Always Mine

1995 Words

CARL Ngingiti-ngiti siya habang pinagmamasdan si Luc. Halata ang inip sa mukha ng babae pero hindi ito kumikibo. Naka-limang trip na si Carl simula kaninang lumabas sila ng bahay. Ngayon ay nasa paradahan sila ng mga traysikel sa kanto ng Mayhaligue at Rizal Avenue, naghihintay ng pasahero. Ilang minuto na lang ay alas onse na at mayamaya lang ay uwian na ng mga estudyante sa tanghali. Naramdaman niyang siniko siya ng kasamahan niyang driver na si Redentor o mas kilala bilang Pula sa looban. Tubong Iloilo si Pula at halos magkasing-tangkad sila. Gaya niya noon, self-supporting student din si Pula at nag-aaral sa Unibersidad ng Maynila. Ito ang pinakakasundo ni Carl sa mga tricycle driver doon. “Asawa mo talaga ‘yan, ‘pre?” Sumipsip si Carl sa straw ng nakasupot na softdrinks. Binilhan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD