MIGUEL "I'll be going too, bro," paalam ni Rafael sa akin sabay tayo sa kanyang kinauupuan. "Sige, bro, magkita-kita na lang tayo mamaya sa bar," tanging sagot ko. Napatango lang si Rafael at umalis sa aking opisina. Hinintay ko ang tawag mula sa guardhouse upang ipaalam sa akin na umalis na si Rafael. Kailangan kasi na wala siya estableshment bago ko tawagin ang kasunod kung appointment. Labingdalawang minuto ang lumipas nang magring ang telepeno kaya sinagot ko ito. "Yes?" Narinig ko ang pagtikhim ng sa kabilang linya. "Sir, kaalis lang po nang sasakyan ni Sir Rafael." "Thank you!" Binaba ko ang telepono at pinindot ang numero ng Delta department. "Send Agent D46 to me, Arnold. You too." "Coming, bro." Habang hinihintay ko ang kanilang pagdating, I read the report that Joeh