"Nandito ka na pala," untag ni Zhynn na nakapagpabalik sa katinuan ko. "Y-Yeah," utal na wika ko at alanganing naglakad patungo sa kanila. Inosenteng nakatingin ang anak ko sa akin habang pinagpapawisan naman ako nang malagkit sa kaba na maitutok niya sa akin ang baril. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang nakakalokong ngisi ni Hirro sa tabi. "Namumutla ka 'ata?" Usisa ni Zhynn, hindi ko mabakas kung nag-aalala ba siya o nanunuya. Imbes na sagutin siya ay naglakad nalang ako papunta sa kanyang tabi. "Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan mo ipakikilala ang anak ko," sarkastikong bulong ko at pinagmasdan ang pagpapatuloy ni Zakiah sa pagpunas ng hawak niya. "What?" Maang na tanong niya. "Akala ko ba ay gusto mong makilala ang anak mo?" Dagdag niya. "Are you fooling me, Zhynn?"
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books