HEAVEN "Mabuti sinamahan mo ako ngayon pumunta sa mall, love na miss kita eh" Napangisi ako sa sinabi ni Jake. Katunayan tuwang-tuwa ako sa kanyang imbitasyon dahil mababaliw na ako sa set up ni Miguel sa buhay ko, but of course, hindi niya kailangang malaman iyan. At syempre miss ko na rin ang mokong na ito. "Do I have a choice? Eh, hindi mo ako tinantaman hanggat hindi ako pumayag." "Sus, kunwari ka pa, Heav, alam kong gustong-gusto mo naman na gumala kasama ako," ani ni Jake sabay hapit ng bewang ko patungo sa kanyang katawan. Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi bago bitawan. Irap lang ang sinagot ko dahil papalapit na sa amin ang saleslady para salubongin ang aming pagpasok sa shop nila. Birthday kasi ng Mama ni Jake bukas kaso muntik niya na itong makalimutan. Kung hindi pa ako