Dance With Me

1764 Words

LUC Nagising siyang parang may kumakalabit sa ilong niya. Pagmulat niya ng mga mata ay nabungaran ng dalaga ang malabong imahe ng isang lalaki. Kumurap si Luc. Nakasindi na ang mga ilaw sa rooftop. Luc rubbed her eyes and sat up. A soft blanket slipped off her body. Wala siyang natatandaang may kumot siya bago siya natulog. Siguro kagagawan ni Maita. “Jiro?” Namamalat pa ang boses niya. “Ako nga. Bakit ka dito natutulog?” “Umidlip lang ako. I didn’t expect I’d fall into a deep sleep. Where is Maita?” Napansin niyang wala na ang babae sa kinauupuan nito kanina. “Pinababa ko na, tutal nandito na rin naman ako.” Umupo si Jiro sa recliner, ilang dangkal lang ang pagitan nila ng dalaga. “Gutom ka na ba? Nagluluto na rin naman ng hapunan si Emilia.” Pinakiramdaman ni Luc ang sarili. Okay p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD