Chapter 2

1058 Words
TASH Midnight Spices Tavern. I have only seen it in pictures. Kung ako lang, hindi ko i-sesearch online -- but Ashley is like a walking google. Pagkakatapos ng flight ay may text sa akin at nagsesend ng picture ni Ashton. Minsan may babae, minsan wala. And a year after I left, nagtayo sila ng restaurant na ito. Noong una, silang apat lang ng mga kaibigan n'ya -- Warren, Mason and Kayden. I have met them back in university. Then last year, the twins -- Devin and Dylan joined them. Maganda ang review ng restaurant at talagang pinipilahan. Hindi nauubusan ng customer at isang buwan ang kailangan mong palugit bago ka makakuha ng spot unless may mag-cancel. Even cancellations are rare. I've read about it. Na-feature silang anim sa magazine ilang buwan na ang nakakaraan. And here I am at five in the afternoon, kasama ko ang kapatid ko.  "Sorry, we are still close. We will be open in about thirty minutes," sabi ng lalake na hindi tumitingin. I think it's Mason. "I only need five minutes. Not even. And we are not dining, don't worry," sabi ko sa kanya. "Tash?" Ang lalakeng sumalubong sa amin ay nakatulala. It's Kayden. "Hello Kayden. Is Ashton here?" Hindi ako ngumiti pero hindi rin naman ako nakasimangot. Civil lang. "Uhm -- he's uh," he pointed at the close door at the back. "Ashley?" Nakita ko pa ang pagsukat n'ya ng tingin sa kapatid ko. Ashley can handle him. Ako ay naglakad na patungo sa pinto na itinuro n'ya. Narinig ko pa ang usapan nila bago ako makalayo. May pagkamataray pa naman ang kapatid ko.  "And you are?"  "Kayden. Don't you remember me?" "Nope. And I am not here to chat." Hindi nito pinansin ang pagsusuplada ng kapatid ko. "You're all grown up." Here we go with Ashley being mouthy. Crush n'ya kasi si Kayden noon but she was still in high school. And then Ashton and his friends were at home one time at may kasamang babae si Kayden noon. Unfortunately, Ashley was there to visit me too.  "Malamang. Ineexpect mo bang babalik ako sa pagka-sanggol?" May bumunghalit ng tawa at nagkomento. It was Mason. "Burn," tatawa tawang sabi nito.  Iniwanan ko na sila at nang nasa harap na ako ng pinto ay huminga muna ako ng malalim. It's now or never Tash,  go knock and get it over with. Kumatok ako pero walang sumagot. The door wasn't locked so I went in and to my surprise, Ashton is sitting on his chair and there was a woman on his lap trying to kiss him. Kamuntikan na itong malaglag sa sahig ng itulak nito ang babae. "Get off me!" Ashton's face was as cold as ice.  "I know you want me or maybe it's true what they say -- you're gay," patuyang sabi ng babae sa kanya.  She looks like a barbie doll. Blonde hair, tall, pouty red lips, pointed nose and long lashes. Nakasuot ito ng maiksi at hapit na damit. Normally, I won't say anything and let them talk but he is still my husband. At kung may iinsulto sa kanya, ako 'yon at hindi ang pesteng babaeng ito. I cleared my throat at sabay silang napatingin sa akin.  "My husband is not gay. I can assure you that," nginitian ko s'ya ng matamis.  "Y-your h-hus.. h-husband?"  I smirked. Ngayon nagkakandautal utal sa pagtatanong. Naglakad ako palapit sa silya sa harap ng mesa at naupo saka pinagkrus ang binti ko. I flipped my hair and looked at her in the eye.  "Yes. But not for long. Anyway, you don't have to leave the place. I just need five minutes with him. If you can wait outside the door, he's all yours after," narinig ko ang mahinang mura ni Ashton. Lumawak ang ngiti ng babae at saka tumango. "Okay, I'll wait outside." "You do that," I smiled at her but in my head -- I want to strangle her.  Nang lumabas ito ng pinto ay naramdaman ko ang mainit na titig ng asawa ko sa akin. I counted in my head before I faced him. He was wearing a black long sleeves, no tie, nakarolyo hanggang baba ng siko ang sleeves at nakamaong.  "Hi," sabi ko sa kanya. "What brought you here?"  Okay. So s'ya na ang matabang ang pakikitungo sa akin. It's f*cking obvious, hindi n'ya ako na-miss. Dapat sanay na ako doon. Anim na taon nga kaming walang komunikasyon eh. Inilapag ko sa mesa ang envelope at itinulak papunta sa kanya gamit ang hintuturo ko.  "I need your signature." Kumunot ang noo n'ya. "For what?" "Take a look and see." Binuksan nito ang envelope at hinugot ang kalahati ng papel saka mabilis na ibinalik.  As usual, poker face pa rin s'ya. Inilapag n'ya 'yon sa mesa at itinulak pabalik sa akin.  "What makes you think I will sign it?" His voice was as cold as ice. Mahina akong napatawa. "What's the reason for you not to? It's long overdue, don't you think?" Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin. I looked at the time and my five minutes is almost up. Oras na para sa plan B. "Listen, I know you're busy so I will just leave it here. I already signed it. You can mail it once you're done. It even has a stamp ready for you," tumayo na ako at tinungo ang pinto.  "Aalis ka na naman." Don't look back, Tash. Don't even answer him. Buksan mo na ang pinto at lumabas ka na. Pero ang pesteng puso at isip ko, ready ng makipagpalitan ng salita sa kanya. There's no sense in talking about the past anymore. Finish na. Pirma na lang n'ya ang kulang.  "Ano naman kung um --"  Hinarap ko s'ya at hindi ko namalayan ang mabilis n'yang paglapit sa akin. The brute was behind me in a blink. Napaurong ako at napasandal sa dahon ng pinto. Itinukod n'ya ang dalawang kamay sa pinto at ikinulong ako. Sh*t.  This is not good. "You were saying?" Halos pabulong 'yon dahil ang lapit ng mukha n'ya sa akin.  Napalunok ako. "Masyado kang malapit. Layo ka ng kaunti." "Ayaw ko." Sinamaan ko s'ya ng tingin at ang pagkakamali ko ay ang pagtunghay sa kanya. Sinamantala n'ya 'yon para halikan ako sa labi. Anim na taon kong hindi natikman ang halik n'ya pero bakit parang kahapon lang ang huli?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD