CARL
Carl pressed his finger on the doorbell and waited. Ayon sa instruction na natanggap niya ay dito muna siya magre-report bago niya makaharap ang kanyang “asawa”. Kakaiba man ang sirkumstansya ng kliyente niya ngayon ay hindi na niya dapat problemahin ‘yon. Ang kailangan lang niyang gawin ay ang trabaho niya. After this assignment, he’s finally free to retire. Ricardo promised him.
Hindi rin naman nagtagal ang ipinaghintay niya. Mayamaya ay bumukas ang pinto ng condominium unit na sadya ng binata. Kasabay ng pagbubukas ng pinto ay ang pagbungad sa kanya ng isang kasambahay na naka-uniporme.
Carl took of his sunglasses and flashed the woman a smile. Agad na namula ang pisngi ng babaeng nagbukas sa kanya. Nagbaba ito ng tingin, bahagyang nakayuko ang ulo. Gumilid ito para pagbigyan siya ng daan bago nagsalita, hawak pa ang dahon ng pinto.
“Pasok daw po kayo sabi ni sir.”
“Thanks.”
“Dito po,” muling sabi ng babae.
Walang imik na sumunod si Carl sa kasambahay. Before meeting his contracted wife s***h client, he has a meeting with her client’s uncle. Alam niyang bata pa ang tiyuhin ni Naia Lucresia Santocildes. May kasamang larawan ang file na ibinigay sa kanya ng RnJ ng lahat ng mga malapit at malayong kamag-anak ni Naia. At kasama sa trabaho ni Carl ang memoryahin ang kaliit-liitang detalye tungkol sa kliyente niya.
Itinuro siya ng kasambahay sa nakabukas na pintong salamin. It leads to an open terrace moonlighting as a garden. Naroon si Jaime Santocildes, payapang nag-aalmusal sa ilalim ng lilim ng isang gazebo habang nagbabasa ng pahayagan.
“Sir, nandito na po ang bisita ninyo,” anunsyo ng kasambahay.
Nag-angat ng tingin si Jaime. Bahagya lang itong tumango.
“Thank you, Isabelle,” anito saka tumutok ang maiitim na mga mata kay Carl. “I see you’re a punctual man. I like that.”
“Gusto ko ring lagi akong nasa oras, Mr. Santocildes. Masisira ako sa trabaho ‘pag nagkataon. Ayaw kong may masabi pareho ang kliyente at ang boss ko tungkol sa work ethics ko.”
Tipid na ngumiti si Jaime. “Please, join me for breakfast. Mas makakapag-usap tayo nang maayos.”
Umupo si Carl sa tapat ni Jaime, walang halong pagkailang o pangingimi. Hindi rin itinago ni Jaime ang hantarang pag-oobserba nito sa kanya. Hinayaan lang ni Carl ang lalaki sa gusto nitong gawin. Jaime can observe him all he likes, Carl won’t bend under the pressure of the man’s eyes.
Pero walang ginalaw na anumang pagkain na nakahain sa hapag kainan si Carl. He just sat there and waited for the man across him to speak. Tinaasan siya ng kilay ni Jaime.
“Hindi ka kakain?”
Umiling si Carl.
“Kumain na ako bago umalis ng bahay, Mr. Santocildes. Higit pa sa sapat ang sinangag, pritong galunggong, toyo, kamatis at kape para sa simpleng mamamayang katulad ko. Ganoon pa man, maraming salamat sa alok.”
Hindi kumibo si Jaime. Hantaran nitong sinalubong ang tingin ni Jiro. Nagkatitigan ang dalawang lalaki ng ilang minuto, wala ni isa sa kanila ang bumigay at naunang mag-iwas ng tingin. Sa huli, pinili ni Jaime magsalita.
“Dahil unang araw mo sa trabaho, ipinatawag kita dito para sa ilang bagay. Before you meet my niece, we need to make things clear from the beginning. Kahit na pirmado na ang kontrata ninyo ng pamangkin ko, may mga dapat lang akong ipaalala sa iyo bago ka magsimula,” sabi ni Jaime.
“Nakikinig ako.”
“Kahit alam kong nabasa mo na ang file ni Naia, hindi lahat ng naroon ay literal na sumasalamin sa kanya. Those were some of the facts about my niece. You weren’t aware of the reason why I hired you, are you?”
“Labas na ako sa usapang ‘yan, Mr. Santocildes. Kung ano man ang dahilan, sa tingin ko ay walang kinalaman ‘yon sa akin. Nandito lang ako para gampanan ang trabahong ibinigay sa akin ng mga nakakataas.”
“Mabuti. Now, let’s get to the point. Naia is suicidal. Kaya kita kinuha dahil desperado na ako. When her parents died, her spirit died with them. Hiring you was my last ditch effort. Baka sakaling magkaroon man lang siya ng kaunting interes sa buhay kung gagawin ko ‘to. So I am asking you to please do your best to pique her interest,” sabi ni Jaime. “Bukod doon, trabaho mong bantayan siya. Baka makakita siya ng pagkakataon at magtangka na naman.”
Nabigla man ay sinarili na lang ‘yon ni Carl. Ang akala niya ay kagaya lang ito ng mga dati niyang assignment; act as the loving and devoted husband for a time. Kung susumahin, puro pag-arte ang pinaka-gist ng mga naging assignments niya. Ngayon, bukod sa pag-arte ay kailangan pa niyang maging bodyguard s***h babysitter ngayon? Aba, teka.
“Wait, wala akong nabasang ganito sa kontrata.” Kumunot ang noo ni Carl.
“Alam ko. Kaya kita kinakausap ngayon. The contract between you and my niece is more like a companionship. So I am proposing a deal not with RnJ but with you personally. Name your price, Mr. Amar. Hindi problema ang pera.”
Lihim na natawa si Carl. Name his price? What a joke. When he’s on duty, his loyalty is to RnJ alone. Gamit niya ang katauhang Jiro Amar ngayon, hindi siya si Carl Iago Dela Paz. If he’s using his other persona, he will consider Jaime Santocildes’ proposal for business purposes. Sino ba ang makakatanggi sa Ethos Mining and Steel Corporation? Malaki ang maitutulong nito sa kanya bilang CEO ng Verka Crop Science.
Unfortunately, si Jiro Amar siya ngayon, isang driver at mekaniko na nakatira sa Sta. Cruz, Manila. Napailing si Carl.
“Simula ng pagpatak ng alas nuwebe ng umaga, on duty na po ako. Unethical po ang pumatol sa alok ninyo. May kontrata akong pinirmahan sa RnJ at sakop ako ng mga batas at regulasyon ng kompanya.”
“You mean you’re rejecting my offer.”
Tumango si Carl.
“Sa maikling salita, opo. Pasensya na po kayo. Pero hindi n’yo na po ako kailangang bayaran para siguruhin na ligtas at patuloy na humihinga ang pamangkin n’yo. Oo, kontrata lang naman talaga ang nagtatali sa aming dalawa ni Miss Santocildes. Pero hindi ako ganoon ka walanghiya para pabayaan siyang kunin ang sarili niyang buhay.”
Jaime regarded Carl with a practiced calm beneath his hooded eyes. Mayamaya ay umalis ang binata sa pagkakasandal at inabot kay Jiro ang kamay.
“Then let me thank you in advance.”
Kinamayan ni Carl si Jaime.
“Pero may isang bagay lang po akong hihilingin sa inyo. Sana ay pagbigyan n’yo.”
“Ano ‘yon?”
“Legal ang kasal namin ni Miss Santocildes at pumirma na rin ako ng pre-nuptial agreement. Gusto ko sanang doon kami tumira sa bahay ko sa Sta. Cruz. May maliit akong talyer na hindi ko puwedeng iwan sa loob ng dalawang buwan. Masisira ako sa mga customer namin.”
Kumunot ang noo ni Jaime.
“Sta. Cruz? I don’t know any subdivision in that area.”
Tinaasan ni Carl ng kilay si Jaime.
“Akala ko ba gusto mong magkainteres muli sa buhay ang pamangkin mo? Alisin mo siya sa environment na kinasanayan niya, tingnan ko lang kung hindi ka makakita ng reaksyon mula sa kanya. Ano sa tingin mo ang gagawin niya ‘pag iba kaysa sa nakasanayan ang nagigisnan niya sa araw-araw?” hamon ni Carl.
“Still—”
“Bukod sa mga kailangan niya para mapangalagaan ang kalusugan niya, gusto ko rin sanang hayaan mo siyang mabuhay sa loob ng dalawang buwan sa budget ng isang ordinaryong mamamayang Pilipino. Sa maikling salita, mamumuhay siya bilang simpleng maybahay ng isang traysikel drayber at mekaniko.”
Napatuwid ng upo si Jaime.
“Absolutely not! That’s out of the question, Mr. Amar. Baka lalo lang manggigil magpakamatay si Naia ‘pag itinira mo sa Sta. Cruz,” protesta ni Jaime.
Sarkasting tumawa si Carl.
“Kayo talagang mayayaman. Hindi ko dina-down play ang pagkawala ng mga magulang na pamangkin mo ha. Pero kung ikukumpara mo ang buhay at karanasan ni Miss Santocildes sa kagaya namin, tatawanan lang namin ‘yan. Gusto kong makita niya kung paano nabubuhay ang mga walang ipon sa bangko, ang mga nag-uulam ng ice candy sa kanin para makaraos sa pang araw-araw, o ‘yong hindi man lang nakaranas na matulog ng naka-aircon. Sa loob ng dalawang buwan, sinisiguro ko sa ‘yong ibang Naia Lucresia Santocildes ang uuwi sa mansyon n’yo.”
Matiim ang tinging ipinukol ni Jaime sa kaharap.
“Are you sure?”
“Kaya kong itaya kalahati ng itlog ko para dito, Mr. Santocildes. Ganyan ako ka-confident,” ngingisi-ngising sagot ni Carl.
“Apart from her medical expenses, you’ll shoulder her everyday needs.”
“Oo naman. Kakain siya kung ano ang kinakain ko, maliban na lang kung bawal ‘yon sa kanya. Siyempre, kliyente ko pa rin si Miss Santocildes. Hindi ko siya aapihin. Kahit may hangganan ang pagiging mag-asawa namin, sinisiguro kong magiging mabuti akong asawa sa pamangkin mo.”
Saglit na nag-isip si Jaime, tinitimbang ang mga bagay na sinabi ni Carl. Naghintay siya. Wala naman kasi siyang choice kundi ang maghintay sa kung ano ang desisyon ni Jaime. He needs to take Naia into his turf to make things happen. Hindi siya makakagalaw nang maayos kung wala sila sa teritoryo niya.
“Alright. I agree.”
“Eh, di ayos.”
Pumalatak si Jaime.
“Don’t fall in love with my niece.”
Carl scoffed.
“Wala akong balak.”
Carl wondered if the Fates heard his brave declaration. He must have spoken too soon.