chapter 1alaala

1238 Words
"Hoy Monique!" Nagising ako sa pagkatulala ko dahil sa pagpitik nito sa aking noo. Isa siya sa kaibigan ko na kasama sa duty ngayong araw. "Aray naman!" daig na wika niya sabay tingin sa kanyang kaibigan. "Napaka-ano—bigat talaga ng kamay mo Rona," reklamo pa niya rito. "Saka bakit lagi na lang ang aking noo ang nakikita mo para pitikin? Hindi mo ba alam na masakit? Ikaw kaya ang pitikin ko ano kaya ang mararamdaman mo?" nakasimangot kong saad. "Sorry Naman, kanina pa kasi ako nagsasalita dito! Pero mukhang ang lalim ng iniisip mo?! Mukhang tinakasan ka na naman ng iyong kaluluwa at iniwan ang iyong katawan! Hulaan ko naalala mo naman siguro ang iyong mga kababata 'no? Kaya nagkaganyan ka naman na parang wala ka sa 'iyong sarili." "Hindi mo maalis sa akin yun?!" rason ko naman, "dahil parte na sila ng akin buhay Rona—mga nakababatang kaibigan ko sila! Kaya kahit hanggang ngayon ay masakit pa rin kapag naalala ko sila. Hindi ko alam pagkatapos ng nangyaring trahedya sa amin ng araw na 'yun?!" Huminga ako nang malalim. "Hindi ko alam kung nakaligtas ba sila? O kung buhay pa ba sila? kaya hindi mo ko masisi Rona! Kung minsan ay natutulala ako sa likod. At kung minsan ay pinapakita ko sayo na masaya ako para maitago ko ang aking kalungkutan! At pagkamiss ko sa kanila!" "Hindi naman namin alam na may parating na bagyo ng Araw na iyon. Kaya nag-kayayaan Kami sumakay ng bangka. Pero dahil sa lakas ng alon ay tumaob ang bangka naming iyon! At lahat Kami ay nahulog sa tubig. Pilit ko Inaabot ang mga kamay nila pero nabitawan ko dahil sa rumaragasa ang malalaking alon at natangay ako, nawalan ng malay dahil sa pagtama ng aking ulo sa matigas na bagay! Nagising na lang ako na nasa hospital na. Kung saan ako ay natagpuan ang akin mga magulang!" Tumingin ako kay Rona na nakikinig sa mahaba kong kwento. "Sorry na best! Promise Hindi ko na pipitikin 'yang noo mo," aniya. "Ay sandali, ano nga pala sinasabi mo?!" tanong ko sa kanya. "Ang sabi ko si Director Locario ay naghahanap naman ng personal nurse para sa kapatid niya. Ewan ko ba sa dami na ng naging personal nurse ng kapatid ni Director Locario kahit isa ay wala tumatagal! Mga 2 o 3 araw pa lang bumabalik na sila dito sa hospital. Masyado daw kasi moody at sobra pang sungit!" sumbong niya. "Ay naku! kahit alukin pa ako ng malaking sahod, kung ganon naman ang ugali ng aalagaan ko ay wag na lang! Okay na okay na ako dito sa hospital—hindi pa ko ma-toxic!" sagot ko naman at nagtanong, "Diba 2 years ago na aksidente ang kapatid ni Director Locario? Dito pa nga sa ospital dinala Ang kapatid at ang fiance nito." "Ay, oo best kaso nga namatay 'yun fiance. nang kapatid ni Dr. Locario—sa daan pa lang na namatay na Ito. Kasi ang napurohan ito sa ulo noong nabangga yung kotse nila ng malaking truck. Alam mo ba ang marites ng ibang nurse? Nagtangka na nga daw mag pakamatay yun kapatid ni Dra. Lucario. Dahil nalaman nitong patay na ang fiancee at higit sa lahat hindi man lang nakita nito ang itsura ng girlfriend bago dalhin sa huling hantungan. Dahil bulag na siya, may pag-asa naman makakita yun kaso ayaw na mag paopera," walang prenong kwento niya. Nagpatuloy pa, "Dahil siguro sa pagkamatay ng fiancee niya, mas pinili na lang niya na wag na mag paopera at mas gusto na lamang mabulag. Balita ko pa nagkukulong nalang siya sa loob ng kwarto. Tapos, kapag pinipilit daw ng naging personal nurse niya na uminom ng gamot, sinasaktan daw, nang kapatid ni Dra Lucario!" Napanguso pa siya at sinabing, "Sayang pa naman sobrang gwapo ng kapatid ni Dra. Lucario, pero Hindi ko bet ang ganun na—na??" Hindi natapos ni Rona ang sasabihin nang may tumawag sa akin. "Nurse Monic!" Napatingin ako sa may-ari ng boses at si Ma'am Lydia pala iyon—ang head nurse namin dito. "Good morning po ma'am Lyda!" bati namin ni Rona sa kaniya. "Good morning din sa inyong dalawa!" Ngumiti pa siya sa amin at kinausap ako, "Nurse monic pagkatapos ng duty mo ay pumunta ka sa office ni Dra. Lucario dahil ka-kausapin ka daw niya. Nabalitaan mo naman siguro na naghahanap siya ng personal nurse para sa kapatid nya kaya ikaw ang sinabi ko na pwede sa kapatid niya." "Ano po?!" gulat kong tanong at napahaba ko pa. "Bakit po ako?" tanong ko pa sa aming head nurse. "Malalaman mo kapag nakapunta kana sa office ni Dra Lucario. Siya na lang ang tanungin mo. Siya lamang ang makasagot ng mga tanong mo? hihintayin ka daw niya mamaya, bago ka mag out ay dumiretso ka sa kanya." Sumenyas ito at ngumiti. "Oh sige iwanan, ko na muna kayo ha!" paalam niya sa amin ni Rona. "Naku! best mukhang ikaw ang napili ni Dra Lucario sa kanyang kapatid naku! Good luck talaga sayo best!" wika pa nito sa akin. "At alam mo ba na kaya raw wala nagtatagal doon dahil nanakit daw, kaya kung ako sayo ay tanggihan mo na habang maaga pa best. Gumawa ka na lang ng dahilan na hindi ka pwede sayang nga eh ang gwapo pa naman daw ng kapatid ni Dra, kaso yun nga lang bulag at napaka-moody, saksakan pa ng sungit!" Hindi pa talaga siya tapos magsalita at dinugtungan pa, "At nasa Quezon province! Sa hacienda nila nag-lalagi ang kapatid ni Dra Lucario. Sa pinatayo daw na bahay sa Quezon, para sana sa fiancee nito. Ito daw ang regalo sana kapag kinasal na sila kaso yun nga..." Napanguso pa siya. "Tegi na ang kanyang fiancee! Kaya don nagmumukmuk ang kapatid ni doc! Pero kung gusto mo at okay naman sayo subukan mo ang Alok ni Dra Lucario." Wala talagang preno ito kung magsalita at may idudugtong pa siya ha. "Malay natin baka! ikaw na ang sagot, sa mga dasal ng angkan ng mga Locario na magpaopera ang bunso kapatid ni Dra Lucario." Sinamaan ko siya ng tingin at sinikap na nakasingit sa kuda nito. "Ewan ko sayo! Ang dami mong sinasabi Rona! Magbigay na nga tayo ng gamot sa mga pasyente natin baka bumalik pa si ma'am Lyda, masita pa tayo!" SAMANTALANG, sa bahay ng mga Lucario sa Quezon, nag uusap ang mag asawang Lucario. "Ano ang gagawin natin sa ating bunsong anak Fidel!? hanggang kailan siya mag papatalo sa kadiliman!? Dalawang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ay ayaw niya mag paopera! Kahit personal nurse ayaw niya para kahit papaano ay may tumitingin sa kanya kapag wala tayo. Hindi naman pwede palagi si manang Susan ang mag bantay sa kanya. Sana makakuha si Lexie ng nurse na tumatagal para sa anak natin," wika ni donya Esmeralda na halos mawalan na ng pag-asa. "Sana nga aking asawa, kahit ako ay naaawa na sa bunsong nak natin. Masyado niya dinibdib ang pagkawala ni Caroline," dugtong naman ng Don Fidel at patuloy pa, "Hindi naman natin siya masisi dahil mahal na mahal niya ang kanyang fiancee. Lalo na kasama pa niya si caroline simula sila ay bata pa. Hays, nagdarasal na lamang ako sa maykapal na may isang tao na iibig muli sa ating anak kahit. Ganyan ang kalagayan niya. ”Sana nga asawa ko," malungkot na sang-ayon ng donya. "Para bumalik na ulit sa dati si Dionsyus."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD