1- LONG TIME NO SEE
Chapter 1
"Ms. Mercado, here's your wine bottle."
I took my eyes away from my laptop and turned to her.
The stewardess also brought some fruits and steak. She put it on the mini table beside me.
I smiled. "Thank you."
Pinagsalin pa niya ako ng wine sa dala ring wine glass. I took it by the tail, spun it slowly and savored the aroma.
'Hmmm, smells fancy' then I took a sip.
"Is this Domaine de la Romanée-conti?"
"Yes, ma'am," she replied.
I just shrugged.
"Anything else that you need, ma'am?"
"I'm good. Thank you," I replied.
Nang makaalis ang stewardess ay muli kong tinikman ang wine at ibinalik ang atensyon sa aking binabasang article sa laptop.
'Mercado's enterprise is already bankrupt. After the death of Julio Mercado. The company wasn't managed well which caused it’s bankruptcy. Some of their assets were sold way below their market value. His wife Sandra Mercado, his Son Carlo and Daughter Cindy have not released any statement yet. Bella Mercado, Julio’s niece who resides in the U.S, never fought for her right over the company. She remains silent over the issues. Even if she is the legal heir.'
-Utv incorp-
Yeah! I am BELLA MERCADO, the rightful Heir of all the Mercado's assets and businesses.
I took another sip of wine with an enigmatic smile.
'’She remains silent," I repeatedly read that part as I smirks.
"I did not! I was the one who did it! I was the one who caused that bankruptcy and this is just the beginning of my revenge. You will taste your own medicine! Mas masahol pa ang ipaparamdam ko sa inyo! Hinding-hindi ko malilimutan ang mga kahayupang nagawa niyo sa'kin!"
I am standing in my parent’s mausoleum. I don't know what to do.
"B-bakit niyo naman ako iniwan Mommy, Daddy? Hindi ko po kaya na wala kayo! Please, bumalik na po kayo! Paano na ako? Natatakot ako mommy! Dapat sinama niyo na lang ako!"
I broke down. Napaupo na lamang ako sa sahig at batid kong puno na rin ng luha ang aking mukha.
My parents have the foundation to help slum communities in North Mindanao. That time they went there personally to give some food and clothing but the terrorists kidnapped and got them killed.
"Bella, tama na!"
From my back ay patakbong lumapit sa akin ang kapatid ni daddy.
"Tito Julio!" Agad ko s'yang niyakap.
Napansin ko na lumuhod ito upang ako ay maabot.
"Wala na si Mommy at Daddy. Mag-isa na lang ako! Bakit hindi pa nila ako isinama. Nangako sila na magkakasama kami habang buhay! Nagsinungaling sila sa’kin. Iniwan nila ako, tito!"
"Shh. I'm here sweetheart. Hinding hindi kita pababayaan." Naramdaman ko na umiiyak na rin si Tito Julio. Hinahaplos lang niya ang ang aking likod na para bang sa pamamagitan nito ay mapapawi ang sakit na aking nararamdaman.
OUR FAMILY lawyer read the last will and testament. Everything my dad had. It's all mine now, but because I was only 17 years old. I am too young to run our businesses. The attorney said I still needs my uncle's supervision until I'm at the right age.
Nag-usap na rin kami ni uncle na sila ng kanyang pamilya ang mag-move in dito sa Mansion. I wanted to stay in our estate. I want to remember my parents and that house reminds me of them.
This is the day na mag-move in na sila Tito with his Family.
I am waiting on the porch. My Tito Julio has his own business but not as much as my Dad has. 90% of Mercado's company was named by my father and the 10% was given to my Uncle. I remembered asking him about this, if he never got jealous of grandpa's attention.
Tumawa lang ito at sinabi...
"Why would I? Mas pinahirapan nga niya ang daddy mo. Isipin mo kung gaano karaming business ang hahawakan niya? Sasakit ang ulo ng daddy mo. Besides, ever since all I want is to live simply. Ang ama mo talaga ang business minded. Deserve niya lahat ng magagandang bagay na meron siya ngayon."
I love my uncle so much! Mabuti na rin na makasama ko siya pati na ang aking mga pinsan. Kahit paano ay mapapawi ang lungkot na aking nararamdaman.
Malapit ako kay Carlo ngunit hindi kay Cindy. Madalas kasi na ang sumasama lang kay Tito kapag may okasyon sa mansion ay ang pinsan kong lalaki.
Tumayo ako ng makita ang mga kasambahay na may bitbit ng gamit paloob ng porch.
"Hija, nariyan na ang Uncle mo at ang pamilya niya," si Nanay Rosa ang nagsalita. Ang aming mayordoma.
Excited ako na lumabas at nakita si Carlo. Agad ko siyang niyakap.
"Kumusta ka na?" Carlo asks.
"Still grieving, but I'm happy that you guys are here," I answered him.
Humiwalay ako ng yakap kay Carlo at mabilis lumapit kay Cindy. Yayakapin ko rin sana, ngunit ito ay umiwas na animo'y nandidiri.
"Hi, Cindy. Long time no see," nag-alinlangan man ay binati ko pa rin siya.
"Sa totoo lang ayoko sana sumama rito. Pero wala naman akong magagawa. Ikaw pa rin ang iniisip ni Daddy. Ang boring kaya dito sa probinsya," maarte nitong sagot sa akin.
"Hindi boring dito, Cindy. Marami kang pwedeng gawin dito. Marami kaming alagang kabayo, kambing, baboy, manok at iba pa. Matutuwa ka sa kanila, 'di ba Carlo?"
Lumapit si Carlo sa aming dalawa.
"Tama si Bella. Sobrang saya kaya rito. Pati ang simoy ng hangin ay presko."
"Tss. Pareho kasi kayong boring kaya nag kakasundo kayo," naiinis na sagot ni Cindy.
Napansin ko ang asawa ni tito na bumaba ng sasakyan.
"Tita Sandra!" Lumapit ako kay tita at nakipag beso. Napaka ganda niya talaga sa kabila ng edad na 47. Mukha lang itong na sa late 30's.
"Huwag ka mag-alala, nandito kami upang damayan ka. Kami na ang bago mong pamilya," Sandra said it and hugged me.
Sabay-sabay kaming pumasok sa loob, itinuro ng mga kasambahay ang mga magiging kuwarto ni Tito at pamilya nito.
NAGPALUTO ako ng maraming pagkain sa kasambahay. Upang madama na rin ng aking mga bagong kasama na sila ay welcome sa aming Mansion.
We were sitting at 12-seater table.
"Bakit kayo nakaupo rin dito? Sasabay kayo sa amin? Katulong lang kayo, ang dumi-dumi niyo kaya!"
Nagulat ako sa tinuran ni Cindy. Kahit noon pa ma'y kasabay na namin na kumakain ang mayordoma at ang dalawang kasambahay. Tinuring namin silang pamilya.
Nakita ko ang pagtayo ng tatlo.
"Nanay Rosa, stay po." Nilingon ko si Cindy na, nasa aking harapan nakaupo.
"Cindy. Kasabay ko talaga sila kumain. Sinasabay namin nila mommy at daddy. Kasi pamilya namin sila.” I just smiled to her na mukhang lalong kinainis ng aking pinsan.
"Cindy, Enough with your kaartehan. Nadudumihan ka sa kanila? Baka nalilimutan mo na ang kinakain mo ay luto nila?" Mataas ang boses ni tito na para bang galit. I looked at Cindy. Inirapan nya lang si tito.
"Tama na Julio, anak mo 'yan. Huwag mo naman pinapahiya sa harap ng ibang tao." Pagtatanggol ni Tita Sandra sa anak.
"Kaya lumalaki na ganyan 'yan, dahil hinahayaan mong mang mata ng kapwa."
"C'mon guys! Ipapakita nyo ba kay Bella kung gaano ka f*cked up 'tong family na 'to? Nasa hapag kainan talaga tayo, oh!" That's Carlo na ipinatong ang kanang kamay sa aking kamay at pinisil ng kaunti.
Katabi ko lang siya and he looked at me.
"I'm sorry. Kumain ka na, at kayo rin po kumain na." Lumingon din siya sa mga kasambahay.
I looked at everybody. Lalo kong namiss ang aking magulang. We never argue. We were like a definition of perfect family.
I can't help but to think. Is this the start of my misery?