chapter 2 pag payag sa alok

1455 Words
Bago ako mag-out dumaan muna ako sa office ng director, upang malaman kung bakit niya ako pinapatawag. Nakita ko ang secretary nito na si Alice, "pst!" sitsit ko rito. Lumingon naman siya sa akin. "Oh ikaw pala, Nurse Monic!" wika nito sa akin nang tumapat ako sa table nito. "Kanina ka pa hinihintay ni Doktora Lucario." saad pa ni Alice. "Kaya nga ako naparito, ang sabi kasi ni ma'am Lyda na pumunta raw ako rito, pagkatapos ng duty ko," sagot ko sa kaniya. "Oo, kapag dumating ka na daw ay pumasok ka na lang sa opisina niya. Wala nang tao sa loob, ikaw na lang ang hinihintay niya. Sige na pumasok ka na doon," aniya at ngumuso pa sa gawing opisina. Tumango naman ako at naglakad papunta harap sa pintuan ng director. Huminga muna ako nang malalim bago ako kumatok sa pintuan. "Come in!" tugon ng boses babae mula sa loob. Kaya ang ginawa ko, binuksan ko ang pintuan. Nakita ko si doctora Lexie Lucario—ang aming director—nakatungo sa lamesa niya habang nagbabasa ng...siguro mga importanteng records. "Maganda hapon po Doc," nakangiting bati ko sa kaniya. Doon lang ito umangat ang ulo at tumingin sa akin, nakangiti. "Magandang hapon rin sayo, Nurse Monic Azrael." Tiningnan niya ang bakanteng upuan at sinabi sa akin, "Maupo ka." Umupo ako sa visitor seat. "Kumusta, Miss Monic?" tanong niya sa akin habang nakangiti. "May gusto ka ba inumin?" dagdag na tanong pa niya. Umiling ako. "Huwag na po, Doktora. Ayos lang po ako." sagot ko naman at ngumiti rin. Huminga muna ako nang malalim at muling nagsalita, "Ah...eh...Doctora! Matanong ko lang po bakit po ninyo ako pinapatawag?" Seryoso naman siyang tumitig sa akin at saka bumuntong-hininga kalaunan. "Monic...hindi na ako magpaligoy-ligoy pa ha. Binasa ko ang iyong record dito sa hospital. Nalaman ko na maayos at isa ka sa mga masisipag at may malasakit sa mga pasyente natin. At isa pa, gusto mo raw maging doktor..." Inaasahan ko nang may gusto siyang sabihin at alam ko na rin kung ano iyon. Nagpapanggap lang naman ako na kunwari wala pa akong idea. Tumango lang ako at tipid na ngumiti. "Opo Doc! Pero po nag-iipon pa po ako para po sa pag-aaral ko ng doctor," pag-amin ko naman. "I see!" Tumango-tango siya. At muli akong nginitian sabay sabing, "Miss Monic...paano kung aalukin kita ng scholarship para sa pag-aaral mo ng Doctor?" seryosong tanong niya. Nagulat naman ako at napabulalas, "Ho?!" Ngumiti siya at tumango. "Talaga po Doktora? Pero ano ho ba ang kapalit ng scholarship na ibibigay ninyo po?" tanong ko naman kahit may idea na ako. Pinagdikit ko niya ang kaniyang mga labi na tila ba'y humuhugot ng lakas ng loob upang sabihin sa akin ang gusto niyang mangyari. "Maging...personal nurse ka nang bunsong kapatid namin." Sinikap kong huwag hayaang bumaba ang mga balikat ko dulot ng kaunting pagkadismaya. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita, "Bukod sa Scholarship na matanggap mo ay may buwanang sahod at mga binepisyo kang makukuha. At kapag magaling na ang amin kapatid ay maari kana bumalik bilang nurse dito at pwede mo na rin ipagpatuloy ang iyong pag-aaral. kung papayag ka." Ngumiti siya—iyong pinakamabait na ngiti sa balat ng lupa. "Pano po kung ayaw ko po pumayag?!" tanong ko naman. Tumingin siya sa akin, animo'y nagmamakaawa. "Nurse Monic...sana ay pag-isipan mo ito nang maigi. Sayang rin naman na makapag-aral ka na sa gusto mong kurso." Kung tanggapin ko ang alok na iyon, malaki ang posibilidad na matupad ko ang pangarap ko upang maging doctor. Kapag nakapagtapos ako ay marami na ring mga bata akong matulungan. Subukan ko na lang siguro. Kung hindi talaga kaya edi aalis na rin, katulad ng ibang nurse na nag-alaga sa kapatid ni doctora Lexie. "Doc paano po 'kung katulad rin ng ibang nurse na hindi rin po ako tatagal? Makakabalik pa po ba ako sa trabaho ko dito?" tanong ko, naniniguro lang. "Oo naman, Nurse Monic! Pumapayag ka na ba maging personal na nurse ng akin kapatid? Tumango ako bilang pagsang-ayon. Lumapad ang pagngiti niya, "Salamat sa'yo miss Monic!" aniya at masayang huminga nang malalim. Marami pang na ikwento si Dra Lexie tungkol sa kapatid at kung paano labis na saktan nang malaman namatay ang fiancee nito at higit sa lahat ay hindi man lang nakita ang fiancee sa huling sandali dahil na bulag at labis na paghihinagpis ang nangyari sa kapatid kaya nais na rin nito kitilin ang sariling buhay para raw masundan ang minamahal na fiancee. Sa kwentong iyon tila ba'y may tumusok sa akin puso na hindi ko maintindihan. Malaman na gusto nito tapusin ang buhay para masundan lang ang babaeng minamahal. Napaka swerte ng fiancee nito. "Meron pala lalaking handang itaya ang buhay, makasama lang ang taong minamahal?" bulong-bulong ko na lamang. Tila narinig iyon ni Doktora kaya ngumiti siya at ang sabi, "Mahal na Mahal ng aking kapatid si Caroline. Dahil sa pagmamahal niya ay mas gusto pa nito tapusin ang buhay. Mabuti na lang ay lagi napipigilan ang pagtangka niyang magpakamatay. Ngunit naging moody at lagi galit—bugnutin. Nawala na ang masayahin masigla at mabait na kapatid namin. Hindi na rin ito lumalabas ng sariling kwarto. Mas gusto pa mag kulong sa master bedroom nila ni Caroline sa bahay na ipinatayo nito, kalapit ng bahay ng amin mga magulang, " pagkwento pa ni Dra. Lexie. Mahihimigan ang kalungkutan sa boses nito Kaya. Napatingin ako rito—pinagmamasdan ang mukha niyang napakaganda. Simple lang ito at ang mukhang mala-anghel kahit may asawa't anak na hindi pa rin halata. At sobrang bait rin niya, maging ang buong ang pamilya nila. Hindi sila Matapobre at mapagmataas. Handang tumulong sa mga tao na nganga-ilangan. Hindi tulad ng ibang mayayaman na akala mo'y nabili na ang buong pagkatao ng mga mahihirap. Masyadong mapagmataas. " Okie lang ba sa makalawa na ang iyong pagpunta sa Province kung saan nandoon ang aking kapatid?" tanong niya sa akin, at doon lang ako na tauhan. "H-Ho? Para po ang bilis, Doc! May duty pa po ako," puna ko naman. Ngumiti siya sa akin, at sinabi na, "Nakalimutan mo yata kung sino ang boss mo," paalala nito at natawa pa. Ako Naman ay napapakamot na lang sa ulo "Oo nga pala..." bulong-bulong ko. "Oh Pano miss Monic sa makalawa na ang iyong punta sa province namin, itatawag ko na lang sa akin magulang na may bago na personal nurse ang akin kapatid." Tumayo ako at nagpaalam na sa director, "Sige po Doktora, ako po ay tutuloy na upang makapag paalam rin sa akin magulang. "Maraming salamat talaga Nurse Monic sana ikaw na ang last na nurse na Mag-alaga sa aming kapatid at sana hindi mo siya sukuan katulad ng iba naging personal nurse niya..." halos nakikiusap nitong sabi. Tumango at ngumiti ako dito bago, lumabas ng office. "Oh Monic, ano nang balita?" bungad na tanong ni Alice sa akin. "Tinanggap mo ba ang alok ni Doctora." "Oo subukan ko wala naman mawawala eh," sagot ko naman, at nagpaalam, "sige una na ako ha! Kailangan ko pa mag-ayos ng gamit, dahil sa makalawa na raw niya ako ipahatid sa Province nila." "Sige Monic good luck,!" sa'ad pa nito sa akin. Tumango lamang ako at nag paalam na rin. "Ano ba!" sinabi ko sa inyo na walang papasok na iba sa aking kwarto!" sigaw ni Dion sa 'katulong. "Señorito, pinapadala lang po ni manang Susan ang inyong pagkain," wika naman ng natatakot na katulong. "Bakit hindi si manang Susan ang mag hatid niyan?! diba sinabi kona na walang papasok sa kwarto ko na ibang tao?!" Kumumpas siya ng kamay. "Labas!! hindi ko kailangan iyan!" "Oh sorry po talaga sir Dion..." Nagmamadali lumabas sa kwarto ang katulong ni Dion. "Ano nangyari sayo Mela?" tanong ni manang Susan sa katulong na si Mela. "Naku Manang nagalit si Sir Dion alam ninyo naman po ayaw ni sir na iba ang pumapasok sa loob ng kwarto niya," sumbong naman ng katulong kay manang Susan. Napabuntong-hininga na lamang si Manang Susan sa narinig tungkol sa alaga niya simula kasi naaksidente ito at nawala ang pinakamamahal na babae ay naging masungit na ito at magagalitin pa, nagdarasal na lamang siya na meron sana dumating na isang anghel na mag pabalik sa dating niyang alaga. "Sige na bumalik ka na sa pwesto mo ako na lamang mag-aakyat ng pagkain sa kwarto niya—kailangan niya kumain para makainom na siya ng gamot," aniya. "Ngunit manang ayaw ni sir po kumain at baka po mag bato naman si sir at matamaan kayo," nag alala wika ni Mela sa kanya. "H'wag kang mag alala hindi ako sasaktan ng alaga ko," rason naman ni Manang Susan at kinuha ang tray ng pagkain at umakyat na sa taas ng kwarto ng alaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD