CHAPTER 19

1634 Words

Maaga akong nagising at naghanda sa pagpasok kinaumagahan. Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko habang inaalala ang mga bagay na pinagkasunduan namin kahapon ni Zhynn. Pumayag s'ya. "Mom, aalis na po ako!" sigaw ko nang nakababa ako ng hagdanan. "Wow. Ngayon ka lang namaalam kuya, ah? Did something masaya happened?" tanong ng kapatid ko na bigla nalang sumulpot mula sa kusina. My lips twitched because of her words. Agad din naman akong napangiti nang naalala kung bakit ako masaya ngayon. "Wala. Feeling ko kasi rank 1 ako," nakangising tugon ko sa kanya at saka siya nilapitan upang guluhin ang kanyang buhok. Ayaw kong magsinungaling sa kanya, sa kanila, ngunit para rin ito sa kaligtasan ng lahat. Zakhira rolled her eyes. "Palagi ka namang nangunguna sa klase. Hindi ka pa nasanay."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD