CARL
Ang nakikita niya ngayon ay isang babaeng malayo sa taong nakaagaw ng atensyon niya noon sa isang International Food Expo, anim na buwan na ang nakakaraan. Carl buttoned his shirt and folded his sleeves, his eyes focusing on the task at hand as if it’s the most important thing at that moment. Ang totoo ay ayaw lang niyang salubungin ang mga mata ni Giselle.
“Bakit ba kayong mga babae sa tuwing break-up, agad n’yong iniisip na nagkulang kayo? Na may hindi kayo nagawa para mag-work ang relasyon? Hindi n’yo ba naisip na baka puwedeng tarantado lang talaga ang mga lalaking kagaya ko?” tanong ni Carl kay Giselle habang nakakunot ang noo.
Naiinis na siya sa hindi niya matukoy na dahilan. Giselle is an intelligent woman, skillful even in her chosen field. Maraming strengths ang babae. Pero bakit parang nahipan ng hangin ang talino nito? Giselle’s eyes moistened. Sunod-sunod ang pag-iling ng babae.
And now, the waterworks. Geez!
Lalong nag-ibayo ang pag-arya ng inis na nararamdaman ng binata. Unti-unting nauubos ang baon niyang pasensya. Ewan ba niya kung ano’ng nangyayari sa kanya ngayon. Basta ang alam niya, hindi niya makapa ang pang-unawa para kay Giselle. He must be one heartless jerk. Pero hindi siya magkukunwaring mabait para dito. Murahin man siya at kamuhian ni Giselle, wala siyang babaguhin.
“It must be something I failed to do, or something I have done—”
“Giselle,” agaw ni Carl sa sasabihin ng babae. “Wala kang diperensya. Wala eh, hanggang dito na lang talaga. Whatever was the problem, wala sa ‘yo ‘yon. Nasa akin. Hindi ako nagmalinis simula umpisa. I am not going to start now, either. You know how I am and yet you took the plunge, Gi. Alam mong darating din tayo sa puntong ‘to.”
Suminghot ang babae. Giselle’s hand fell as she clutched her chest. Kagat-labing nag-iwas ito ng tingin.
“I was hoping—”
“To change me.” Umiling si Carl. “God! You’re not the first. Do not think you can do what your predecessors failed to. Nag-usap usap ba kayo? Ano ako, some kind of project for you? Operation Change Carl? Hah! Bakit ba kung ano-anong kagaguhan ang pumapasok sa isip n’yo?”
“Hindi kagaguhan ang magbago, Carl. Siguro pareho lang kami ng mga babaeng nagdaan sa buhay mo. We saw your worth! Because believe it or not, you’re worth it!” giit ni Giselle.
“And that’s where the fun started to end. Lagi ninyong iniisip na kailangan ko ng taong makakapagpabago sa akin. But you see? I refuse to. No one, not a single soul will I allow to tell me what to do. Kaya kung ako sa ‘yo, ‘wag ka nang mag-aksaya ng luha para sa isang katulad ko. Goodbye, Giselle.”
Tuluyan nang tumalikod si Carl sa babae. Kasabay ng pagpihit ng binata sa seradura ng pinto ng unit ni Giselle, narinig niya ang huling sinabi nito.
“You will find her someday, Carl. And I pray that when you do, the pain is ten times, no…a hundred times worst than what I am feeling right now.”
He scoffed in his head. That would be the day. Siya ang natatanging may kontrol sa buhay niya. Hindi niya papayagan ang sarili na bumulusok sa kumunoy na napagtagumpayan na niyang ahunan. Never again, ‘ika nga. He busted his ass off working to get to where he is now. Hindi niya papayagang mapunta sa wala ang mga pinaghirapan niya sa loob ng ilang taon.
Not if I can help it.
Tuloy-tuloy siyang lumabas mula sa condominium unit ni Giselle. He will never return again and that is final. Diretso ang binata sa basement parking. Mula sa hanay ng mga sasakyan doon ay nabuhay ang pang-unahang ilaw ng isang itim na BMW Motorrad. Pina-customized ni Carl ang motorsiklo at nilagyan ng anti-theft alarm system.
Sasakay na lang sana siya sa motorsiklo nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng isa niyang cellphone. Kinapa niya iyon mula sa loob ng jacket niyang gawa sa itim na balat. His heart skipped a beat when he read the message.
Ah, ‘eto na ang pinakahihintay niya, ang panghuling kliyente. It’s his last assignment before the boss of RnJ Services Ricardo Milosa signs his retirement. Pakiramdam niya ay biglang gumaan ang katawan niya ngayon. Matagal na niyang tinatarabaho ang pagre-resign. Ngayon, abot kamay na niya.
Carl grinned and pocketed his cell phone once again. He keeps two phones; one for personal use and the other for his alter-ego. He made sure his helmet was snuggly in place before he drove off. Halos isang oras din siyang bumiyahe mula Quezon City papuntang Taguig gamit ang mga alam niyang shortcuts.
Pagdating sa Taguig ay tinumbok niya ang daan papunta sa Hermes Hotel. Pagkatapos iwan sa parking lot ang motorsiklo ay nag-check in siya sa ilalim ng pangalang Jiro Amar, ang alter-ego niya sa RnJ Services. Pagkaabot sa kanya ng access card ay tumuloy na ang binata sa tenth floor.
Pagtapat niya sa pinto ng kuwarto niya ay nagpalinga-linga muna siya. Nang masigurong walang tao ay saka niya itinapat ang hawak na card sa scanner sa pinto. Pagkatapos ay pinindot niya ang tamang kombinasyon sa electronic lock para tuluyan siyang makapasok.
The room has been customized for his use, from the door locks to the interior. Kasama ‘yon sa benepisyong natatanggap niya sa pagtatrabaho sa RnJ. ‘Yon lang, hindi niya iyon puwedeng gamitin sa mga dahilang walang kinalaman sa trabaho niya. Even his calls for room service goes to a special phone manned by the appointed staff.
The door opened with a soft ka-cha sound. Bumulaga sa kanya ang pamilyar na ayos ng silid na ilang taon na rin naman niyang ginagamit. Sa tuwing may assignment siya ay doon siya naglalagi. Carl discarded his leather jacket on the beige sofa. Sa ibabaw ng coffee table na gawa sa itim na salamin ay nakapatong ang isang laptop.
Carl fired the laptop on and the logo of RnJ appeared on screen. He input his username and password. Ilang sandali pa ay bumulaga sa kanya ang desktop view ng laptop. Kahit iwanan niya doon sa kuwarto ang laptop ay tiwala siyang walang gagalaw. RnJ made sure their security is top notch.
The e-mail message icon blinked at the lower right of the screen. Pinindot iyon ni Carl at nalantad sa kanya ang nilalaman ng e-mail. May maiksing instruction na nakalakip sa e-mail, wala pang isang daang salita. Hindi na niya iyon pinagkaabalahang basahin dahil mas interesado siya sa laman ng attachments.
Carl quickly downloaded those attached files and had it printed. Pagkatapos ay kumuha siya ng puting folder mula sa kwarto at pinagsama lahat ng dokumento sa loob nito.
He set aside the file and went to call for room service. Naligo na rin siya at saktong kakabihis lang niya nang dumating ang isang attendant. Hinayaan niyang ayusin nito ang pagkain sa ibabaw ng coffee table bago niya hinarap ang mga dapat gawin.
He flipped through the file. Her name is Naia Lucresia Santocildes, otherwise known as Luc. Nag-iisang anak ito ng mag-asawang Joaquin at Almira Santocildes. The couple died in a vehicular accident two years ago while Luc survived. Sa ngayon ay naiwan si Luc sa pangangalaga ng tiyuhin itong si Jaime Santocildes, nag-iisang kapatid ni Joaquin. Si Jaime rin ang kasalukuyang tumatayong CEO ng Ethos Mining and Steel Corporation.
He then read on Naia’s file. According to the information, forty percent of the total shares belongs to her. Dati nang nasa pangalan ng babae ang five percent. Dating namang nasa pangalan ng mga magulang ni Naia ang pinagsamang thirty five percent. Dahil nag-iisang anak, sa kanya napunta ang mga shares ng magulang. Together with her Uncle Jaimes’ fifteen percent share, they hold the majority.
No wonder RnJ is interested. Ethos Mining and Steel Corporation is one fat fish.
Aside from making money, RnJ likes making connections. And having the heir of Ethos Mining and Steel Corporation as a client is one big opportunity the higher ups can never afford to pass up. Negosyante sila una sa lahat.
May kasamang larawan ng kliyente ang nasabing file. Nagulat pa si Carl nang makitang asul ang kulay ng dulo ng buhok ng babae at wala itong buhok sa kaliwang bahagi ng ulo nito. But even with the outrageous hair color and even more outrageous hair cut, she’s undeniably beautiful.
Bilugan ang malungkot na mga mata nito. Her eyebrows were set into a soft arc, obviously untampered. She would be even more beautiful if she could smile, though. Hindi perpektong matangos ang ilong ng babae. She had a pert nose that complimented her small face.
Sa haba ng pilik-mata ni Naia, hindi maiiwasang sa mga mata niya mapapako ang tingin ng sino mang makakaharap nito. And her skin, it was glorious. It has the right shade of light brown that looks so lovely on her. Sa buong buhay niya, mabibilang niya sa daliri ang kilala niyang mga babaeng kayang ipagyabang ang kayumangging balat.
The longer he read, Carl realized that the file was extensive. Mula sa family members, connections, affiliations, and even mundane things the client participated in were noted. Kasamang nakalagay doon kahit ang pinakamaliit na bagay na may kinalaman sa babae. Kung sabagay, standard operating procedure na ng RnJ ang pagiging mabusisi. RnJ accepts clients from all walks of life, as long as they can pay the exorbitant fee in exchange for the services they provide.
Mayamaya ay tumunog ang cellphone ni Carl. The call came from a private number. He knew all too well what does it mean. Naka-register na sa system ng RnJ ang pagpasok niya sa Hermes Hotel. Inabot niya ang cellphone at agad iyong sinagot. Right after the conversation, he knew he had to assume his alter-ego once again.
“Hello. Jiro Amar, reporting for duty.”
Isang boses babae ang sumagot sa kabilang linya.
“Good day Mr. Amar. This is to verify your signing in for duty. If you want to start your mission as soon as possible, please confirm. Otherwise, please state your chosen date.”
“ASAP,” maikling sagot ni Carl.
“Noted, Mr. Amar. You opted to start right away. Please wait a moment while the system generates an appropriate response to your request.”
Hindi kumibo si Carl. Alam naman niyang hindi ‘yon magtatagal. Automatic na nire-record sa system ang bawat bagay na may kinalaman sa misyon, mula umpisa hanggang sa huli. Naghintay siya ng ilang segundo bago niya muling narinig sa linya ang boses ng babae.
“Your mission will start in zero nine hundred hour tomorrow. Mission duration is sixty calendar days. Please proceed as directed.”
“Acknowledged. Thank you.”
“Have a good day, Mr. Amar. Good luck.” ‘Yon lang at naputol na ang linya.