiled at Katya. Sumunod ako sa kanya nang maglakad siya papunta sa isang black limousine. I can see my reflection from there.
I'm wearing a casual red bodycon and a white stiletto with a narrow four inch heel. My hair was in a bun just above my neck. I'm also wearing red lipstick to match my dress.
Binuksan ni Katya ang pinto ng limousine at agad naman akong pumasok. I saw some wine and fruits.
Nang mailagay na lahat ni Katya ang aking bagahe ay pumasok na rin ito sa loob ng sasakyan at agad nagsalin ng wine.
Tinanggap ko ito ng iabot n'ya sa akin.
"Thank you," I replied to her and sipped a little.
"Are we going straight to the mansion or to his office?"
"Sa mansion po tayo di-deretso, ma'am. 'Yun po ang bilin ni sir, upang makapagpahinga raw kayo." I just nodded.
Then Katya's phone rang.
"Sir? Yes, she's with me now. Okay, sir." Inabot nito sa akin ang telepono.
"Bakit hindi ikaw ang sumundo sa'kin? Parang gusto ko ng magtampo," aking paninimula.
"Hey, baby! I'm so sorry I was stuck at the meeting, but I'm on my way home now. Can't wait to see you there. I miss you very much!"
I can hear some longing in his voice.
"Why are you being so sweet?"
Dinig ko pa ang pagtawa ng aking kausap sa kabilang linya.
"I'm sorry. I can't help it."
"See you in a bit." I sipped my wine to finish it.
"I love you, Bella," he said.
I just smiled. This guy loves me so much! He never failed to show that.
"I know." Then I hung up. I definitely loved him too, but I'm not ready to say it to him. I don't know if I am capable of loving someone because of the trauma I experienced in the hands of my own relatives.
Ibinaba ko ang wine glass na wala ng laman.
"You want more, ma'am?" Katya asked me.
"I'm good. Thank you," I said.
Ibinaling ko ang aking ulo sa bintana at pinagmasdan ang labas. Sakto naman na huminto ang limousine. I saw a convoy. I didn't see that a few moments ago. Pumalig pa ako ng tingin at nakita ang billboard ng aking Tiyahin at pinsang babae.
'SANDRA AND CELINE' -Mercado’s Group of Company-
I smiled with sarcasm.
"Katya, that billboard. Gusto kong maalis 'yan ngayon mismo. Do you understand? Nakakapangit ng view sa lugar na 'to ang pagmumukha ng dalawang 'yan."
Gumawi si Karla upang tignan ang tinutukoy ko.
"Yes, ma'am. Ngayon po mismo." Agad itong nagtipa sa telepono upang asikasuhin ang aking iniutos.
Muli kong ibinalik ang tingin sa labas. Naka kita ako ng mga batang namamalimos.
I took a deep breath and my heart got heavy.
Nakita ko ang aking sarili sa mga ito. Hindi ko maiwasan na maalala ang mga nangyari...
Marahan akong naglakad patungo sa kusina upang maghanap ng makakain. Gutom na gutom na ako. Ilang araw na isang beses lamang ako pinakain ni Tita Sandra.
Hindi ko na binuksan ang mga ilaw at nagtiis sa dilim upang hindi na ako mapansin ng mga ito. It was midnight.
I was about to open the fridge when suddenly the lights turned on.
"At talagang magnanakaw ka ng pagkain, huh?!" Mabilis akong nilapitan ni Celine at hinila palayo sa fridge.
"Celine, sobrang nagugutom na ako. Baka pwede naman akong kumain kahit konti lang," pagmamakaawa ko sa kanya.
"Pwede naman. Wait lang," aniya.
Napangiti ako sa sinabi niya.
Nakita ko rin ang paglakad niya sa isang cabinet at kumuha ng de lata at nang makakuha ay bumalik ito sa aking pwesto.
"Here. 'Yan ang kainin mo." Celine smiled evilly.
Tinanggap ko ang binigay niyang de lata at binasa ang nakasulat. It's a cat food.
"C-celine para ito sa pusa. Kukuha na lang ako ng bago." Akma sana akong lalakad nang hilain nya ako pabalik.
"Nagugutom ka, hindi ba? Then eat that! Para ka namang pusa na magnanakaw ng pagkain na hindi naman kanya!" Binuksan ni Celine ang lata, it's an easy-open can.
"Eat!"
"C-celine please naman. Hindi na lang ako kakain kung hindi pwede." Naluluha na ako!
"Ikaw na nga ang binibigyan, ayaw mo pa?"
Dinakma ni Celine ang pagkain gamit ang kamay at hinilamos sa aking bibig.
Inilipag nito ang lata sa counter. Ang isang kamay ay nakasabunot sa aking buhok at ang isa ay pilit pinapakain ang cat food sa akin.
Nakatikom lang ang bibig ko at walang tigil ang pag-iyak. Ayaw ko naman ibuka ang aking bibig dahil makakain ko ang cat food. Wala akong magawa, hindi ako makalaban!
"hmmp!"
"Ano? Ibuka mo ang bibig mo! Ang kapal ng mukha mo, huh! Ako pa ang nagpapakain sa'yo. Huwag mong sayangin ang pagkain. Kainin mo 'to!"
Nananakit na ang aking labi dahil pilit niyang pinapakain sa akin.
When suddenly my Cousin Carlo came.
"What the f*ck, Celine?!"
Halos patakbo siyang lumapit sa amin at pabalyang inilayo ang kapatid mula sa akin.
"Ano ang ginagawa mo kay, Bella?!"
Hinarap ako ng pinsang lalaki at pinunasan ang aking bibig gamit ang ilalim ng damit nito. Punong- puno ng luha ang aking mukha at sabog-sabog din ang buhok.
"What?! I'm feeding her! Ako pa ang masama? Pinapakain ko na nga siya!" At tumawa pa si Celine na akala mo ay demonyo. Nabaling ang tingin ni Carlo sa lata. Kinuha niya ito at binasa.
"This is a f*cking cat food!" Agad na winasiwas ang lata paharap sa kapatid kaya nagtapunan ang laman nito sa katawan at mukha ni Celine.
Nagulat pa ako sa ginawa ni Carlo.
"What the hell Carlo! Ano ba?!"
"Yeah! You f*cking deserve that! Walang ginagawang masama sayo si Bella. Leave her alone! Kapag nakita ko pa na sinaktan mo siya, baka makalimutan kong kapatid kita!"
"Tss. Alam mo, kung hindi mo lang siya pinsan? Iisipin ko na may gusto ka sa kanya! O baka naman pati ikaw ay nilalandi niya kahit alam niyang magpinsan kayo!"
Aabutin pa sana ako ni Celine upang saktan ngunit mabilis na humarang si Carlo.
"Watch your mouth and you should leave! Umakyat ka na sa taas at baka hindi ako makapag pigil at masaktan kita!"
Nagdadabog si Celine na naglakad palabas ng kusina.
Nang maiwan kami sa kusina ay agad akong hinarap ni Carlo.
"Are you okay?" Marahan niyang pinunasan ang aking mga luha gamit ang mga kamay nya dahil wala pa rin tigil ang aking pag-iyak.
"Gusto k--ko lang sana k-kumain. Nagugutom na kasi ako," humihikbi ko pang sagot.
Inalalayan nya ako sa upuan at pinaupo. Binigyan din ako ng table napkin upang ma punasan ang aking mukha. Kumuha siya ng tinapay sa fridge, nilagyan ng butter at sugar at saka nilagay sa oven. Nagsalin din ito ng gatas sa baso.
Pinagmamasdan ko lang siya. Bakit ang layo ng ugali nito kay Celine at Sandra? Napaka bait nito sa akin.
"Here." Inilapag niya ang pagkain sa aking tapat. Walong piraso ng tinapay at isang baso ng gatas.
Tinitigan ko si Carlo. Hindi rin sila magkamukha ng kapatid na si Celine.
"Alam ko gwapo ako kaya huwag mo na akong titigan." Hinaplos pa nitong muli ang aking pisngi.
I smiled.
"Bella, patawad sa lahat ng nararanasan mo ngayon, you don't deserve this. Napakabuti mong tao para mangyari sa'yo ito. Gagawa ako ng paraan. Ilalayo kita sa kanilang lahat. Pangako 'yan." He smiled at me, ngunit bakas ang lungkot sa kanyang mga mata at tinig.
I just nodded and smiled back. Panghahawakan ko ang kanyang pangako, hihintayin ko ang araw na 'yon Carlo.
"Kumain ka na. Babantayan kita, dito lang ako sa tabi mo."
At kinain ko ang pagkain na kanyang ginawa. Napakabilis ng aking bawat subo. Gutom na gutom ako! And every bite I made, I can also taste my own tears flow down my face.
"Ma'am, are you okay?" Mabilis kumuha si Katya ng bottled water at isinalin sa basong naroon at iniabot sa akin.
Hindi ako makahinga sa alaalang bumalik. Hanggang ngayon ay binabangungot pa rin ako ng nakaraan.
Ininom ko ang tubig na inabot ni Katya. Habang hawak ang aking dibdib ng isa kong kamay. I felt the pain inside of it!
'CARLO' ang sigaw ng aking puso't isipan!